DARRELL'S P.O.V.
PAGKATAPOS ng usapan namin ni Jezelle ay umuwi na ako sa mansyon. Agad akong dumiretso sa kwarto ko para maligo at magbihis. Nang matapos ay pumunta ako sa wine cellar ni Dad at kinuha ko ang pinakamatapang na alak sa collection niya at agad na nagsalin sa baso at diretsong ininom. Gumuhit ang pait sa lalamunan ko pero hindi ko ininda iyon at nagsalin ulit sa baso.
Uminom lang ako nang uminom hanggang sa makalahati ko ang laman ng bote ng alak. Naramdaman ko na rin ang pag-ikot ng paningin ko kaya pinikit ko ang mata ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko ay pumatak ang mga luha ko nang maalala ko ang mga sinabi niya sa akin kanina.
D*mn myself for letting her go. Napakalaki kong g*go para pakawalan siya kung kailan nasa akin na siya. Napakalaki kong t*nga para balikan ang ex ko at hayaang makipaghiwalay siya sa akin kahit na alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya. At ngayon, na nawala na ang sakit na ibinigay ko sa kanya ay saka pa ako babalik. Sinong g*ago ang gagawa ng gano'n, 'di ba?
Kinuha ko ang baso na may lamang alak at iinumin na sana ng may umagaw n'yon sa kamay ko. “Tama na, Anak. Ano bang problema? Bakit ka nagpapakalasing na naman?” rinig kong sabi ni Mama.
“'Ma, ang t*nga ko. Ang t*nga ko para hayaan siyang makipaghiwalay sa akin kahit mahal na mahal ko siya. Ang t*nga ko para piliin ang babaeng dahilan nang pagkawasak ko noong panahon na sobra pa akong nasasaktan dahil sa pagkawala ni Callie. Si Jezelle iyong babaeng bumuo sa akin at muling nagpasaya sa akin pero anong ginawa ko, sinaktan ko siya sa pagbabalewala ko sa kanya. Mahal na mahal ko si Jezelle, ''Ma,” umiiyak kong sabi. Talagang lasing na ako dahil hindi naman ako basta basta umiiyak. Si Callie at Jezelle lang ang dalawang babaeng iniyakan ko sa buong buhay ko.
“Mahal mo siya? Bakit hindi mo siya ipaglaban? Bakit ayaw mong gumawa ng paraan para bumalik uli siya at mahalin ka? Make a move, Anak. Hindi iyong nagpapakalasing ka rito. Hindi alak ang solusyon sa problema mo, Anak. Hindi ang pagsuko ang solusyon sa sitwasyon na kinakaharap mo ngayon. Huwag kang sumuko sa isang taong alam mong mahal na mahal mo, ipaglaban mo kung ano ang para sa ’yo,” sabi ni Mama. Napatingin naman ako sa kanya kahit umiikot ang paningin ko dahil sa kalasingan.
"Lahat ng relasyon humahantong sa tinatawag na boring stage. Siguro nangyayari 'yon after five months or more than one year. Ito 'yong sinasabi nila na wala na 'yong spark o kilig, iyong wala ka nang nararamdaman na excitement kapag kausap mo s'ya. Dito narin papasok iyong tanong na, 'Kapag ba wala na 'yung kilig, wala na rin ba iyong love?' Bakit? Nagmahal ka ba para kiligin lang? Being in love and being in a relationship isn't all about the feelings, it's a responsibility to love your partner everyday kahit na nagkakalabuan pa ka'yo," mahabang sabi ni Mama pero nanatili lang akong walang imik habang nakikinig sa kanya.
"Meron pa ngang, 'Kapag ba puro sakitan na lang or nagkakasawaan na kayo sa isa't isa, dapat n'yo na bang i-give up iyong relasyon n'yo?' Love isn't always laughs, smiles and fun. Kapag hindi ka nasasaktan ibig sabihin hindi ka nagmamahal, huwag ka pumasok sa isang relasyon kung puro saya at kilig lang ang habol mo. Huwag kang pumasok sa isang relasyon if you want someone to love you endlessly, if you want someone to never give up on you pero you can't do the same. Love is war, so get ready to be a soldier," mahabang dagdag na saad ni Mama na ikinamulat ko sa reyalidad.
“Tama ka, 'Ma. Kailangan kong gumawa ng paraan para bumalik siya sa akin. Kailangan kong ipaglaban ang relasyon namin.” lasing na sabi ko. Nakita kong tumango si Mama at ngumiti.
*****
DAYS LATER…
NANG makita ko si Jezelle ay agad ko siyang hinila papuntang garden. Gusto ko kasi siyang makausap. “Ano na naman ba ang kailangan mo?” may bahid na inis niyang tanong.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...