JEZELLE'S P.O.V.
NAKASAKAY kami ngayon ng asawa ko sa isang Ferretti Yacht na pagmamay-ari namin papunta sa isla kung saan niya ako dadalhin para magbakasyon kami. Si Darrell ang nagmamaneho ng yacht pero naka-automatic driving ang yacht na parang may sarili itong isip habang ako naman ay nandito sa labas para lumanghap ng preskong hangin na humahalo sa maalat na amoy ng tubig dagat.
Napasinghap ako ng may yumakap sa akin mula sa likod. Pagkatapos ay naramdaman ko ang pagpatong niya ng baba sa balikat, ramdam ko rin ang bahagyang pang-amoy niya sa leeg ko. Hinayaan ko lang siya at pinatong ko ang mga kamay ko sa braso niyang nakayakap sa akin at hinaplos iyon.
"Kumusta ang pakiramdam mo, Hon? Unti-unti na bang nababawasan ang bigat na nararamdaman mo?" tanong niya na ikinangiti ko dahil maya't-maya niya sa akin tinatanong iyan simula noong muntik na akong umalis.
"Yes, unti-unti nang nababawasan ang bigat na nararamdaman ko at gumiginhawa na rin ang pakiramdam ko. And I know, na mabilis na lang ako mag-fully heal dahil unti-unti na rin nagiging payapa ang isip ko sa nangyari. Thank you for this, kasi ibibigay ko lahat ng atensyon ko sa pagpapagaling ng sugatan kong puso at sa mga tumatakbo sa isip ko na nakakabaliw," sabi ko at dinama ang yakap niya at ang simoy ng hangin na dumadampi sa katawan ko.
"Lahat gagawin ko para maka-recover ka sa nangyari sa baby girl natin. Sa ngayon, mag-enjoy ka muna at mag-relax. Huwag ka muna mag-iisip tungkol sa baby or kung kailangan na ba nating magka-baby dahil hindi kita minamadali. Ang bakasyon na ito ay para pagaanin ang nararamdaman mo at para makapagrefresh ang utak mo sa nangyari dahil alam ko, darating din ang araw na ibibigay ng Panginoon ang hinihiling nating magkaroon ng baby girl," mahabang sabi niya na ikinangiti ko bago ako umikot para makaharap siya.
"Ang swerte ko talaga na ikaw ang asawa ko at ang ama ng mga anak ko. You're the best to all the best, Hon," nakangiting sabi ko sabay dampi ng labi ko sa labi niya na ikinangiti niya.
"May ibibigay ako sa 'yo, Hon," nakangiting sabi niya na ikinataas ng kilay ko pero nakangiti.
"What is it?"
"Wait for me here. Nasa loob pa, hindi ko nadala pero mabilis lang ako," paalam niya na ikinatango ko.
"Okay," sabi ko pagkatapos ay umalis na siya at pumasok sa loob ng yacht.
Ilang minuto ang lumipas ay lumabas ulit. Nakangiti siyang lumapit sa akin at nang nasa harapan ko na siya ay binigay niya sa akin ang isang jewelry box na may tatak ng brand nito.
"Hon?" nagtatakang tanong ko kay Darrell ng abutin ko ang jewelry box na binigay niya sa akin.
"Belated Happy Anniversary to us, Hon," sabi niya pagkabukas ng jewelry box at bumungad sa akin ang isang napakagandang kwintas na ang pendant ay crescent moon.
"Belated?" nagtatakang tanong ko ulit at napaisip kung anong petsa na nga ba ngayon.
"Oo, November na ngayon at dalawang buwan na ang nakalipas ng hindi natin nai-celebrate ang ikaapat na anibersaryo ng kasal natin. Naiintindihan ko naman kung bakit nawala sa isip mo ang importanteng okasyon sa ating dalawa dahil sa nangyari nitong mga nakaraang buwan. Sino nga bang magulang ang makukuha pang magsaya after niyang mawalan ng anak, hindi ba? Kaya ngayon ice-celebrate natin ang ikaapat na anibersaryo natin kasabay ng pagpapagaling mo," mahabang sabi niya na ikinangiti ko at nilagay ko ang dalawang palad ko sa mukha niya.
"Belated Happy Anniversary, Hon. Pero sana, hindi mo na ako binilhan ng bagong kwintas. Sapat na sa akin na sinamahan mo ako ngayon magbakasyon para mag-heal sa nangyari at makapag-isip-isip. Sapat na sa akin na hindi mo ako sinukuan sa panahon na akala ko ako lang ang nakakaramdam ng sakit. Sapat na sa akin na pinagaan mo ang loob ko noong nag-breakdown ako at halos sukuan ko na ang lahat. Ang sakit lang na, sa tagal na panahong hinintay natin para bigyan tayo ng anak na babae kung kailan ibinigay na sa atin ay saka pa napabayaan at nawala," umiiyak na sabi ko at napayuko habang inaalala ang mga sakripisyon, pag-aalaga at pag-iintindi na ginawa ng asawa ko sa tatlong buwan at mahigit na may hindi magandang nangyari sa pamilya namin. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago niya iniangat ang mukha ko para makatingin sa kanya at punasan ang mga luhang umalpas sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...