Chapter 23

214 5 0
                                    

JEZELLE'S P.O.V.

NAPATINGIN ako sa asawa ko nang marahan niyang pisil-pisilin ang kamay kong hawak niya at paminsan-minsang hinahalikan. Nang mapatingin siya sa akin ay mabilis niya akong hinalikan sa labi ko na ikinangiti ko. Napatingin kami kay Tita Elaiza nang tumikhim at nakita naming nakangiti siya habang nakatingin sa amin bago may tinuro sa screen na ikinatingin namin doon.

“Look here, ito ang isa! Kanina akala ko may problema kasi parang nagdodoble ang heartbeat, iyon pala ay hindi lang nahagip ng probe ko ang isa at nagtatago, pero you're having twins. Look! They shared in one placenta but two amniotic sacs na ang ibig sabihin ay identical twin ang anak n'yo. So, expected ng iisa lang ang gender ng kambal.” Muling may itinuro si Tita Elaiza sa monitor kung saan kita ang dalawang hugis beans na magkatabi.

Shit! Kambal nga. Kambal talaga ang pinagbubuntis ko at magiging anak namin ni Darrell.

“Baby 1 and Baby 2.” Nagkatinginan kami ng asawa ko, kapwa may gulat sa mukha naming dalawa pero mababakasan ang saya sa aming mga mata. Napahawak ako sa bibig ko sa hindi inaasahan na marinig kay Tita Elaiza.

“Oh my god! Kambal?! Hon, kambal ang baby natin,” emosyonal na sabi ko sa asawa ko na napatango at ngumiti nang malapad pagkatapos ay tumingin kay Tita Elaiza.

“Tita, check mo pa nga baka mayroon pa, baka hindi lang kambal ang pinagbubuntis ng asawa ko,” masayang sabi ni Darrell na ikinatawa ni Tita Elaiza pati na rin ako na ngayon ay nag-uumapaw ang sayang nararamdaman ko.

“Hon, kambal. Oh my god! Kambal ang baby natin,” masayang sabi ko. Lumapit ang asawa ko sa akin bago ako hinalikan sa noo.

“Thank you, Hon. Thank you so much. This is the most precious gift I ever received on my birthday.” masayang sabi niya na ikinatango ko.

Tinanggal ni Tita Elaiza ang pagkakalapat ng probe sa tiyan ko at binigyan niya ako ng wipes pero kinuha iyon ng asawa ko sa kamay ko ay siya na ang nagpunas sa tiyan ko na ikinangiti ko lalo na nang halikan niya iyon.

"I love you, My Babies," nakangiting sabi ng asawa ko sa tiyan ko bago muling hinalikan na ikinangiti ko bago niya ako inalalayang bumangon at bumaba sa hospital bed. Ramdam ko sa bawat hawak at kilos niya ang pag-iingat na lalong ikinalapad ng ngiti ko.

“Thank you, Tita,” sabi ko kay Tita Elaiza na ngumiti sa akin.

“Walang anuman. By the way, congratulations. Nasa lahi n'yo talaga ang pagkakaroon ng kambal na anak, Jezelle,” nakangiting sabi ni Tita Elaiza.

Lumapit si Darrell kay Tita Elaiza at may ibinulong na ikinakunot ng noo ko habang nakatingin sa kanila lalo na nang makita kong binigay ng asawa ko ang cellphone niya kay Tita Elaiza na napatango.

“Tara, Hon, sa table na natin hintayin si Tita Elaiza,” sabi ng asawa ko sa akin nang makalapit siya sa akin at lumabas kami ng kwartong iyon. Umupo kami sa inupuan namin kanina sa tapat ng lamesa ni Tita Elaiza.

“Ano ang pinag-usapan n'yo ni Tita Elaiza?” nakakunot ang noo kong tanong sa asawa ko na napangiti.

“Nag-request ako kay Tita Elaiza na kung pwede ba tayong humingi ng sonogram nila Baby na ilagay sa phone ko at ang sabi niya pwede raw,” nakangiting sabi ni Darrell na ikinatango ko.

Ilang minuto lang ay dumating na si Tita Elaiza at umupo sa swivel chair niya. Binigay niya kay Darrell ang cellphone nito at binigay niya sa akin ang sonogram nila Baby na ikinangiti ko. May binigay rin sa amin si Tita Elaiza na baby book kung saan naka-record ang mga information ng kambal katulad pulse rate nila kanina during ultrasound, kung ilang week at kung kailan ang susunod na check-up. Nakalagay rin sa baby book ang physical exam ko kanina.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon