Chapter 54

135 0 0
                                    

A/N: Dalawang chapter ang katumbas nito. Hindi ko na pinahiwalay dahil masisira ang structure ng bawat susunod na chapter. Enjoy reading, guys. Few chapters left.

*****

JEZELLE'S P.O.V.

MAHIGIT dalawang buwan na ang lumipas mula ng manganak ako kay Baby Keira. Keira Dairielle Buenavilla, ang pinangalanan namin sa baby girl namin ng asawa ko. Isinunod niya ang second name ni Callie kay Baby Keira. Napansin kasi ng asawa ko na magkamukha sina Baby Keira at Callie, pinakita niya pa sa akin ang baby picture ni Callie at parang carbon-copy nga ni Callie si Keira dahil talagang magkamukha ang dalawa. Para silang identical twin.

Laking tuwa nina Mama at Papa nang makita si Baby Keira, napaiyak pa nga sila dahil parang bumalik daw si Callie sa pagka-baby. Bumalik ito sa paraan na maging apo nila at anak namin ni Darrell.

May na-received ding isang email ang asawa ko mula sa account ni Callie sa mismong araw ng kaarawan ni Callie na siyang araw rin na ipinanganak ko si Keira. Ang ibig kong sabihin ay pareho sila ng birthday, nanganak ako sa mismong kaarawan ni Callie. Hindi man kapani-paniwala dahil matagal ng patay si Callie pero iyon ang totoo, may schedule of send kasi sa email na pwede kang magpadala ng email sa future na siyang ginawa ni Callie.

*****

TWO MONTHS AGO...

"HON, bakit ka umiiyak?" tanong ko sa asawa ko nang bumungad sa akin pagkagising ko ang puno ng luha niyang mga mata habang nakaupo sa kama at nakaharap sa laptop niya. Natingin ako sa gitna naming dalawa ng asawa ko at napangiti nang makitang mahimbing na natutulog ang bagong silang na anak naming babae.

Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at kahit masakit pa ang pribadong parte ko sa ibaba ko dulot ng panganganak ko kanina sa babaeng anak namin na pinangalan naming Keira. Pinag-iisipan pa namin ni Darrell kung bibigyan pa ba namin siya ng second name o katulad na lang rin sa kambal na first name lang.

"M-May nareceived akong email galing kay Callie," naluluhang sabi niya na ikinakunot ng noo ko dahil impossibleng makapagpadala pa ng email ang isang taong matagal ng patay.

"Huh? Paanong may na-receive kang email galing kay Callie? Sigurado ka bang kay Callie galing iyan o account ba niya ang nagpadala sa 'yo? Baka scam lang iyan," naguguluhang sabi ko sa kanya. Umiling siya at hinarap ang laptop niya sa akin.

"Kay Callie galing iyan at sigurado akong sa kanya ang account na iyan. Ako mismo ang gumawa ng account niyang iyan," kumpirmadong sabi niya. "Basahin mo, Hon, para malaman mo kung bakit ako napaiyak."

Kinuha ko sa kanya ang laptop at mas pinaharap sa akin para mas lalong mabasa ko. Siya naman ay itinuon ang atensyon kay Keira na inaayos pa ang hinihigaan nitong baby nest para hindi namin mapisa o madaganan. Binalik ko ulit ang atensyon ko sa laptop na nasa harapan ko.

'August 18, ****

Dear Kuya Darrell,

Huwag ka pong magtataka kung bakit may na-receive kang email galing sa akin kahit matagal na akong wala sa tabi ninyo. Yeah, tanggap ko nang malapit na akong lumisan sa mundong ito at maiiwan ko kayong nasasaktan. Mahal ko kayo, Kuya, pakisabi iyan kanila Mama at Papa, ha. Lagi lang akong nanonood sa inyo mula sa itaas, palagi ko kayong gagabayan sa lahat ng oras. Nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan niya ako ng pagkakataon na magsaya sa araw na ito kasama ang mga mahal ko sa buhay. Thank you, sa magandang regalo mo sa akin, Kuya. Hindi ko inaasahan na ang ireregalo mo sa akin ay ang islang pangarap ko noong puntahan. Hindi mo man ako maipunta roon, iyong babaeng mahal na mahal mo na lang ang ipunta mo roon sa isla.

Kanina may napanaginipan ako, Kuya, nakikita ko iyong mangyayari sa buhay mo sa paglipas ng sampong taong pagkatapos kong mawala sa buhay n'yo. Mararanasan mo ulit ang mawalan na magdudulot ng matinding sakit sa inyo ng asawa mo pero ang kaibahan nga lang ay unborn child n'yo ang mawawala, iyon ay ang first baby girl ninyo dapat. Alam ko makakayanan n'yo lahat nang pagsubok na darating sa buhay ninyo ng asawa mo at isa sa pagsubok na iyon ay ang pagkawala ng unang anak ninyong babae.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon