DARRELL'S P.O.V.
NAPANGIWI ako ng maramdaman ko ang matinding pagsakit ng ulo ko. Pumipintig pa iyon na parang mabibiyak ang ulo ko. Napasapo pa ako sa aking sentido at dahan-dahan na umupo sa kama. Pilit kong inalala ang mga nangyari, walang pumapasok sa isipan ko kun'di ang pagtatalo namin ng asawa ko nang umuwi ako hanggang sa umalis ako para uminom. Napatingin ako sa aking tabi at nakita ang babae na nakatalikod at natutulog. Napangiti pa ako at hinapit ito sa pag-aakalang siya si Jezelle ngunit nang makita ko na hindi ay agad akong napaatras.
“T*ng*na.”
Sino iyan? Bakit siya nandito sa kwarto namin ni Jezelle.
Napatingin ako sa paligid at hindi ako namamalikmata dahil nasa kwarto ako sa mansyon at hindi sa kung anong hotel.
Pero anong ginagawa ng babaeng iyan dito? Nasaan ang asawa ko?
Agad akong kinabahan at dali-daling tumayo. Masakit man ang ulo ko at parang matutumba dahil sa epekto ng ininom ko kagabi ay agad kong hinanap ang asawa ko sa buong kwarto. Bumaba ako at napatigil nang makita si Jezelle sa dining area at nag-aayos ng lamesa para sa agahan.
“Hon.” pagtawag ko sa atensyong ng asawa ko.
Kitang-kita ko ang pamamaga ng mga mata niya nang mag-angat siya nang tingin sa akin. Kitang-kita ko ang ginawa kong kag*guhan sa asawa ko. At sa sandaling ito ay biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi ng umuwi ako. Naalala ko ang masasakit na salita na binitawan ko sa kanya kagabi. Nag-sisisi ako.
T*ng*na, ano ba ang pumasok sa isipan ko para gawin iyon sa asawa ko?
“Gising ka na pala. Naghanda ako ng agahan para sa inyo,” walang emosyong sabi niya bago napatingin sa likod ko kaya napalingon ako. Nakita ko ang babaeng katabi ko kanina sa kama. Kinukusot pa nito ang mata na tila kagigising lang. Napansin ko rin ang sakit sa mukha ni Jezelle nang mapalingon ako sa kanya na nakatingin sa suot na damit ng babae na pantulog niya.
“Jezelle.”
“Kumain na kayo, mukhang gutom kayo.”
“Hay, salamat naman pala. Gutom na talaga ako,” sabi pa ng babae bago nag-unat at umupo sa may bakanteng upuan. “Psst, pagtimpalahan mo nga ako ng mainit na kape. Sobrang sakit ng ulo ko, ang dami kong nainom kagabi,” lakas loob na sabi pa ng babae.
Ang kapal ng mukha ng de-p*ta.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng asawa ko bago napahaplos sa malaking tiyan niya papunta sa kanyang balakang. Hindi ko mapigilan na tignan ang malaki niyang tiyan.
“Sige, saglit lang. Ipagtitimpla kita.” Umalis siya at tumungo sa kusina. Agad akong lumapit sa babae at pinatayo ito.
“Get out!”
“Grabe naman, parang kagabi siya pinapaalis mo tapos ngayon ako naman.”
“Get out of my house. Hindi nga kita kilala.”
“Ikaw ang nagdala sa akin dito, okay? Ikaw ang nagpatulog sa akin sa kwarto n'yo. Parang kagabi lang, grabe mo ako halikan.”
“Walang nangyari sa atin kaya pwede ba umalis ka na!”
“Okay, fine,” wika ng babae. Hinawakan ko ang braso niya pagkatapos ay pinalabas ng mansyon. Sunod-sunod pa ang aking mura at sinarado ang pinto. Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking palad at dali-dali akong tumakbo papasok sa kusina at doon ko nakita ang asawa ko na nakasandal sa dingding, nagtataas-baba ang balikat at rinig ko ang paghikbi niya nang mahina.
“Jezelle.” Umiwas siya nang tingin pagkatapos ay nakita ko ang pagpahid niya sa kanyang luha at pagkatapos ay tumungo sa coffee maker.
“Gusto mo rin ba ng kape? Masakit din ba ang ulo mo?”
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomantizmSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...