Chapter 55

136 2 0
                                    

JEZELLE'S P.O.V.

YEARS LATER...

“CALVIN, naayos n'yo na ba ang mga table sa labas?” Ang tanong ko sa kaibigan ko nang pumasok siya sa kusina. Dumiretso ito sa water dispenser at kumuha ng tubig doon.

Nilagyan ko muna ng takip ang niluluto ko at hinayaan itong kumulo. Pinunas ko muna sa tela ng suot-suot kong apron ang namamasa kong kamay bago ko tinanggal ang suot-suot kong apron.

“Yes, Ate Jezelle. Nilalagyan na lang nila ng mga balloons ang mga upuan,” sagot nito matapos mailapag ang baso.

“Eh, 'yong mga inaanak mo? Nasaan nga pala sila?” muli kong pagtatanong habang tinitingnan ang mga pagkaing nakahanda na. “Maymay, kapag pumasok sina Jona rito pakisabi nga na ilabas na itong mga pagkain. Mag-aayos lang ako,” pakiusap ko kay Maymay na isa sa mga katulong namin dito sa mansyon at katuwang ko ngayon sa pagluluto.

Tatlo silang tumutulong sa akin magluto ngayon: si Maymay, Jona at Nalda. Lima silang namamasukan dito sa mansyon bilang katulong, si Helen at Lorena ay tinutulungan sina Keithleen sa labas na mag-ayos. Silang lima ay pitong taon na silang nagtra-trabaho rito kasama si Manang Cecilia, wala naman akong maiireklamo sa kanila dahil mapagkakatiwalaan at masisipag silang lima. Sinadya ko talagang kaunti lang ang kuning katulong sa mansyon dahil ayoko ng masyadong maraming tao dito.

“Kasama nila si Zhavia at Zax, Ate Jezelle. Naglalaro sila sa kwarto ni Jezren. May maitutulong pa ba ako rito?” nakangiting ni Calvin bago pumulot ng lumpiang shanghai mula sa isang tray roon. Napailing na lang ako at napangiti. Kanina pa kasi ito tumutulong sa paghahanda sa ikalawang taong kaarawan ni Baby Keira.

“Wala na. Sige, pahinga ka muna. Puntahan mo muna 'yong girlfriend mo at baka sabihin niyon ay inaagaw kita sa kanya,” natatawa kong sabi sa kanya.

Noong isang buwan ko lang nalaman na may relasyon silang dalawa ni Keithleen. Wala namang problema sa parents nilang dalawa at suportadong-suportado pa ang relasyon ng dalawa.

Tumawa ito saka naunang lumabas ng kusina. Lumabas muna ako saglit sa front yard ng mansyon para i-check ang progress sa pagde-desinyo rito. Naka-set-up na sa pinakagitna ang napakalaking inflatable pool na pinailaliman ng makukulay na mats. Puno ito ng maraming mga makukulay at maliliit na hallowed plastic balls. Mayro’n ring inflatable slide na nakakabit dito. Naka-arrange rin sa paligid ang mga malalaki at maliliit na mga lamesa't upuan. May mga party hats ang coloring books rin na nakapatong sa bawat lamesa ng pangbata. Gumanda rin ang paligid dahil sa makukulay na mga bulaklak na nakatanim sa buong paligid.

Nang masiguro kong ayos na ang lahat dito, muli akong pumasok at pumanik sa itaas para mag-ayos. Ilang minuto na lang ay siguradong magsisidatingan na ang mga bisita. Pagpasok ko sa kwarto ay dumiretso ako sa banyo at naligo ng mabilisan. Tahimik akong lumabas at pumunta sa closet. Hindi na ako nagtagal sa pamimili dahil kagabi ko pa inihanda ang susuotin ko. Isang simple baby blue botton down shirt lang ang isinuot ko na pinaresan ko ng dark blue high-waisted trousers at dark blue pointed toe thin heels women pumps three inch. Sinuklay ko rin ang aking buhok at ngumiti sa salamin. Then, naglagay ako ng light make-up.

Pagtapos ay lumapit ako sa kama at niyugyog ang asawa kong tulog mantika pa rin hanggang ngayon.

“Hon, gising ka na. Magsisimula na ang party ni Keira.”

Umungot lang ito at tumagilid. Kumuha siya ng unan sa tabi saka tinakpan ang kanyang mukha. Buong magdamag kasi itong nagtrabaho kaya hinayaan ko na lang na matulog hanggang ngayon. Umupo ako sa maliit na espasyo sa tabi niya at tinanggal ang unan. Yumuko ako at pinugpog ng halik ang kanyang pisngi.

“Hon-mmpf!” Hindi ako nakapagsalita nang maayos nang hulihin niya bigla ang mukha ko. Siniil niya rin ng halik ang aking mga labi.

“Good morning to you too, Hon. Bango ng honey ko,” bulong niya sa malanding boses habang hinalik-halikan ang leeg ko. Namumula ang mukha kong himpas ang kanyang kamay saka tumayo.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon