Chapter 18

244 8 1
                                    

DARRELL'S P.O.V.

PINAGBABAAN niya ako nang tawag na ikinahinga ko nang malalim. Hindi ko intensyong sigawan siya. Napag-usapan na namin 'to, pero bakit siya nagkakaganoon.

Gusto niyang huwag ko siyang tawagan? Sige, gagawin ko 'yong gusto niya kung 'yon ang makapagpapatahimik sa kanya. Siguro kailangan muna naming mag-isip-isip. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari, pero hindi ibig sabihin niyon na hindi ko na siya mahal. Siya pa rin ang babaeng pinakamamahal ko. But for now, we need space.

Jezelle, sorry, pero kailangan nating magkalayo kahit saglit para mas patibayin itong relasyon natin.

*****

MONTHS LATER...

BUMABA ako sa taxi na sinakyan ko at lumapit sa gate ng mansyon. How I miss this place. Miss na miss ko na rin ang babaeng pinakamamahal ko. It's been three months since nang huli ko siyang makausap. And now, I'm totally back. Sana lang ay ako pa rin 'yong lalaking mahal niya.

Nag-doorbell ako. Agad na bumukas iyong gate at bumugad sa akin si Manang Elma. “Oh! Hijo, welcome back,” nakangiting sabi ni Manang Elma. Niyakap ko siya.

Parang pangalawang ina ko na siya dahil siya ang nag-aasikaso sa akin at kay Callie kapag wala sina Mama noon at siya ang nagsasabi sa akin na huwag akong magalit sa parents ko dahil para sa aming magkapatid ang ginagawa nila.

“Salamat po, Manang. Nandiyan ba si Jezelle sa loob?” tanong ko pagkahiwalay namin sa yakap bago pumasok sa loob ng mansyon.

“Ay na'ko! Wala siya rito. Nasa opisina pa, mamaya pa siya uuwi,” sabi ni Manang Elma. Tumango na lang ako.

Pupuntahan ko na lang siya sa kumpanya.

Umakyat ako sa pangalawang palapag ng mansyon at pumunta sa kwarto namin para makapagbihis.

Napakunot ang noo ko ng may napansin akong mga bote sa side table. Nilapitan ko iyon at kinuha iyon. Napakunot ang noo ko nang mabasa ang mga pangalan ng bote ng gamot.

"Antidepressants? Anxiety and Stress Relief? May sakit ang asawa ko?" nakakunot ang noong sabi ko habang nakatingin sa mga bote ng gamot dahil si Jezelle ang sigurado akong umiinom nito dahil nandito ang mga ito sa kwarto namin.

Kaya ba pinapauwi niya ako dahil kailangan niya talaga ako dahil may dinaramdam siya? D*mn it.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba ng ikalawang palapag ng bahay bago sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko iyon papunta sa kumpanya.

*****

JEZELLE'S P.O.V.

NAPASANDAL ako sa swivel chair ko at napahawak sa noo ko na sobrang sakit dahil sa kakabasa ng mga business proposal. Biglang dumapo ang tingin ko sa naka-display na wedding picture namin ni Darrell na nasa bandang gilid ng lamesa ko.

Sobrang miss na miss ko na siya. Tatlong buwan na ang nakalipas nang huli kong marinig ang boses niya. Talagang tinupad nga niya 'yong sinabi ko na huwag na siyang tumawag sa akin. Ni-hindi niya ako binati noong birthday ko last week. Siguro may babae na talaga 'yon do'n, hindi niya talaga ako mahal. Pero excited na ako sa pag-uwi ni Darrell. Miss na miss ko na talaga siya, pati 'yong boses niya. I miss everything about him. Sana hindi totoo 'yong nasa isip ko na may babae siya, dahil kung mayroon nga, hindi ko na alam kung anong kaya kong gawin sa sarili ko.

Ang laki ng epekto sa akin ang pagkakalayo namin ni Darrell. I was diagnosed with General Anxiety Disorder (GAD) when I went to the doctor after the day that my husband last called me. That's the reason why I always have a sudden feeling of deep sadness and cried for no reason. Minsan ay hirap akong makatulog o hindi ako nakakatulog. Laging mainitin ang ulo ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko na alalahanin iyong pag-aaway namin ni Darrell o baka may babae na siya roon. Sintomas na pala ang mga iyon ng GAD.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon