Chapter 46

195 5 1
                                    

DARRELL'S P.O.V.

WEEKS LATER…

NANG araw na dumating kami ni Jezelle rito sa mansyon namin ay hindi ko siya iniwan at pinaubaya ko muna kay Papa ang kumpanya para mas matutukan ko ang asawa ko. I want to be there if she needs something. I want to be there when she wants something. Ayaw ko na maramdaman ni Jezelle na nag-isa siya. Ayaw kong maramdaman niya na wala siyang kasama sa mga oras na 'to. I want to be on her side physically, emotionally, and mentally if possible.

Napakasakit na masaksihan mo ang asawa mo na palaging umiiyak. At wala kang magawa. Lagi lang siyang nakahiga at tahimik na pumapatak ang mga luha niya. Hindi ko alam kung may malay ba siya na walang tigil kakaagos ang mga luha niya. Doble-doble ang balik ng sakit sa akin n'yon.

Jezelle doesn't feel like waking up and seeing the sun in the morning. She just sat in bed, sobbing quietly. It's excruciatingly painful to watch her in that state, but what can I do? As much as I want to take all those pains, there's no way I could take them. If there's a possible way, maybe I will do it no matter what it is, but no. There's none. All I could do was stay on her side.

Ultimo pagkain ay hindi niya na nga naiisip, eh. Kung hindi ko siya pinapakain on time siguro, ayos lang sa kanya. Kung aalis ako sa tabi niya ngayon. Sinong mag-aasikaso sa kanya? Sinong magbabantay sa kanya? Lalo na ngayon na hindi ko alam kung ano ang mga tumatakbo sa isip niya kaya natatakot ako sa kalagayan niya mentally because of her GAD and depression. Mas lalong ayaw ko siyang iwan dahil baka kung anong gawin niya. There are possible na saktan niya ang sarili niya o kung ano pa man. Minsan nga ay nagtatrabaho ako kasama siya sa kama.

Napakunot ang noo ko nang makitang nakabihis si Jezelle at nakaupo sa harap nang vanity niya. Agad ko siyang nilapitan pagkatapos ay tinignan ng diretsyo.

“Saan ka pupunta, Hon?”

“Babalik na ako sa trabaho.” walang emosyong sabi niya habang nilalagyan ng make-up ang mukha niya.

“Babalik sa trabaho? Pero, Hon, kailangan mo pang magpahinga. Ang sabi ni Tita Elaiza ay tatlong buwan bago ka bumalik sa pagtratrabaho. Dalawang buwan pa lang ang lumilipas, Hon.”

“Kaya ko na, Hon,” wika niya pagkatapos ay inayos ang kanyang buhok bago tumayo at humarap sa akin.

“Hindi... Hindi mo pa kaya, Jezelle.”

“Kaya ko na.” Umiling ako pagkatapos ay kinuha ang bag niya.

“Hindi ka papasok sa opisina. Dito ka lang. Magpapahinga ka lang... tapusin mo ang tatlong buwan kapag nangyari iyon papayagan na kita.”

“Kailangan ko ito, Darrell... Kailangan kong magtrabaho... Kailangan ako sa kumpanya.”

“Kailangan din ako sa kumpanya pero mas pinili ko rito sa mansyon kasi kailangan n'yo ko. Kailangan n'yo ako ng mga anak natin... Ikaw, kailangan ka rin namin, Jezelle. Hindi ba pwedeng dumito ka muna? Hindi naman kita pinipigilan na magtrabaho kaso nang dahil sa nangyari sa ’yo, hindi ko naman din hahayaan na sundin mo lang ang gusto mo.” Pumatak ang mga luha niya kaya napabuntong-hininga ako.

“Hindi ko kaya rito... Nahihirapan ako.” naluluhang sabi niya at napaupo sa sofa na nandito sa kwarto namin.

“Isang buwan na lang ang hinihingi ko. Isang buwan, Hon, na magpahinga ka, ibigay mo na lang sa akin... O kaya kahit hindi na lang para sa akin kun'di para sa mga bata kasi kapag hinayaan kita sa gusto mo, baka kung ano ang mangyari sa 'yo.” pangungubinsi ko sa kanya.

“Hayaan mo na lang kasi ako.” Sa sinabing iyon ni Jezelle na para bang sinasakal ko siya sa pagtutol ko sa pagpasok niya sa trabaho ay hindi ko napigilan ang sarili kong emosyon. Tinanong ko ang sarili ko kung kahit ba minsan ay sumagi ba ako sa isipan niya?

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon