JEZELLE'S P.O.V.
NASA harap kami ngayon ng isang mahabang hapag-kainan kasama sina Dad, Mom, Kuya Jeremy at Kate, kasama rin namin ang parents at kapatid ni Kaila, pati na rin sina Darrell, Tita Clarizza at Tito Darwin ay kasama rin namin ditong kumakain. Kami-kami lang ang nandito sa dining area nitong restroom dahil mayroong lamesa sa garden kung saan ay nandoon kumakain ang mga kaibigan nina Mom at mga anak ng mga ito na kaibigan namin ni Kuya Jeremy. At kaya kaming tatlong pamilya lang ang nandito ay dahil pag-uusapan daw namin ngayon kung sino ang mauunang ikasal sa aming dalawa ni Kuya Jeremy.
“So, sino sa kambal ang mauunang ikasal? Alam n'yo naman ang pamahiin na bawal magsabay ang magkapatid na ikasal sa iisang taon dahil sukob,” sabi ng Mama ni Kaila.
“Nakapag-usap na kami ni KC about that, Tita. Sina Jezelle muna ang pauunahin namin ni KC dahil hindi naman namin minamadali ang pagpapakasal naming dalawa,” nakangiting sabi ni Kuya Jeremy at hinawakan ang kamay ni Kaila sa ibabaw ng mesa na ngumiti sa kanya.
“'Di ba, dapat kayong dalawa ni Kailaleen ang maunang ikasal dahil matagal na ang relasyon ninyong dalawa?” sabi ni Mom kay Kuya Jeremy.
“Mom, like what I said earlier, hindi namin minamadali ang pagpapakasal namin ni KC. Makakapaghintay kami para r'yan,” confident na sabi ni Kuya Jeremy.
“So, kami ni Jezelle ang unang ikakasal?” paniniguradong tanong ni Darrell na katabi ko.
“Yes,” sabay na sagot ni Kuya Jeremy at Kaila.
“Tamang-tama may napili na kaming date ni Jezelle for our wedding this year. Pumunta kasi kaming dalawa noon sa simbahan kung saan namin gustong magpakasal para ipa-schedule ang kasal namin kung kami man ang unang ikakasal ngayong taon,” nakangiting sabi ni Darrell.
“So, anong date ang napili n'yo para sa kasal?” nakangiting tanong ni Tita Clarizza. Makikita rin sa mga mata niya ang saya at excitement. Siguro gano'n talaga kapag ikakasal ang nag-iisa mong anak.
“September 15,” nakangiting sagot ko.
“Bakit September pa ang napili n'yong buwan? Masyadong malayo.” nakakunot ang noong tanong ni Mom.
“Iyon lang kasi ang available date sa simbahang gusto ni Jezelle para sa kasal namin. Fully book na kasi ang schedule ng simbahan at iyon na lang ang nag-iisang date na available kaya pina-reserved na namin,” nakangiting sagot ni Darrell.
“And five months na lang naman ang hihintayin namin ni Darrell. Tama lang iyon for our wedding preparation,” nakangiting sabi ko.
“Great. Tutulungan kitang mamili ng wedding gown mo,” nakangiting sabi ni Tita Clarizza na ikinangiti ko.
“No need na, Tita. I have a wedding gown na,” nakangiting sabi ko at tumingin kay Mom. “My Mom's wedding gown. Gustong-gusto ko talaga ang wedding gown ni Mom na suot niya no'ng kasal nila ni Dad. A beautiful and elegant wedding gown that I want to wear on my own wedding day,” I said and smiled sweetly in my Mom.
“Yeah, bagay sa 'yo ang wedding gown ng Mom mo, Anak. Mukhang mahihirapan ka lang maglakad dahil sa haba at laki ng gown na iyon. But, you're right, it's a beautiful and elegant wedding gown for the gorgeous and lovely bride like you,” natatawang sabi ni Dad habang nakatingin kay Mom sa tabi niya.
“You have a picture ba ng wedding gown ng Mom mo, Jezelle? May I see?” tanong ni Tita Clarizza.
“Yes, I have, Tita. Sinukat ko na iyong gown last week and it perfectly fits on me. Wala na kailangang ipabago o ipa-adjust,” nakangiting sabi ko sabay bigay kay Tita Clarizza ng phone kung saan may picture ako na suot ang wedding gown ni Mom.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is well-known throughout the country as the CEO and daughter of an affluent an...
![BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/226765969-64-k596903.jpg)