Chapter 42

366 8 3
                                        

JEZELLE'S P.O.V.

KINAGABIHAN…

TAHIMIK akong nakaupo sa gilid ng kama habang sinusuklayan ang medyo mahabang buhok ko. Hinihintay kong lumabas sa walk-in closet ang asawa ko dahil katatapos lang niyang maligo para maging presko at mahimbing ang tulog niya. Pagkalabas niya ng walk in closet ay ini-off na niya ang switch ng ilaw bago tumabi na akin. Nilapag ko na rin ang hair brush ko sa side table at umayos ng higa at agad siyang niyakap.

Hinalikan ko siya sa labi na agad din niyang tinugon. Napahawak siya sa batok ko at unti-unti niyang nilaliman ang halik namin. Hinihingal na humiwalay ang mga labi namin bago ko siya tinignan sa asul niyang mga mata.

“Hon, handa na ako. Handa na akong magka-baby ulit tayo. Handa na akong sundan ang kambal Gusto kong magkaroon ng baby girl,” seryosong sabi ko sa asawa ko habang nakatingin ako diretsyo sa asul niyang mga mata para malaman niyang seryoso ako sa sinasabi ko.

Nakita ko ang pagguhit ng malaking ngiti sa labi niya bago niya ako mabilis na hinalikan ulit sa labi na agad kong tinugon. Bumaba ang halik niya sa leeg ko na nagdala ng init sa katawan ko. Binalik niya ang halik sa labi ko at tinugon ko naman iyon habang isa-isang tinatanggal ang suot naming damit.

*****

KINABUKASAN...

“MOMMY! Daddy! Wake up!” rinig kong sambit ng batang lalaki at naramdaman kong may nagyugyog sa katawan ko.

Agad akong napamulat nang maalala ko ang milagrong ginawa naming mag-asawa kagabi kaya agad akong napatingin sa katawan ko sa ilalim ng comforter. Napahinga ako ng maluwag nang makita kong may suot akong damit. Tumingin ako sa asawa kong nakayakap sa akin habang mahimbing na natutulog sa tabi ko at nakita kong may suot na rin siyang damit.

Bumangon ako at umupo sa kama bago ngumiti kay Jezren na nakaupo sa gilid ng kama namin ni Darrell. Nakasuot pa siya ng ternong Ninja Turtle na sando at pajama na pantulog. Siguro ay hindi pa dumadating si Yaya Alice kaya hindi pa siya nakakaligo at nakakapagpalit ng damit.

Hindi kasi stay-in si Yaya Alice dahil may dalawa siyang anak kaya pinapauwi namin siya tuwing gabi para maalagain niya rin ang mga anak niya at pinapasundo na lang namin siya kay Ron tuwing umaga. May anak talaga ang hanap namin na yaya para sa kambal dahil noong kumuha kami ng yaya na wala pang anak sa may agency ay nahuli naming sinasaktan nang babaeng iyon ang mga anak ko kaya naghanap kami ng yaya na may anak na para hindi na maulit at may experience na talaga sa pag-aalaga ng bata. Si Manang Elma kasi ay nagretiro na after mag-one year old ng kambal.

“Good morning, Baby,” nakangiting sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.

“Good morning din po, Mommy,” nakangiting sagot ng anak ko bago niya ako hinalikan sa pisngi.

“Hmmm, where's your Kuya Jezrell?” tanong ko. Tumingin siya sa pinto kaya tumingin rin ako roon at nakita kong tinuro niya ang Kuya niya na nakasandal sa pinto. Nakakunot ang kanya noo habang nakacross arm.

Minsan talaga ang sungit ng isang 'to. Bakit kasi nagmana ito kay Dad?

“Good morning, Baby. Come here,” sabi ko sa kanya habang sumisenyas na lumapit siya sa akin. Biglang sumimangot ang mukha niya. “Bakit nakabusangot ang mukha mo, Jezrell?”

“I'm not a baby anymore, Mom. So, please, stop calling me baby,” masungit na turan niya na ikinangiti ko lang.

“You know what, Kuya, you're so masungit na,” nakangusong sabi ni Jezren sa kuya niya.

“Tss. And you're a childish,” inis na sabi ni Jezrell sa kapatid.

"Tama na. Huwag kayong mag-away." suway ko sa dala. “Halika nga rito, Jezrell.” Lumapit ito sa akin at sabay ko silang niyakap ni Jezren, niyakap din nila ako. Hinalikan ko sila sa tuktok ng ulo nila. Pagkabitaw namin sa yakap ay tumingin ako kay Jezrell.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon