Chapter 7

282 7 0
                                    

JEZELLE'S P.O.V.

PAGKATAPOS kong magpalit ng damit ay lumabas na kami ni Darrell sa kwarto ng kapatid niya. Hinila niya ako sa katabing kwarto nito. Pagpasok ay bumungad sa akin ang black and gray themed na mga gamit at pintura ng kwarto. Nakaayos ang mga gamit na parang hindi lalaki ang may-ari. Kasi iyong kwarto ni Kuya Jeremy tuwing pupuntahan ko siya roon ay palaging magulo at kalat-kalat ang mga gamit niya na parang may dumaang bagyo sa kwarto niya.

“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko. Humarap naman siya sa akin at hinawakan niya ang dalawang kamay ko bago ilagay iyon sa dibdib niya na ikinapula ng mukha ko.

“Kagaya no’ng sa locker room noon. Gusto kong ikaw ulit ang magtanggal ng butones ng polo ko,” sabi niya. Napatitig ako sa kanya sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

“Are you serious?” tanong ko.

“Yes, dahil kapag mag-asawa na tayo. Ikaw na mismo ang magkukusa na gawin ang bagay na ito,” nakangiting sabi niya. Ngumiti ako sa kanya bago simulan ang pagtatanggal ng butones ng polo niya.

“Hon, tabi na lang tayong matulog mamaya. Gusto kong masanay na katabi ka sa kama. ‘Di ba, ganoon ang mag-asawa, magkatabi matulog sa isang kama at magkasama sa iisang kwarto?” sabi niya na nagpatigil sa akin sa ginagawa ko at nanlaki ang mga matang nag-angat nang tingin sa kanya.

“Ayoko nga, baka kung may anong gawin ka pa sa aking masama,” sabi ko at nag-iwas nang tingin sa kanya ng may pumasok sa isip ko na hindi maganda sa sinabi niyang magtabi kaming matulog.

Hinawakan niya ako sa baba ko para ianagat ang tingin ko sa mukha niya. “Listen, Hon.” Tumingin ako sa kanya at tinitigan siya sa mata.

“Wala akong gagawing masama sa 'yo. Kahit na mag-asawa pa tayong dalawa kung hindi ka pa handa, hindi ko gagawin iyon. May respeto ako sa 'yo,” seryosong sabi niya.

“Really?” paninigurado ko.

“Yes. I'm serious, Hon,” sabi niya. Ngumiti ako ng malapad bago tumango. Pinagpatuloy ko na rin ang ginagawa kong pagtanggal ng butones ng uniform niya.

Bibira na lang ang mga lalaking may respeto sa mga babae dahil ang ibang lalaki riyan kahit girlfriend palang ang babae ay ginagalaw na ng lalaki na hindi man lang makapaghintay na magpakasal muna sila. Minsan, ang sasabihin pang rason ng mga lalaki sa mga babae para lang magalaw ito ay para patunayan daw kung tunay ang pagmamahal ng babae sa lalaki, na mali naman dahil hindi sa pakikipagtalik sa partner mo mapapatunayan ang pagmamahal mo sa kanya. Pwede mo namang mapatunayan sa taong mahal mo ang pagmamahal mo sa kanya ng hindi kayo nagtatalik nang hindi pa kayo kasal, ‘di ba? Pero, minsan ay choice rin iyon ng mga babae kung ibibigay nila ang sarili sa partner nila o hindi.

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na tapos ko na palang tanggalin ang butones ng uniform niya.

“Thank you,” sabi niya. Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. “Hintayin mo lang ako rito, magpapalit lang ako,” sabi niya bago ako hinalikan sa noo at pumasok ng walk in closet niya.

Lumapit ako sa study table ni Darrell at umupo sa upuan niya. May nakita akong makapal na itim na notebook at kinuha iyon. Binuksan ko iyon at napangiti ako ng mapagtanto kung ano ang laman n'yon. His drawing notebook.

Maraming mga sketch ng mansyon, kotse, lugar at ang lalong nagpangiti sa akin ng makita ko ang drawing niya ng mukha ko at ng kapatid niyang si Callie. Kuhang kuha niya ang lahat ng detalye ng mukha ko at ang kapatid niya, para bang black and white picture lang ang peg.

“Ang ganda,” manghang sabi ko habang nililipat ang pahina ng notebook.

Marunong din naman akong magdrawing pero anime characters lang. Hindi ako kasing galing ni Dad, Kuya Jeremy at Darrell pagdating sa mga ganitong drawing na nakukuha talaga nila ang bawat detalye ng mukha ng taong drino-drawing nila.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon