JEZELLE'S P.O.V.
SA ILANG minutong pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na wala na pala ako sa sarili ko at natauhan lang ako ng marinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell kaya tumayo na ako sa pagkakaupo sa kama at lumabas ng kwarto.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang gwapo kong fiance na may ngiti sa labi. May dala rin siyang paper bag na may tatak ng pangalan ng restaurant na pinagbilhan niya.
“Hon,” nakangiting sabi ko. Pagkapasok niya ay niyakap ko siya agad. Namiss ko siya kasi hindi kami nagkita kanina.
“Miss me?” tanong niya na ikinaangat nang tingin sa gwapong mukha niya.
“Of course. Hindi kaya kita nakita kaninang umaga,” sabi ko bago siya hinalikan sa labi na ikinangiti niya.
“I miss you too, Hon. Pinag-alala mo ako kanina dahil hindi mo sinasagot ang tawag ko at hindi ka nagre-reply sa mga text ko.”
“Sorry, kung pinag-alala kita. Nagtampo kasi ako kay Kuya Jeremy kaya noong tumawag siya ay pinatay ko ang cellphone ko,” paliwanag ko.
Pumunta kami sa kitchen nitong hotel room at sinalansan niya lahat ng binili niyang pagkain. Kumuha naman ako ng plate namin at mga kubyertos.
“Bakit ba nagkatampo kayo ng Kuya Jeremy mo? Ang laki ng epekto nang tampuhan n'yo sa kanya dahil hindi siya umimik sa buong durasyon ng klase namin kanina.” Umupo siya pagkatapos niyang ilabas lahat ng pagkain na binili niya at ako naman ay umupo sa tabi niya nang matapos ako sa paghahanda ng table namin.
“Palagi na lang kasi siyang walang alam tungkol sa akin. Never niya akong tinanong kung okay lang ba ako o kumustahin man lang simula noong nagkaroon sila ng relasyon ni Kaila. Palagi na lang kasing ang fiancee niya ang pinagtutuunan niya ng pansin at kinalimutan niya na may mga kapatid siya na nasasaktan dahil sa pambabalewala niya,” sabi ko habang kumukuha ng pagkain ko at nagsimula nang kumain.
“Sabagay, kung ako ang nasa posisyon mo ay masasaktan din ako kung parang hangin rin akong ituring ng kapatid ko,” sabi ni Darrell na nagsimula na ring kumain.
Tahimik lang kami habang kumain ni Darrell. Naubos naming dalawa ang dala niyang pagkain dahil ang sabi niya ay hindi pa raw siya kumakain nang umalis siya sa school.
Nasa living room kami ngayon. Magkatabi kaming nakaupo sa couch habang nanonood ng teleserye.
“Hon, kung sakali man na hindi ako ang para sa ’yo. Hayaan mo lang akong samahan ka at sabay nating lakbayin ang buhay. Hayaan mo lang akong hawakan ang mga kamay mo nang hindi mo maramdaman ang pag-iisa. Narito ako sa bawat saya at luha mo, na sa tuwing kailangan mo nang masasandalan, mayroon kang ako na handang sumalo at sasalubungin ka ng mga yakap. Hindi mo kailangang mag-alala. Hindi ako mawawala. Wala kang kailangang hingin para manatili ako sa 'yo. Wala kang kailangang patunayan para mahalin ko. At kung hindi man ako para sa ’yo, handa pa rin ako. Handa akong palayain ka at hayaang sundan kung saan ka sasaya. Hindi kita ikukulong sa pagmamahal ko. Tanggap ko kung hindi ako sa dulo at magiging masaya akong minsan tayong nagkatagpo. Kaya hayaan mo lang sana ako. Dahil mahal kita. Tsaka na ‘yong pag-aalala. Basta mamahalin muna kita,” mahabang sabi ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin.
“You don’t need to say that. Tayong dalawa ang itinadhana para sa isa’t isa kaya hindi ko hahayaang makawala ka sa akin at mapunta sa iba dahil mahal kita,” nakangiting sabi niya na ikinangiti ko at niyakap siya. Napatingin ako kay Darrell nang marinig kong nag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa niya at tinignan kung sino ang tumatawag.
Kumunot ang noo ko ng tumingin siya sa akin. “Kuya mo,” sabi niya sabay pakita sa akin ng phone niya at tama siya dahil si Kuya Jeremy ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...