Chapter 21

229 6 1
                                    

JEZELLE'S P.O.V.

NAPAPANGITI ako habang nakaharap sa salamin. Pinagmamasdan ko ang buong katawan ko, bahagya ko pang itinaas ang suot kong t-shirt pagkatapos ay hinimas ko ang maimpis kong tiyan.

Hindi ako makapaniwala na magkakaroon na kami ni Darrell ng anak. Labis-labis ang tuwa ang nararamdaman ko ngayon, lalong lalo na ang asawa ko na wala halos mapagsidlan ng kaligayahan, na kahit nakauwi na kami mula sa hospital ay parang lutang pa rin siya at hindi akalain na magkakaanak na kami.

Aaminin ko, nakakaramdam ako ng takot dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw, linggo at buwan nang pagbubuntis ko, hindi ko alam kung ano ang mga mararanasan ko pa lalo na kapag nagsimula nang lumaki ang tiyan ko. Natatakot ako na baka magkamali ako, na baka may magawa akong hindi dapat at makasama sa batang dinadala ko.

Marami pa akong mga bagay na ngayon ko palang mararanasan bilang ina kaya natutuwa ako. Nakadagdag sa saya na nararamdaman ko ang isipin ang tuwa na nararamdaman ni Darrell ngayon. Ano kaya ang magiging reaksyon at pakikitungo niya sa akin kapag nagsimula nang lumaki ang tiyan ko? Hindi na ako makapaghintay na makita ang reaksyon niya kapag naramdaman namin ang pagsipa ng anak namin sa loob ng tiyan ko. At hindi na rin ako makapaghintay na makita ang pinakamagandang biyaya na ibinigay sa aming mag-asawa.

Napasinghap ako nang may mga braso na yumakap sa akin mula sa likod ko at pinatong ang ulo niya sa balikat ko.

“Bakit kanina mo pa tinitignan ang katawan mo? May problema ba?” nag-aalalang tanong ng asawa ko at hinimas din ang tiyan kong lantad dahil sa nakataas kong damit.. Mula sa repleksyon namin sa harap ng salamin ay kita ko ang malapad niyang ngiti habang hinahaplos niya ang tiyan ko.

Kanina ay masaya niyang ibinalita ang pagbubuntis ko sa magulang niya pagkauwi namin at expected ko na ang reaksyon ni Mama dahil nang marinig niya ang balita ay halos magtatalon at nagsisigaw sa tuwa dahil magkakaapo na raw siya.

“Wala akong problema. Gusto ko lang makita ang katawan ko na unti-unting nagbabago dahil sa paglaki ng baby natin sa sinapupunan ko,” nakangiting sabi ko habang nakatingin sa repleksyon namin sa harap ng salamin.

"Ang ganda ng regalo mo sa akin sa nalalapit na birthday ko, Hon," nakangiting sabi ng asawa ko habang nakatingin kami sa isa't isa sa pamamagitan ng repleksyon namin sa salamin.

Naalala kong birth month na pala ngayon, it's June. At ilang araw na lang ay birthday na niya kaya ang galing ng timing ng baby namin.

"Yeah, ang perfect ng timing nang pagbuo ni Baby sa tiyan ko. Dapat pala inalam ko munang buntis ako para sa birthday mo ay isu-surprise kita. Sayang. Mag-iisip pa tuloy ako ng magandang pang-regalo sa birthday ng asawa ko," naghihinayang na sabi ko na ikinatawa niya nang mahina at mas niyakap pa ako lalo.

"Hindi mo na kailangan mag-isip nang ireregalo, Hon. Binigay mo na sa akin ang pinakamagandang birthday gift ko, ang baby natin," nakangiting sabi niya sabay marahang hinimas ang wala pang umbok kong tiyan, actually may maliit na umbok na pero hindi pa ganoon kahalata. Napangiti ako dahil nasarapan ako sa marahang paghaplos niya sa tiyan ko. "Sapat nang regalo sa kaarawan ko ang makita kang healthy at ang baby natin. Hindi mo kailangan mag-abala pang mag-isip nang ireregalo sa akin o bumili nang kung ano dahil sapat na ang mabuo ko ang pangarap kong sariling pamilya kasama ang babaeng mahal ko," nakangiting sabi ng asawa ko na ikinangiti ko rin ng malapad.

"Okay, ang regalo ko sa 'yo ay maging healthy kami ni Baby. Promise, Hon, aalagaan ko ang baby natin habang nasa loob siya ng sinapupunan ko o kahit makapanganak na ako," nakangiting sabi ko sa asawa ko na napangiti.

"Aalagaan ko rin kayo," nakangiting sabi niya na ikinatango ko. Napakunot ang noo ko nang lumungkot ang mukha niya.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon