Chapter 2

431 10 0
                                    

JEZELLE'S P.O.V.

DAYS LATER...

“ANONG ngiti iyan, Jezelle? In love ka ba?” tanong ni Thrizchia na matalik kong kaibigan since highschool kaya napatingin ako sa kanya. Nasa room kami at hinihintay na lang ang pagpasok ng Prof namin.

“Iba na iyan, Bakla? Sinong fafable iyan?” nakangiting sabi ni Aries, ang kaibigan naming gay ni Thrizchia.

“Hindi ako in love. Hindi ba pwedeng masaya lang ako?” palusot ko habang nakapinta pa rin ang malaking ngiti sa labi ko.

“Huwag ako, Jezelle. Kilala na kita, mabilis kang ma-in love. Ganyan ka noong nakilala mo si Ethan dati kaya mabilis ka ring nasasaktan,” sabi ni Thrizchia na ikinatingin ko sa kanya bago inikutan ng mga mata.

“Oo na,” pagsuko ko sa kanya dahil hindi ko maitatago ang katotohanang muling tumitibok ang puso ko sa isang lalaking alam kong may mahal na iba at masasaktan lang ako sa huli.

"Aisst, Jezelle, akala ko ba hindi ka na magmamahal uli pero ngayon, in love ka na naman. Iyong sinabi mo noong mga nakaraang linggo kay Ethan na hindi ka na magmamahal uli ay parang nilunok mo lang," sabi ni Thrizchia na nakataas ang isang kilay. Nahimigan ko man ang pagka-harsh sa sinabi niya ay hindi ako na-offend dahil alam kong concern lang siya sa nararamdaman ko.

*****

WEEKS AGO...

Bigla akong napapiksi sa gulat nang may umakbay sa akin habang naglalakad ako sa hallway patungo sa classroom ko. Napatingin ako sa nagmamay-ari ng malaking brasong umakbay sa akin.

“Good morning, Babe,” nakangiting sabi ng ex-boyfriend kong si Ethan.

Ngayon ko na lang siya ulit nakita matapos ko siyang hiwalayan last week matapos ko siyang makitang may kat*lik sa condo niya dahil schoolmate kami at nakakapagtaka na hindi ko man lang siya nakakasalubong man lang. Mabuti na rin siguro iyon dahil ayokong makita ang pagmumukha ng walang kwentang lalaki na minahal ko pero niloko lang ako.

Agad kong tinanggal ang braso niyang nakaakbay sa akin at aalis na sana nang hawakan niya ang braso ko, marahas niya akong hinila pabalik na ikinalingon ko sa kanya at pilit na nagpupumiglas sa pagkahawak niya sa akin pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

“Bitawan mo ako,” inis sabi ko at pilit na binabawi ang braso ko pero mas lalo niya pang hinihigpitan ang pagkakahawak sa akin na ikinaigik ko dahil nasaktan ako sa paghawak niya sa braso ko at pakiramdam ko nawawalan na ng dugo iyon.

“Ano ba? Nasasaktan ako, Ethan. Argghh!” nasasaktang sabi ko ng mas hinihigpitan niya pa ang pagkakahawak sa braso ko.

“Babe, let's talk,” seryosong sabi niya habang hawak niya pa rin ang kamay ko nang mahigpit.

“Pwede ba? Huwag mo akong tatawaging 'babe' dahil hindi na tayo. Matahal na tayong tapos. Nakakairita sa pandinig,” iritang sabi ko sa kanya sabay buong pwersang iniwaksi ang kamay niyang nakahawak sa akin na ikinabitaw niya. Hinimas ko naman iyon dahil namumula at bakat ang mahigpit na pagkakahawak niya sa akin kanina. Paniguradong magkakapasa iyon dahil maputi ang kutis ko at pakiramdam ko nalamog ang laman ko sa mahigpit na pagkakahawak niya.

“Jezelle, mag-usap tayo,” seryosong sabi niya na ikinaangat nang tingin ko sa kanya at masamang tumingin sa kanya.

“Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Ethan, tapos na tayo at hindi mo na maibabalik pa ang dati o ang relasyon natin,” walang emosyong sabi ko at tumalikod sa kanya pero humarang siya sa daraanan ko.

“Mahal kita, Jezelle. Give me another chance para mapatunayan ko sa 'yo na mahal kita, hindi ko na gagawin ulit iyon. This time, magseseryoso na ako, pangako iyon,” sabi niya na ikinangisi ko ng marinig ko na naman ang mga paulit-ulit na sinasabi niya tuwing nahuhuli ko siya sa panloloko niya. Nakakarindi na, sa totoo lang.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon