JEZELLE'S P.O.V.
MONTH AFTER...
NAPABUNTONG-HININGA ako habang nakatingin sa bintana ng kotse dahil sa kaba. Ngayong araw na ito kasi ang araw ng Engagement Party namin ni Darrell at patungo na kami roon ngayon. Marami ang darating na bisita kabilang ang ibang family relatives and friends namin ni Darrell. Imbitado rin ang mga business partners and investors nina Dad at Tito Darwin.
"Relax, Hon. Hindi ka naman nila sasaktan, mabait sila. Hindi ka nila kakagatin, haha," mahinang natatawang sabi ni Darrell na nagda-drive patungong venue ng Engagement Party namin sa isang mamahaling five-star hotel. Napatingin ako sa kanya at sinamaan siya nang tingin kahit hindi siya nakatingin sa akin.
"Alam mo, hindi ka nakakatulong," inis kong savi sa kanya at inirapan siya bago muling ibinalik ang atensyon sa labas ng bintana ng kotse.
"Hey, I'm sorry. Gusto ko lang naman bawasan iyang kabang naramdaman mo at nagsasabi lang ako ng totoo about my relatives na ipapakilala ko sa 'yo. Mabait sila, Hon," pangungubinsi niya na ikinabuntong-hiningan ko.
"Hindi ko alam, Hon, kung bakit nag-iisip at nararamdaman ko ito. What if they don't like me for you? I don't know what to do, Hon," pagsasabi ko ng totoo habang nasa labas pa rin ng bintana ng kotse ang paningin ko.
Napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko at bahagyang pinisil iyon na parang pinapahiwatig niyang wala akong dapat alalahanin.
"Calm down, Hon. Huwag kang mag-isip ng gan'yan. Magugustuhan ka nila, gaya nga ng sabi ko, mabait sila at alam kong makikita nila sa 'yo kung ano ang nakikita at minahal ko sa 'yo," nakangiting sabi niya na nagpabawas sa kabang nararamdaman ko.
*****
"Nandito na tayo," sabi ni Darrell at bumaba siya para umikot at buksan ang pinto sa side ko.
"Thanks," sabi ko at umangkla ako sa kanya at naglakad na kami papasok.
"Hindi ko akalain na may gan'to ako karaming kakilala," sabi ko ng makapasok na kami at bumungad sa amin ang maraming bisita.
Darrell and I wanted our engagement party to be a glamorous and modern affair. That's why the theme included organic greenery centrepieces atop each table with beautiful gold chairs, favours and decor elements throughout.
Nilapitan namin ang dalawang babae na elegante na elegante ang dating, ang isang babae ay hindi nalalayo ang edad kay Mom at may pagkakahawig siya kay Tita Clarizza. Parang lalo akong kinakabahan dahil hindi sila nakangiti.
"Tita Elaiza," nakangiting sambit ni Darrell na ikinalingon sa direksyon namin ng babaeng may hawig kay Tita Clarizza.
"Oh, my handsome nephew is here," nakangiting sabi ng babaeng tinawag ni Darrell na Tita Elaiza at yumakap kay Darrell.
"Salamat po at nakapunta kayo rito sa engagement party namin ni Jezelle," rinig kong sabi ni Darrell.
"Ano ka ba, Darrell? Pupunta talaga ako rito sa engagement mo, hindi pwedeng hindi ako pupunta rito. Gusto ko rin makilala iyong mapapangasawa mo," sabi ng Tita ni Darrell at napabaling ang atensyon niya sa akin pero umiwas ako nang tingin dahil sa mapanuring tingin niya sa akin.
"Yeah. Tita Elaiza, this is my beautiful fiance, Jezelle Khaye Calliego. Hon, this is Tita Elaiza, one of my Mom's sisters and she's with her daughter, Elsie," pagpapakilala ni Darrell sa akin at sa tita niya kasama ng pinsan niya.
"Hello po, nice to meet you, T-Tita Elaiza," alanganing sabi ko sa tita ni Darrell.
"Kay ganda ng pangalan mo, Hija. Bagay sa 'yo," sabi ni Tita Elaiza pagkatapos ay ngumiti siya na ikinanlaki ng mga mata ko.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...