Chapter 1

751 13 0
                                    

JEZELLE KHAYE CALLIEGO'S P.O.V.

“ALAM mo ba kung bakit natatapos ang isang relasyon?" panimulang tanong ko at napabuntong-hinga bago lumingon kay Darrell na ngayon ay nakatingin sa akin ang asul niyang mga mata.

"Siguro, dahil wala nang maramdamang pagmamahal," sagot ni Darrell sa tanong ko na ikinailing ko bago siya tinitigan sa asul niyang mga mata na hindi nakakasawang titigan.

"Hindi dahil nawala ang pag-ibig sa dalawang taong nagmamahalan, kun'di dahil hindi lang talaga sila ang inilaan para sa isa't isa, hindi sila ang itinakda ng tadhana.” sabi ni Jezelle na ikinatitig ni Darrell sa akin.

“Siguro nga, hindi talaga kami ang nakatadhana para sa isa't isa, and I know may babaeng darating sa buhay ko na siyang mamahalin ako nang higit sa pagmamahal na ibinigay ng babaeng niloko ako. At siguro ang babaeng para sa akin ay darating pa lang at kapag dumating na iyong babaeng nakalaan para sa akin, hindi ko na siya papakawalan,” nakangiting sabi niya habang nakatingin sa akin na ikinaiwas ko nang tingin.

“Naniniwala ako na hindi naman talaga nawawala iyong pagmamahal natin sa taong naging parte na ng nakaraan natin, nandoon pa rin iyong pagmamahal natin sa kanila, hindi na nga lang katulad ng dati. We still care for them but not like we always do in the past. Sadyang may darating lang talaga sa buhay natin na kayang higitan kung ano man iyong ipinaramdam nila sa ’yo noon,” panimula ko bago tumingin kay Darrell na nakatingin sa akin na ikinangiti ko nang makitang handa siyang makinig sa akin.

“Baka kaya nilalayo kasi hindi para sa ’yo o hindi siya ang nakalaan sa 'yo. At ilan sa mga tanong na papasok sa isip natin ay ang mga tanong na ‘Bakit kasi kailangan pa nating makilala kung sa bandang huli hindi pa pala para sa atin? Bakit kasi kung sino pa iyong mahal natin, iyon pa iyong taong may mahal na iba? Bakit kasi sa panahong nahuhulog at napamahal na tayo, saka pa sila lalayo, hindi magpaparamdam at maiiwan tayo sa kawalan?’ Simple lang ang sagot dahil maaaring hindi pa sila iyong perpektong itinugma para sa iyo. Maaaring pinagtagpo lang kayo sa maling pagkakataon, sa panahong hindi pa kayo handa kaya ito, inilayo sa iyo dahil hindi pa iyon ang perfect timing para sa inyong dalawa.

“Maaaring pinagtagpo lang kayong dalawa para maging lesson sa isat-isa, para mag-grow kayo as a person, at mag-matured bago mo mahanap ang taong muling bubuo at kukumpleto sa blangkong espasyo ng buhay mo o sa puso mo. Always remember that there is always beauty in pain. Because of pain, marami tayong mapupulot na aral na maaari nating baunin at i-apply sa susunod na pagkakataon. Kaya siguro hindi naging kayo hanggang dulo dahil hindi pa siya ang best person for you. Dahil may mas magandang plano at inilaan si God for you.

“Kaya magtiwala ka lang sa proseso, huwag kang magpa-iwan sa past, you need to accept and let go dahil malaki ang mundo. Focus ka muna sa pagbuo mo sa sarili mo nang sa gano'n, kung darating na iyong taong para sa ’yo, handa ka na ulit sumubok, handa ka na ulit sumugal, at sa pagsugal mo sa panahong iyon, ipapanalo ka na ng taong pinili mong ipaglaban,” mahabang nakangiting dagdag ko na bahagya pa akong napahingang-malalim na ikinatawa ko at ni Darrell dahil sa sobrang haba ng sinabi ko.

“Siguro nga. Kasi lahat naman tayo nasasaktan, nakakaranas ng ilang heartbreaks pero ang mahalaga naman talaga ay nag-take chance tayo. Hindi man kayo or kami tumagal, pero alam natin sa sarili natin na siguro hindi talaga kayo ang para sa isa't isa. At kapag dumating iyong taong nakalaan sa atin, kayang kaya na natin ang lahat nang pagsubok na dadaan sa atin kasama nila,” sabi ni Darrell na ikinangiti ko at tumango.

“Tama. Don't live in the past. Learn from it, and move on. At saka, huwag na natin sila pag-usapan o isipin. Nakaraan na iyon, hindi na dapat bulatlatin pa. Birthday mo today kaya dapat ay masaya ka lang,” sabi ko na ikinangiti ni Darrell na nagpabilis ng tibok ng puso ko lalo na nang makita ko sa pagngiti niya ang maputi at pantay na ngipin niya.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon