DARRELL'S P.O.V.
YEARS LATER...
NEW YORK, 11:25 am (11:25 pm in PH Time)
SA WAKAS makakabalik na ako ng Pilipinas. Tama na ang dalawang taon na pamamalagi ko rito. Hindi ko na kayang tiisin ang pagka-miss ko sa asawa at mga anak ko. At sa pagbabalik ko sisiguraduhin kong gagawin ko ang lahat huwag lang siyang masaktan.
Ready na ako. For two years na pamamalagi ko rito. Saka ko lang na-realize na hindi ko pala talaga kakayaning mabuhay ng wala ang mga anak ko at lalong lalo na si Jezelle. Wala iyong mga malalakas na tawanan ng mga anak ko, bangayan, lambingan. I miss everything about them and especially, I miss everything about her.
Dapat talaga last year pa ako babalik ng pilipinas pero ang daming natambak na trabaho para sa akin, sunod-sunod din ang mga project na ibinigay sa akin sa iba't ibang bansa kaya natagalan ako sa pag-uwi. Hindi ko rin ma-contact sina Jezelle dahil masyado akong busy at isa pa ay na-flush ko iyong simcard ko at hindi ko matandaan ang mga number nila. Sigurado akong lalong magagalit sa akin ang asawa ko dahil sa dalawang taon na hindi ako nagparamdam, pero babawi ako at alam kong miss na miss na ako n'yon.
Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla iyong mag-ring at unregistered number. Sino naman kaya itong taong ito?
“Hello?” bungad ko pagkasagot ko nang tawag.
“Good evening, Darrell. Do you still remember me?” sabi ng tinig ng babae sa kabilang linya na ikinakunot ng noo ko.
“Sino 'to?”
“Ah, gano’n? Ako lang naman ang nagdesenyo ng mansyon ninyo ng asawa mo.”
“Oh! Alyssa, I'm sorry, hindi ko na naalala ang boses mo. It's been years, bakit napatawag ka?”
“May bagong ibinigay sa aking project at ikaw ang napili kong partner para sa project na 'to,” sabi ni Alyssa sa kabilang linya.
“Talaga? Saan ba iyan mangyayari?
“Dito rin sa New York, malaking project 'to kaya sana huwag mong sayangin iyong opportunity.”
“I'm sorry, Alyssa, but I have to go back to the Philippines. Dalawang taon ko nang hindi nakikita at nakakasama ang pamilya ko.”
“Sorry to hear that. But please, kung pwede sana, nakikiusap ako sa ’yo, ayokong masayang ang project na 'to.”
“I'm sorry talaga, Alyssa,” sabi ko at pinatay ang tawag. Humiga ako sa kama ko at umidlip. Kailangan kong gumising ng alas-dos ng hapon rito sa New York para pumunta sa Airport para sa alas-tres ng gabi kong flight.
*****
JEZELLE'S P.O.V.
PHILIPPINES, 6:34 am (6:34 pm in New York Time)
I LOOK thin and pale, pero hindi dapat iyan ang isipin ko ngayon. Naglagay ako ng lipstick at kaunting concealer para matakpan itong mga eyebags ko. Nakasuot ako ngayon ng gray formal attire dahil papasok ako ngayon sa kumpanya.
It's been years, at sa dalawang taon na nakalipas ay pakiramdam ko, para akong patay pero buhay. Pinipilit ko lang ang sarili ko na maging masaya para sa mga anak ko. Sobrang sakit pa rin na hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik, kaya hindi mawala ang takot sa isip ko na baka tuluyan na niya akong iniwan. Pero hindi ko hahayaang mangyari iyon, kung ayaw na niya sa relasyong ito, ako naman ngayon ang gagawa ng paraan para maibalik siya sa akin.
I badly miss you, Hon.
Now, I'm on my way to our company para magpakasubsob sa trabaho at sa pag-aalaga sa tatlo kong anak. Two years na wala siyang call. Two years na walang text at paramdam. I'm so damn worried. Hindi ko alam kung mahal ba talaga niya ako, baka nga ay may iba na siya at tuluyan na niya akong iwan.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...