JEZELLE'S P.O.V.
KINABUKASAN...
“HON, siguraduhin mong pagbalik mo rito, ako pa rin ang mahal mo,” naluluha kong sabi sa asawa ko na napangiti.
“I'll promise you that, at saka hinding-hindi kita ipagpapalit sa iba. Mahal na mahal kaya kita,” nakangiting sabi niya bago niyakap ako.
“Sige na, baka malate ka sa flight mo. I love you,” paalam ko sa asawa ko.
“I love you, Hon.” And we kiss passionately. Alam kong sa halik na ito ay hinding-hindi niya ako ipagpapalit. Bumitaw kami sa aming halik at tumingin sa isa't isa. “Babalik ako, madali lang ito. Kaunting tiis lang.” Kinindatan niya ako kaya napangiti ako. Sumakay na siya sa kotse niya at umalis na na ikinalapad nang ngiti ko.
He didn't even say a bit of goodbye, because I know that he will be back, for me. Bubuo pa kami ng sarili naming pamilya
Pumasok ako sa loob ng mansyon. Hindi ko na siya inihatid sa airport, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at hindi ko na siya paalisin. Dumiretso ako sa kwarto namin at nahiga saglit. Niyakap ko iyong unan ng asawa ko at inamoy amoy ito.
Miss na agad kita, Darrell.
*****
DALAWANG BUWAN na ang nakalipas simula nang umalis si Darrell para sa bagong project niya sa NYC. Palagi niya akong tinatawagan o 'di kaya ay video call kapag wala akong ginagawa sa opisina.
Bumaba ako mula sa ikalawang palapag ng mansyon at naupo sa sofa. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan ko siyang tawagan. Hindi ako makatiis na hindi siya makausap kahit alam kong gabi roon. Buti naman ay sinagot niya.
“Hon, I miss you na talaga,” malungkot na sabi ko pagkasagot niya ng tawag ko.
Hindi ko alam kung bakit ako sobrang nakakaramdam ng lungkot this past few day, minsan nga ay nakalimutan ko nang kumain dahil sa sobrang ginagawa kong busy ang sarili ko para hindi makaramdam ng lungkot at minsan nga ay hindi ko na namamalayang umiiyak na ako habang nakatulala sa hindi ko malamang dahilan kung hindi pa sasabihin sa akin ng mga taong nakakakita sa akin. Iba talaga ang epekto ng pakakahiwalay namin ni Darrell.
“Huh? Oo nga, miss na rin kita,” sagot ng asawa ko na ikinakunot ng noo ko dahil parang nagulat siya sa pagtawag ko sa kanya. Bakit parang may iba sa kanya?
“Sorry, kung naabala kita sa kung anong ginagawa mo,” malungkot na sabi ko.
“No, it's okay--Darrell, sino ba 'yang kausap mo, pang-abala, eh. Halika na dali, sobrang nag-iinit na ako--”
Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa boses na narinig kong boses ng babae sa kabilang linya. Naramdaman ko ang kusang pagtulo ang luha ko.
May babae siyang kasama at anong ginagawa nila. Niloko niya ako, ang sama-sama niya. I hate him, pinaasa niya ako. Ang kapal ng mukha niyang ipagpalit ako sa iba. Hindi niya man lang niya naisip na may asawa na siya. Siguraduhin niya lang na mas maganda 'yong ipinalit niya sa akin.
Wala sa sariling umakyat ako sa pangalawang palapag ng mansyon at nag-ayos ng sarili. Papasok na lang ako nang mawala ang galit ko sa kanya o kung mawawala pa ba. Pagkatapos ay agad akong bumaba. Kinuha ko ang phone ko na nasa carpet pa rin at nagri-ring. Kumulo ang dugo ko nang makita ko ang pangalan niya sa screen.
“Manang, alis na po ako. Papasok na po ako sa opisina, pakisabi na lang po kay Mama.” paalam ko kay Manang Elma nang makita ko siya dahil baka hanapin ako ni Mama.
“Sige, mag-ingat ka, Hija.”
Tumango lang ako bago lumabas ng mansyon. Agad akong sumakay sa kotse ko at nag-drive ako papunta sa kumpanya.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...