JEZELLE'S P.O.V.
DAYS LATER...
“EXCITED ka na ba?” nakangiting tanong niya habang nakakulong ang mukha ko sa dalawang palad niya dahilan para magtama ang paningin ng asul niyang mga mata. Nakangiting napatango ako.
“I really want to see your reaction, Hon, sa kung ano ang magiging gender ng baby natin.”
“Isa lang ang magiging reaction ko at iyon ay ang sobra-sobrang saya. Sabi ko naman sa ’yo noon, 'di ba? Kahit ano man ang gender niya basta malusog kayo at ligtas kayo, okay na ako roon.”
“Talaga ba? Pero alam ko gusto mo ng girl,” asar ko bago hinawakan ang kwelyo ng pink polo niya. “Naka-pink ka kaya.”
Parehas kaming dalawa na naka-pink na kulay ng damit na suot dahil parehas naming gusto ang babae. Iyong kambal ay parehas na nakasuot ng blue dahil gusto raw nila ng baby boy.
“Baka lang naman.” Lumapad ang ngiti ko pagkatapos ay hinalikan siya sa labi. Ilang saglit lang ay naghiwalay na ang mga labi namin ng siya ang unang pumutol sa mga halik namin.
“Kailangan na natin lumabas kasi baka walang party na maganap at solohin na lang kita rito sa closet,” nakangisi niyang sabi na ikinahampas ko sa braso niya dahil sa kalokohan niya.
“Hoy, nasa labas mga anak natin.”
“HAHA! Kaya nga tara na. Nakabusangot na naman siguro ang panganay natin dahil ang tagal natin dito. Excited pa naman 'yon malaman ang gender ng kapatid nila.” Natawa na lang ako bago tumango.
Inalalayan ako ng asawa ko na lumabas ng walk-in closet kung saan nag-aabang na ang dalawa naming anak na agad na napangiti at agad na lumapit sa amin.
“Happy Birthday, Mommy,” nakangiting bati ng kambal sa akin at may binigay sila sa akin na red rose na malaki. Napangiti na lang ako dahil alam ko kung saan nila ito pinitas. Sa garden kung saan nakatanim ang lahat ng uri ng bulaklak na gusto ko. I love flowers because of their meaning.
“Thank you, sweetheart. Kahit na pinagdiskitahan n'yo na namang pitasin ang mga halamang bulaklak ko sa garden natin,” nakangiting sabi ko sa kanila at marahan kong pinisil ang mga pisngi nila.
“The rose is beautiful kasi, Mommy, like you. You're so beautiful and sexy kahit malaki na ang baby bump mo,” nakangiting sabi ni Jezrell sabay haplos sa malaki kong tiyan.
“Kayo talaga. Manang-mana kayo sa Daddy n'yo, ang hilig n'yong mambola.”
“No! No! No, Mommy! We're not joking po. Beautiful and sexy ka talaga, am I right, Daddy?” sabi ni Jezren sabay baling sa Daddy niya.
“Yes, son.”
“Okay! Okay! Alam kong maganda at sexy ako pero kailangan na nating bumaba para mag-start na ang party. Ready na ba kayo?”
“Yes, Mommy!” masayang sabi ng dalawa na halatang excited na rin sa party.
“Tara na, baba na tayo!” Nag-unahan ang dalawa na lumabas ng kwarto habang ang asawa ko ay inalalayan ako palabas lalo na pagbaba sa hagdan. “Thanks, Hon. Ang ganda ganda rin ng ayos ng mansyon,” nakangiting sabi ko habang nakatingin sa sala ng mansyon na halos mapuno ng pink and blue na balloons dahil sa gender reveal ng third baby namin ngayon.
“Happy birthday, anak,” bati sa akin nina Mom at Dad na nasa bungad lang ng hagdan. Agad nila akong niyakap.
“Thank you, Mom, Dad.”
“Ang laki na niya, mukhang hindi na nga kambal dahil hindi na ito kalakihan gaya ng dati,” nakangiting puna ni Mom sa tiyan ko bago marahang hinaplos iyon.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...