DARRELL P.O.V.
WEEKS LATER...
“COME in,” sabi ko nang marinig kong may kumatok sa pinto ng opisina kung nasaan ako habang abala ako sa pagbabasa ng business proposal at iba pang dokumento. Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto bago ako nag-angat ng ulo sa taong kapapasok lang. “Bakit napadalaw ka?” salubong ko sa kaibigan kong si Claude na napangisi.
“Ayaw mo ba?” birong tanong niya.
“Hindi sa ganoon. Nakakagulat lang kasi na pumunta ka rito, knowing you na napaka-busy mo ring tao,” sabi ko bago ibinalik ang tingin ko sa ginagawa ko.
Claude is the Vice-President of the Buenavilla Empire. All the upper management of the company are busy dahil sa maraming pending and upcoming project ng kumpanya.
“I'm just here to invite you. Bar tayo mamayang gabi at isa pa, pwede bang walang kasamang asawa,” sabi niya.
“No, hindi ako pwede. Marami akong trabahong kailangan tapusin at sigurado akong magagalit si Jezelle,” paliwanag ko.
“Pre, napaka-loyal mo sa asawa mo. Minsan lang naman. Pwede ka namang gumawa ng excuse. At saka hindi mo ba naalala na birthday ko ngayon. Pa-birthday mo na sa akin ito,” sabi niya na ikinangiti ko.
“Sige, magpapaalam na lang muna ako,” napangisi kong sabi.
“Hindi na kailangan. Just make a simple excuse. Basta aasahan kita roon,” napangiting sabi niya bago lumabas agad ng office ko na ikinailing ko.
Ayokong magsinungaling kay Jezelle dahil paniguradong magagalit siya sa akin, pero minsan lang ito. Matagal na rin akong hindi nakakalabas at nakakapunta sa ganoong lugar, minsan lang naman at sisiguraduhin kong hindi mauulit.
Kinuha ko iyong phone ko ng mag-ring at sinagot agad nang makitang ang asawa ko ang tumatawag.
“Hello, Hon?” sabi ko pagkasagot ko.
“Hon, umuwi ka ng maaga mamaya. Magluluto ako,” sabi ng asawa ko sa kabilang linya dahil maaga siyang umuwi kanina.
“Hon. I'm sorry, hindi ako makakaabot sa dinner. Ang dami ko ngayong trabaho rito sa opisina at kailangan ko na ito bukas. Sana maintindihan mo ako. I'm sorry Hon,” napalunok na pagsisinungaling ko.
Nagu-guilty ako sa ginagawa ko, pero minsan lang naman ito.
“Ganoon ba? It's okay, basta aasahan kong uuwi ka, ha. Na'ko! Darrell, mabalitaan ko lang na nambabae ka, magfi-file agad ako ng annulment.” Natawa ako sa sinabi niya pero hindi pa rin nawawala ang pagkakonsensya ko.
“Hon, alam mong hindi ko iyan magagawa dahil kayo lang ni Keira ang babae sa buhay ko,” paliwanag ko.
“Sabi mo iyan, ha. Sige na, pupuntahan ko na ang kambal at si Keira.”
“Okay, Hon, take care. I love you, see you later,” sabi ko before she ended the call.
Alam kong magagalit siya kapag nalaman niyang nagsisinungaling ako, pero siguro naman ay maiintindihan niya ang sitwasyon ko. Gusto ko lang maramdaman kung paano maging malaya kahit saglit lang.
*****
JEZELLE'S P.O.V.
SIGURO nga ay marami siyang trabaho at importante iyon kaya hindi siya makakaabot sa dinner. Iintindihin ko na lang siya, ayokong kontrahin siya dahil ayokong magkaaway pa kami. Natatakot ako na baka maubos ang pasensya niya at hiwalayan niya ako.
Lumabas ako ng bathroom. Katatapos ko lang mag-shower, tapos na rin ako magluto dahil tinulungan ako ni Kate sa paghihiwa ng mga sangkap kahit na nga ba nahihirapan siya sa pagbubuntis niya dahil tatlo ang dinadala niya. Sabi ni Kate ay okay na rin iyong triplets agad ang anak niya na kahit mahirap ay worth it naman. Tatlong anak ang gusto nila ni Arvin na buti na lang daw ay two boys and one girl ang pinagbubuntis niya dahil after she gives birth to the triplets and takes some rest ay magfo-focus na siya sa trabaho at sa tatlong anak niya na wala na siyang balak na sundan pa.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...