Chapter 60.1

246 3 0
                                    

JEZELLE'S P.O.V.

IT ALMOST two months have passed since Darrell's back. Sa dalawang buwan na iyon ay sobrang saya namin dahil magkakasama kaming lahat. Sabay na ulit kaming mag-asawa na pumupunta sa kumpanya para magtrabaho, palagi ring sumasama si Keira kapag pumupunta kami sa kumpanya. Hindi naman ito naglilikot dahil tahimik lang ito sa isang tabi, basta may laruan siyang hawak o 'di kaya ay lapis at papel.

Napatingin ako sa wallclock dito sa kwarto, 9:36 am. Kanina pang alas-siyete ako gising pero tinatamad akong bumangon. Masama rin ang pakiramdam ko ngayon at nitong mga nakaraang araw. Sa tuwing paggising ko sa umaga ay agad akong didiretso sa loob ng banyo at duduwal.

May hinala na akong buntis ako dahil dalawang buwan na simula ng may nangyari sa amin ng asawa ko pagkabalik niya. Alam ko rin na may hinala na rin si Darrell na buntis ako dahil naabutan niya akong dumuduwal kanina kaya hindi na niya ako pinapasok ngayon para makapagpahinga ako at bukas na lang daw kami magpapa-check-up kay Tita Elaiza.

Napagpasyahan kong bumaba na para asikasuhin si Keira. Pumasok na ang kambal sa school kanina pang alas-otso. Nang makababa ako ay nakita kong busy si Keira sa pagdo-drawing sa center table habang nakaupo sa carpeted floor. Tahimik akong umupo sa single seater na sofa sa likod ni Keira at tinignan ang drawing ng anak ko.

“Wow! Ang galing ng princess namin mag-drawing,” manghang sabi ko na ikinalingon niya. Nakitaan namin ni Darrell na mahilig itong mag-drawing katulad niya kahit na basic drawing lang ang kaya nito dahil bata pa.

“Good morning, Mommy!” bati niya sabay yakap sa akin at pinugpog ako ng halik ang mukha ko na ikinangiti ko.

“Ang cute talaga ng baby ko!” nakangiting sabi ko nang tumigil siya sa paghalik sa mukha ko at kinurot ko ang magkabilang pisngi niya dahilan para sumimangot ito sa ginawa ko.

“Mommy, stop that! It hurts!” angal niya at tinanggal ang kamay ko sa mukha niya.

“Okay, okay, baby,” natatawang sabi ko.

“Mommy, I want to eat cookies. Can you bake some cookies for me?”

“Sure. Let's go to the kitchen. Help me to bake your cookies.”

“Yehey!” masiglang sabi niya. Tumayo ako at bubuhatin ko sana siya nang pigilan niya ako.

“No, Mommy. I can walk po by myself,” sabi niya at nauna nang pumunta sa kusina. Napailing na lang ako sa inasta ng anak ko.

Sumunod ako sa kanya sa kusina at kinuha na sa mga kabinet ang mga kailangan kong ingredients at nagsimula na.

*****

PAGKATAPOS kong kuhanin sa microwave oven ang kahuli-hulihang tray ng cookies at ilagay sa glass bowl na punong-puno ng mga cookies. Okay lang na maraming cookies ang kainin si Keira dahil sinadya ko na unti lang ang sugar na ilagay. At saka, alam kong hindi niya mauubos ito dahil titiran niya pa ang mga kuya niya.

“Yehey!” masayang sabi ni Keira nang ilapag ko sa island counter ang isang bowl ng cookies kung saan siya nakaupo. Kumuha siya ng isa at kinain. Umupo ako sa katabing highstool chair ni Keira at nakikain na rin ng cookies. Biglang may nag-doorbell kaya lumabas mula sa backyard si Nalda para pagbuksan kung sino mang tao sa labas.

Ilang saglit lang ay bumalik na si Nalda. Nagtatanong akong tumingin sa kanya. Hindi niya nagawang sagutin iyon dahil pumasok na rito sa kusina ang bisita.

“Mama?” gulat kong sambit nang makita ang biyenan ko.

“Good morning, Jezelle,” nakangiting bati niya sa akin at kasunod niyang pumasok dito sa kusina si Papa. Hindi ko akalain na bibisita sila ni Papa sa amin ngayon.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon