Chapter 33

164 5 2
                                    

JEZELLE'S P.O.V.

“BALANG araw, ano?! Magtagumpay kayo sa mga pinaplano n'yo?” galit na sigaw ng asawa ko kay Jarrett na nagpupunas ng dugo sa labi nitong pumutok dahil sa pagsuntok ni Darrell.

Nagtataka ako dahil sa sinabi ng asawa ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit ngayon si Darrell. At kung saan niya nakuha ang bagay na sinasabi niya.

“Mr. Buenavilla, let me explain,” wika ni Jarrett bago tumayo pero bago pa man siya makatayo ng tuluyan ay isang suntok ulit ang ginawa sa kanya ni Darrell dahilan para mapasigaw na ako sa takot na mapuruhan ng asawa ko si Jarrett.

“Ano? Sabihin n'yo? Ginagawa n'yo ba 'to dahil may plano ka?”

Napatingin si Darrell sa akin. Napaatras ako nang matalim at parang papatay siya ng tao kung makatingin sa akin na ikinanginig ko sa takot.

“At ikaw, kailan mo pa ako niloloko, Jezelle?” Napailing ako bago sinubukan na lapitan siya pero lumayo siya sa akin.

“Hindi kita maintindihan, Hon.” naguguluhang sabi ko sa kanya na ikinangisi niya.

“Huwag na kayong magmaang-maagan pa. Umamin ka nga, Jezelle? May relasyon ba kayong dalawa?” Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Iniisip ko na maaring nagseselos siya dahil nakita niyang yakap-yakap ko si Jarrett pero nagkakamali siya dahil walang namamagitan sa aming dalawa ni Jarrett.

“Darrell, wala. Mali ang iniisip mo, kaibigan ko lang si Jarrett.”

“Kaibigan? O ka-ibigan?”

“Kaibigan ko lang siya at iyon ang totoo. Mali ang iniisip mo, Darrell. Wala kaming ginagawang masama. Walang namamagitan sa aming dalawa.” sagot ko na nagpatahimik kay Darrell bago sakrastikong natawa.

“Sa tingin mo, maniniwala ako?”

“Maniwala ka sa akin, Hon, kasi totoo ang sinasabi ko. Walang namamagitan sa aming dalawa.” Napailing ang asawa ko bago napasapo sa mukha niya.

“Hindi ko na alam, Jezelle. Hindi ko na alam kung paniniwalaan pa kita.”

Napahawak at napahimas ako sa malaking tiyan ko dahil ayokong magpa-apekto sa tensyon na nararamdaman ko para hindi madamay ang mga anak ko pagkatapos ay dahan-dahan na lumapit sa asawa ko pero agad din siyang lumayo.

“Akala ko ba kilala mo ako?”

“Iyon din ang akala ko, Jezelle. Akala ko kilala na kita pero sinungaling ka. Pinagmukha mo akong t*nga.”

Hindi ko napigilan ang sariling emosyon at sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Bagaman ay pinanatili kong kalmado ang sarili ko pero hindi ko mapigilan ang emosyong nabubuo ngayon sa dibdib ko. Kailangan kong ayusin ito. Kailangan kong magpaliwanag ng maayos. Lalo pa mali ang inaakala ng asawa ko.

“Darrell, hindi totoo iyan. Wala kaming relasyon, hindi kita niloloko.”

“Talaga ba? Sige. Sabihin na natin na wala kayong relasyon pero sinungaling ka pa rin, Jezelle. Isang bagay lang ang hinihingi ko sa ’yo at iyon ay ang sundin mo lahat ng pinag-uutos ko o ang bilin ko, na huwag na huwag kang magsisingungaling sa akin pero ano? Wala.”

“Hon, hindi.”

“Alam ko. Hindi ako umimik pero nagdahilan ka. Umalis ka sa mansyon na ito kahapon, 'di ba? At sino ang kasama mo? Siya? Siya ba, Jezelle? Huwag ka nang magdahilan pa dahil alam ko na nagsinungaling kayo ni Manang Elma sa akin.” Umiling ako bago niyakap ang asawa ko na agad na humiwalay sa akin na ikinabagsak ng mga luha ko sa pagtrato ng asawa ko sa akin ngayon.

“Hindi sa gano’n, Darrell. Umalis ako kasi gusto kong makita sina Mom at Dad.”

“Pero sino ang ang kasama mo? 'Di ba, siya?” Napayuko ako.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon