Chapter 26

177 5 2
                                    

DARRELL'S P.O.V.

DAHAN-DAHAN kong binuksan ang pinto ng kwarto namin ni Jezelle. Nakapatay na ang ilaw pero maaninag ko pa rin ang asawa ko na nakatagilid at nakahiga sa kama patalikod sa gawi ko. Napangiti ako pagkatapos ay tinabihan siya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya pagkatapos ay hinapit ang bewang niya.

"Darrell," nanlaki ang mga matang banggit niya sa pangalan ko.

Namamalat ang boses niya na tila kagagaling lang sa pag-iyak. Niyakap ko siya at ramdam ko pa ang paghikbi niya. Naalala ko ang sinabi ni Manang Elma. Mukhang tama siya at malamang kung ano-ano na ang iniisip ng asawa ko kaya umiiyak siya ngayon dahil sa naging reaksyon ko kaninang umaga. Dapat hindi ko na lang siya iniwan kanina. Sana kinausap ko na lang siya.

"Hon," masuyong sabi ko bago napabuntong-hininga pagkatapos ay mas niyakap siya nang mahigpit. "Umiiyak ka ba?" tanong ko kahit obvious naman.

"Hindi," napapiyok na sagot niya at napahikbi pa siya. Pasimple niyang hinawi ang kamay ko pero hindi ako nagpapigil, mas hinapit ko pa siya at hinimas ang malaking tiyan niya.

"Alam kong umiiyak ka."

"Hindi," napapiyok na sabi niya ulit.

"Talk to me," sabi ko sa kanya.

Umiling siya kaya muli akong napabuntong-hininga at bumangon, pumunta ako sa harapan niya at doon sumiksik dahilan para mapausog siya na ikinangiti ko. Wala siyang nagawa nang tumabi ako sa kabilang gilid niya. Tatalikod sana siya ulit sa akin pero agad ko siyang niyakap pagkatapos ay hinalikan sa noo na ikinahikbi niya.

"Hon, huwag ka nang umiyak. Sorry na," masuyong sabi ko sa kanya. Muli siyang humikbi at sa wakas ay tumingin na siya sa akin ng deretso.

"Hon, galit ka ba sa akin?" umiiyak niyang tanong na ikinailing ko at pinunasan ang basang pisngi niya dahil sa pag-iyak.

"Sinong nagsabi na galit ako sa 'yo?"

"Ayaw mo ba sa babies natin?" napasigok na tanong niya na muling ikinailing ko.

"Hon, ano ba iyang sinasabi mo?" nakakunot ang noong sabi ko bago hinawakan ang mukha niya na lumuluha na naman.

"Hindi ko alam na pareho silang lalaki. Sorry," umiiyak na sabi niya na ikinabuntong-hininga ko.

"Hey, Hon."

"Sorry, kasi hindi kita nabigyan ng anak na babae," umiiyak niyang sabi na ikinailing ko ulit.

"Ang sabi ko, gusto kong magkaanak tayo. Wala akong sinabi na kailangan babae ang gender," paliwanag ko dahilan para mapahinto siya bago pinakatitigan ako.

"Ang ibig bang sabihin niyan ay okay lang sa 'yo na lalaki sila?" napasigok na tanong niya na ikinatango ko pagkatapos ay nginitian siya. Pinahid ko ang mga luhang lumandas sa pisngi niya. "Okay lang talaga? Ibig sabihin niyan ay tanggap mo sila?" paniniguro niya.

"Hon, anak ko sila at mahal ko sila. Walang kaso sa akin kung lalaki sila o babae kasi anak ko sila. Ang importante ay malusog sila, na maayos kayo ng mga bata," sabi ko dahilan para yakap niya ako nang mahigpit.

"Akala ko kasi ayaw mo. Akala ko galit ka, kanina kasi parang hindi mo gusto."

"Shhh, masaya ako. Sobrang saya ko, Hon, at hindi pa man sila ipinapanganak sa mundong ito ay mahal na mahal ko na sila."

"Ako rin," sabi niya na ikinatango ko pagkatapos ay hinalikan siya sa noo.

"Sorry, kung akala mo galit ako. Sorry, kung pinasama ko ang loob mo." Umiling siya.

"Wala iyon. Ang importante ay tanggap mo ang mga anak natin kahit ano pa man ang kasarian. Saka alam ko naman na mamahalin mo sila," naluluhang nakangiting sabi niya.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon