DARRELL'S P.O.V.
KINABUKASAN...
"IT'S good to know that you're coming with us. Tumawag pa naman si Ms. Frozt kagabi na baka hindi ka makakasama at ang asawa mo." Hindi ko pinansin si Mr. Malto na umupo sa tapat ko. Mr. Malto is one of the major investors in our company. Kaedad niya lang si Dad.
Nasa private plane na kami ng kumpanya at hinihintay na lang ang ibang kasama namin sa project na makaupo sa kanya-kanya nilang upuan. Samantalang ako ay mabigat pa rin ang loob dahil hindi makakasama ang asawa ko. Wala akong magawa kun'di ang pagmasdan siya. Naka-connect kasi ang security camera na nakakabit sa kwarto namin sa cellphone ko kaya nakikita ko na natutulog pa rin ang asawa ko sa mga oras na ito.
"I heard, isinugod mo siya sa hospital? Kamuntikan na makunan."
"My wife is fine at hindi siya nakunan."
"Oh, sorry. Ang balita talaga nag-iiba kapag pinapasa. But how is she?"
"I said, she is fine. Can you get out of my sight? O baka gusto mo palabasin kita rito sa eroplano." Napatawa si Mr. Malto sa sinabi ko.
"You can't do that. Malaki ang na-investment ko sa kumpanya."
"I can. So don't make me do it kasi wala akong pakialam kung magkano pa ang investment mo o kung isa ka pa sa major investor ng kumpanya. Hindi ka kawalan," seryosong sabi ko dahilan para matahimik si Mr. Malto at bago pa man umabot sa kung ano ang sagutan namin ay agad na pumagitna ang secretary ko.
"Uhmm, Sir, excuse lang. I need to discuss something with Mr. Buenavilla." Agad na tumango si Mr. Malto at si Ms. Frozt ang umupo sa inuupuan nito. "Mr. Buenavilla, huwag n'yo na lang pansinin iyong si Mr. Malto. Hindi lang iyon nakainom ng maintenance niya." Hindi ako sumagot at napatingin na lang uli sa cellphone ko at pinagmasdan ang asawa ko na natutulog pa rin.
*****
JEZELLE'S P.O.V.
"HIJA, mahiga ka muna r'yan, sabi ni Darrell ay hindi ka pwedeng magtatayo muna. Ito pinaghandaan kita ng makakain sana magustuhan mo." Lumapit sa akin si Manang Elma at agad na ibinaba ang bed tray table ng pagkain sa kama bago niya ako inalalayang maupo sa kama.
"Manang, tumawag na ba si Darrell? Nakalapag na kaya ang eroplano na sinasakyan nila para sa deal?" Umiling siya bago inilagay ang bed tray table sa harap ko.
"Wala pa, pero huwag kang mag-alala tatawag din iyon baka wala lang signal. Kumain ka muna."
"Thank you, Manang." Napahimas ako sa malaking tiyan ko at nginitian ko si Manang Elma. Tinuon ko ang pansin ko sa mga pagkain na hinanda ni Manang Elma sa harapan ko. "Mukhang masarap po lahat," nakangiting komento ko.
"Talaga? Ginawa kong masustansyang iyan para mas lalong maging healthy ang mga baby mo. Sabi rin ni Darrell na kailangan mo magdagdag ng timbang."
"Thank you talaga, Manang."
Hindi talaga maalis sa isipan ko ang asawa ko. Hindi ako sanay na hindi ko siya kasama simula noong magbuntis ako kaya nag-aalala ako. Biglang nag-ring ang cellphone ko. Dali-dali kong kinuha iyon sa side table sa tabi ko dahil alam kong si Darrell ang tumatawag at tama nga ako.
"Hello, Hon?" Napangiti ako nang makita ang gwapong mukha ng asawa ko sa screen.
"Hi, Hon, maayos ba ang tulog mo?" nakangiting tanong niya na ikinatango ko
"Oo, ito kumakain na ako, pinaghandaan ako ni Manang Elma ng healthy food. Ayaw rin akong patayuin dahil bilin mo raw iyon." Ngumiti siya.
"Yes, Hon, gusto ko lang na magpahinga ka. Hayaan mo muna si Manang Elma na alagaan ka habang wala ako sa tabi mo."
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...