JEZELLE'S P.O.V.
DAYS LATER...
"HAPPY birthday to you. Happy birthday, Happy birthday. Happy birthday to you," kanta ng mga batang bisita ng kambal na nakapalibot sa kanila habang nakaharap silang dalawa sa cake nila at nakasindi ang four candles sa bawat cake nila.
"Wish muna kayo, sweethearts, before you blow the candles," I said habang nakatingin sa kanila. Nakita kong ipinagdikit nila ang kanilang palad at pumikit ng ilang segundo bago hinipan ang mga kandila sa cake nila.
"Happy birthday, Sweethearts," nakangiting sabi ko sa kanila bago sila niyakap.
"Thank you, Mommy," nakangiting sabi nila at hinalikan nila ako sa magkabilang pisngi.
"Pwede ko bang malaman kung ano ang wish ng mga gwapo kong prinsipe?" nakangiting tanong ko.
"Sure po, Mommy."
"So, ano ang wish n'yo?"
"I wish na magkaroon na kami ng baby sibling soon," nakangiting sabi ni Jezrell na ikinangiti ko dahil nakita ko ang ngiti niya at hindi siya nagsungit ngayong araw.
"Gano'n din po ang sa akin, Mommy. Gusto ko rin na magkaroon na kami ni Kuya ng baby sibling."
Napangiti ako sa sinabi ng kambal bago ko kinuha ang box na nakapatong sa mesa at binigay sa kanila.
"Pwede n'yo bang buksan ito, sweethearts," nakangiting sabi ko sa kanila.
"What is this, Mom?"
"Nasa loob ang surprise namin ng Mommy n'yo." Ang asawa ko na ang sumagot habang may ngiti sa kanyang labi.
Nang marinig nila iyon ay agad nilang inalis ang ribbon ng box at tinanggal ang takip. Nawala ang ngiti sa labi nila at naging malungkot nang makita at makuha nila sa loob ang laman ng box. A white pair of baby shoes and gloves.
"Mommy, Daddy, hindi naman na magkakasya sa amin ito," nakangusong sagot ni Jezren na hawak ang baby gloves na ikinangiti ko.
"Hindi naman 'yan para sa inyo, para kay baby natin 'yan."
"Po?" Nakita ko sa mukha ng kambal na naguguluhan sila sa sinabi ko.
"'Di ba sabi n'yo, gusto n'yong magkaroon ng baby na kapatid?" tanong ko na ikinatango nila.
"Natupad na namin ang wish n'yo. Magkakaroon na tayo ng baby, kiddos. Mommy is already pregnant," masayang anunsyo ni Darrell sa mga anak namin. Biglang nanlaki ang mata ng dalawa.
"Mommy is pregnant? It means, she has a baby inside her tummy, like Tita Mama before?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Jezrell.
"Yes, kiddo." Nagkatingin muna silang magkambal bago nagtatalon na yumakap sa amin ng daddy nila.
"Yehey! We have a baby sibling. Thank you for the wonderful gift for me and Jezren, Mommy and Daddy. Thank you so much," masayang sabi ni Jezrell habang yakap ako. Napangiti ako nang lumapit din sa akin si Jezren at niyakap ako. Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang marinig silang kinakausap ang wala pang umbok na tiyan ko. "Hello, baby, I'm your Kuya Jezrell. I'll always take care of you and protect you kapag lumabas ka na sa tummy ni Mommy and kapag malaki ka na. Because I don't want someone to hurt you, so I'll protect you always. I love you, baby." Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa tiyan ko. Hindi na talaga maalis sa labi ko ang ngiti dahil sa mga sinabi niya.
"And I'm your Kuya Jezren, baby. Like what Kuya Jezrell said, I'll take care of you and protect you too. Behave ka lang muna sa tummy ni Mommy at huwag mo siya pahihirapan, baby, ha," Hinalikan niya rin ang tiyan ko. Naramdaman ko na humigpit ang pagkakayakap nila sa akin.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomansaSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is well-known throughout the country as the CEO and daughter of an affluent an...
![BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/226765969-64-k596903.jpg)