Chapter 50

219 2 1
                                    

JEZELLE'S P.O.V.

"ANONG sabi mo?" nakataas ang isang kilay na pagpapaulit ko kay Celine sa sinabi niya.

"Buntis ako at iyang asawa mo ang..," naudlot na sabi niya ng agad akong lumapit sa kanya at sinampal siya nang malakas na ikinahiyaw ng mga babaeng empleyado.

"Hon," pag-awat ng asawa ko na niyakap ako at inilayo kay Celine.

"Napakahibang mo para sabihin iyan! Walang nangyari sa inyo kaya walang mabubuo!" singhal ko kay Celine at nagpupumiglas sa pagkakayakap ni Darrell para sugurin siya pero mas lalo lang hinigpitan ng asawa ko ang pagkakayakap sa akin.

"Totoo ang sinabi ko. Nabuntis ako ng asawa mo. Paano ka nakakasiguro na walang nagyayari sa amin ng asawa mo?" sabi niya at nakita ko ang ngisi sa nakakairita niyang mukha na lalong ikinainis ko.

"Arggghh!" inis kong sabi.

"Celine, tumigil ka na. Walang nangyayari sa atin at kung buntis ka nga, hindi ako ang ama niyan," sabi ni Darrell kay Celine na ikinawala ng ngisi nito.

"Buntis ako at ikaw ang ama. Iyon ang totoo, nagbunga ang nangyari sa atin sa opisina n'yo," inis na sabi ni Celine na ikinangisi ko sa sinabi niya.

Limang buwan na ang nakalipas ng maganap ang sinasabi niyang may nangyari sa kanila ni Darrell pero ang totoo ay walang nangyari sa kanila. Hanggang kissing lang iyon at napanood ko pa mismo sa CCTV Footage na pinalagay ko sa CEO's Office na walang nangyari sa kanila dahil nasa timing ang pagdating ko. Huhubaran pa lang sana ni Celine si Darrell nang sandaling iyon kaya ang siste, wala talagang nangyari sa kanila dahil kung may nangyari nga at nagbunga, malamang ay maumbok na ang tiyan niya na haharap sa amin dahil limang buwan na dapat ang tiyan niya kung tutuusin.

Ang babaeng nasa harapan ko ay obsessed sa asawa ko. Totoong buntis siya dahil pinamanman ko siya noong araw na nakabalik kami rito ni Darrell sa Manila after two months vacation namin sa Dairielle Island pero hindi ang asawa ko ang ama kun'di ang stepdad niya na si Luigi Malto. Plano nilang paghiwalayin kaming mag-asawa para makasingit si Celine at kunin lahat ng kayamanan naming mag-asawa, iyon ay base sa pinag-usapan nila habang nagtatal*k sa opisina ni Mr. Malto. Wala sanang plano si Celine na makipagtal*k sa stepdad niya dahil nirerespeto niya ito bilang ama pero nasilaw siya sa plano nito na kapag nabuntis siya at ipinaako kay Darrell ang bata ay makakasama na ni Celine si Darrell habambuhay.

"Baliw ka. Obsessed ka sa asawa ko, Celine. Hindi si Darrell ang ama ng dinadala mo. Alam ko ang buong katotohanan. Walang nangyari sa inyo ng asawa ko dahil nilikha mo lang iyang sinasabi mo sa utak mo," mahinahon na sabi ko na ikinaluwag ng pagkakayakap ni Darrell sa akin.

"Hindi ako baliw. Totoo ang sinasabi ko, anak ni Darrell ang pinagbubuntis ko," naluluhang sabi niya pero nakita ko ang mahigpit na pagkakakuyom ng mga palad niya. Napailing ako sa sinabi niya.

"Sorry, but it's not Darrell's child. Hindi na ako magtataka kung bakit nagkakaganiyan ka dahil pareho kayo ng ina mo! Pareho kayong baliw sa mga lalaking gustong idikta ng utak n'yo para mahalin n'yo! Pareho kayong nagpabuntis sa iba para ipaako ang batang dinadala n'yo sa lalaking pinili lang ng utak n'yo para mahalin ninyo! Utak ang pinapagana mo hindi ang puso, hindi pagmamahal ang tawag diyan kun'di kabaliwan!" singhal ko kay Celine na dahilan para sugurin niya ako pero lahat nang binigay niyang hampas ay ang asawa ko ang nakakasalo dahil niyakap ako ng asawa ko at hinarang ang sarili niya para protektahan ako.

"Huwag mong idamay ang Mommy ko rito? Wala kang karapatan na sabihin siya ng ganiyan!" singhal ni Celine sa akin habang patuloy na hinahampas ako pero sinasalo pa rin ng asawa ko ang lahat ng hampas niya.

"Hindi mo tunay na ina si Vanessa Cruz dahil ampon ka lang niya! Ang tunay mong ina ay isang murdered at baliw, pinatay niya ang sarili niyang magulang at kapatid dahil sa pag-aakalang hindi siya mahal ng pamilya niya. Pati ang Mommy ko ay muntik nang mamatay dahil sa kabaliwan ng nanay mong si Tiffany sa Daddy ko!" galit kong singhal kay Celine na ikinatigil niya sa paghampas sa asawa ko.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon