JEZELLE'S P.O.V.
ILANG BUWAN na ang nakalipas simula nang magtapat si Darrell na may nararamdaman na siya akin at sobrang saya ko nang malaman iyon dahil may pag-asang masuklian niya na ang pagmamahal ko sa kanya na hindi niya alam. And about Darrell and I, ganoon pa rin naman kami. Mas lalo ko siyang minamahal kapag lagi kaming magkasama at pinaparamdam niya sa akin na mayroon na nga...mayroong tyansang mahalin namin ang isa't isa at maging totoo ang relasyon namin.
Ngayon ay papunta ako sa restaurant kung saan kami magde-date ni Darrell. Palagi rin kaming nagde-date ni Darrell simula nang magtapat siya at para makabawi raw siya sa akin kasi nagiging busy na raw sila ngayon. I understand naman kasi ganoon din si Kuya Jeremy dahil magkaklase sila.
Pagkarating sa restaurant ay pinark ko sa isang tabi ang kotse ko bago bumaba at pumasok ng restaurant. "Hello, Ma'am! May I know if you have a reservation?” tanong ng waiter na sumalubong sa akin.
“Yes, from Callib Darrell Buenavilla,” nakangiting sagot ko.
“Oh, kay Mr. Buenavilla po. I'll take you to your table. This way po, Ma'am,” magalang at nakangiting sabi ng waiter at sinamahan ako kung nasaan ang table namin ni Darrell.
Napakunot ang noo ko nang magtungo kami sa garden ng restaurant pero hindi ako umimik at sumunod lang sa waiter. Nakita ko rin ang mga rose petals na nagkalat sa dinadaanan namin. Hanggang sa makarating kami sa table for two na nasa gitna ng garden kung saan ay nakita ko si Darrell na nakatayo sa gitna habang may hawak na bouquet of roses. Narinig ko ang pagtunog ng “Perfect by Ed Sheeran” na violin instrumental na nakadagdag ng romantiko sa paligid.
Naglakad siya papalapit sa akin habang may ngiti sa kanyang labi. Nanatili pa rin akong nakatayo sa kinatatayuan ko at hinihintay ang paglapit niya.
“For you, Honey,” sabi niya at binigay sa akin ang bouquet of roses na agad kong tinanggap at inamoy.
“Ano ito?” tanong ko sa kanya sabay paglibot nang tingin sa garden ng restaurant. Puno ito ng mga yellow light na nagpaganda sa lugar. May mga lantern sa damuhan na nakakadagdag atraksyon sa paligid.
“Pinaghandaan ko ang gabing ito para sabihin sa ’yo ang tunay na nararamdaman ko para sa ’yo, Jezelle,” seryosong sabi niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa mata niya. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at marahang hinalikan niya iyon.
“Sa ilang buwan na kasama kita, natutunan kong mahalin ka. Hinayaan ko ang sarili ko na mahalin ka at kalimutan siya. Hindi ko pinilit ang sarili kong mahalin ka dahil kusa ko iyon naramdaman...kusa kang pinagbuksan at pinapasok ng puso ko.Hindi ko inaasahang darating ka bigla sa buhay ko. Walang babala, walang kung anong senyales o palatandaan. Hindi nga rin sumagi sa isip ko na pwede palang magbago ang pangarap ko. Ngunit totoong dumating ka at kasabay mo ay pagbukas ng pinto ng iba’t ibang posibilidad, na ikaw ang patunay na ang ibibigay sa atin ay higit pa sa ating ipinagdarasal. Ikaw iyong nahanap ko kahit hindi ko alam kung ano ang hinahanap ko. Hindi ikaw ang aking inaasahan, pero ikaw ang pagbabagong handa kong yakapin sa araw-araw. Dahil ikaw ang paalala na higit sa plano, darating pa rin talaga ang para sa akin,” mahabang sinseridad na sabi niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko ang tumulo ang mga luha mula sa mata ko papunta sa pisngi ko sa mga sinabi niya...sa mga ipinagtatapat niya ngayon. Totoo na ang mga sinasabi niya sa akin ngayon? Totoo bang mahal na niya ako?
“Darrell...” naluluhang banggit ko sa pangalan niya. Kasabay nang tugtog ng violin at nang mabilis na pagtibok ng puso ko ay narinig ko mula sa bibig niya ang salitang hinihiling kong marinig sa kanya at hindi ko inaasahang na sasabihin niya sa akin ngayon.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomantizmSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...