TRIGGER WARNING: This story/chapter contains graphic depiction of miscarriage, depression, and/or other mature themes that triggering to some readers. Reader discretion is advised. R-18 content ahead, read at your own risk!
*****
THIRD PERSON'S P.O.V.HOSPITAL...
PUMASOK sa isang pribadong silid si Darrell na amoy ang pinaghalong alcohol sa aircon at naabutan niya ang asawa niyang si Jezelle na nakaupo sa higaan. Nakatingin ito sa may bintana na parang malalim ang iniisip.
“Hon.” mahinang tawag ni Darrell sapat lang para marinig ng asawa niya. Nilapitan ng lalaki ang asawa pagkatapos ay inilapag ang tray ng pagkain sa side table. “Hon, kain ka na. Tara na, subuan kita.” masuyong sabi ni Darrell kay Jezelle na ikinailing ng babae pagkatapos ay bumalik sa pagkakahiga. Hindi nakuhang tumingin kay Darrell ang asawa niya kaya napabuntong-hininga siya at hinawakan ang kamay nito.
“Hon, kailangan mong kumain para lumakas ka. Sige na, para kay baby, kumain ka na.”
“Wala na iyong baby. Wala na iyong anak natin. Wala na.” malungkot na sabi ni Jezelle at may pumatak na isang pirasong luha sa abong mga mata nito na namamaga dulot ng walang tigil na pag-iyak. “Baby girl siya... Nakita mo, diba?”
Buo na ang bata ng nailabas sa sinapupunan ni Jezelle. Nakita pa nila iyong mag-asawa... Kumpleto na ang parte ng katawan ng sanggol kahit kasing laki ng palad lang ang laki nito dahil nasa labin-walong linggo na rin kasi ang bata. And it's a girl. Ang baby girl na pangarap nila ay biglang nawala sa isang iglap ng hindi nila namamalayang nabuo na pala ito.
“Baby girl ko iyon, eh.” naluluhang sabi ni Jezelle at malungkot na ngumiti pagkatapos ay tinitignan ang asawang si Darrell. “Kaso wala na," malungkot na dagdag pa ni Jezelle at lalong bumuhos ang mga luha nito. Pinahid ni Darrell ang luha nito pagkatapos ay niyakap ang asawa. Pilit niyang nilakasan ang loob niya. Ayaw niyang pati siya ay sumabay pa sa pagluluksa ng asawa niya.
“Pero kailangan mo pa ring kumain. Alam mo malulungkot ang baby natin kapag pinabayaan mo ang sarili mo.” Tinignan siya ni Jezelle ng ilang saglit pagkatapos ay hinawakan nito ang kutsara.
“Ako na. Susubuan na kita.” Hinayaan lang siya nitong subuan hanggang sa makalahati nito ang pagkain... Okay na iyon basta kahit papaano ay kumain na ito hindi katulad kahapon na maski tubig ay ayaw galawin.
“Pwede ka bang tumabi sa akin?” tanong ni Jezelle sa kanya kaya nakaramdam siya ng saya kahit papaano dahil sa mga nangyayari ngayon. “Pwede mo ba akong yakapin?”
“Oo naman.” Lumapit si Darrell sa asawa pagkatapos ay tumabi sa higaan nito. Niyakap niya si Jezelle at iniunan niya ito sa dibdib niya. Hinaplos niya ang buhok nito at muli na naman naramdaman niya ang mumunting hikbi nito.
“I'm sorry.” malumanay na sabi ni Darrell sa asawa.
“Hindi mo kasalanan.” naluluhang sabi ni Jezelle dahilan para mas lalo siyang yakapin ni Darrell at dampian ng halik sa noo ang asawa. “Huwag mong sisihin ang sarili mo.”
Alam ni Darrell, na siya ang may kasalanan ng pagkawala ng anak nilang babae na pinakahihintay nila, kung hindi niya hinayaan na lamunin siya ng tukso nang halikan siya ni Celine ay hindi mawawala ang anak nila. Hindi sana maii-stress si Jezelle at duduguin, hindi sana sila malungkot at nagluluksa ngayon.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...