DARRELL'S P.O.V.
WEEKS LATER...
NAPANGITI ako nang magising ako ng maaga at nakita ang asawa ko na nahihimbing na natutulog sa tabi ko. Kadalasan kasi ay siya ang unang nagigising sa aming dalawa para unang mag-asikaso sa umaga.
Alam ko na bumabawi siya ng tulog ngayon lalo na at nagdadalang-tao siya. Bukod kasi sa dumoble ang kain niya dahil sa paglilihi ay kadalasan ay tulog siya at simula nang pahinto ko muna siya sa pagtra-trabaho nang maglimang buwan ang tiyan gaya nang pinag-usapan namin kaya puro pagtulog ang ginawa niya na okay lang naman dahil buntis siya.
At simula ng magbuntis siya ay tanghali na siya nagigising. Halos sakupin na niya ang buong kama namin. At simula nang lumaki ang tiyan ay naging malikot na siya sa pagtulog pero okay lang naman iyon sa akin. Lalo pa na madalas ay sumisiksik siya sa akin. Natatawa pa nga ako sa ginagawa niya na halos lahat ng unan namin ay nakapalibot sa kanya lalo na sa tiyan niya na madalas niyang dinadantayan iyon kapag tumatagilid siya.
Inayos ko ang comforter ni Jezelle lalo na ngayon na nakikita ang malaking tiyan niya. Croptop kasi ang madalas niyang suotin kapag natutulog dahil doon siya mas comfortable kaya palaging lantad ang malaking tiyan niya. Napatingin ako sa asawa ko bago hinalikan siya sa noo pagkatapos ay tinitigan ko ang mala-dyosa niyang mukha.
Hindi ko lubos maisip na sa isang taon namin na magkasama bilang mag-asawa ay magiging ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko akalain na ganito kasarap sa pakiramdam ang magkakaroon ng asawa at mga anak...nag-uumapaw at walang mapagsidlang saya ang nararamdaman ko ngayon dito sa puso ko.
Inayos ko pa ang mga unan na nakapalibot kay Jezelle pagkatapos ay saglit na yumuko para muli siyang halikan sa noo. Pagkatapos ay bumaba ako sa unang palapag ng mansyon para tumungo sa kusina para magluto ng agahan naming mag-asawa. Naabutan ko si Manang Elma na kararating lang mula sa palengke at mukhang mag-aasikaso na sana ng aalmusalin namin.
“Oh, Hijo, ikaw ang unang nagising? Si Jezelle, nasaan? Nagpabili pa naman ang batang iyon sa akin para paglutuan ka ng agahan,” nakakunot ang noong tanong ni Manang Elma habang nilalabas ang mga pinamili niya mula sa basket na dala.
“Tulog pa, Manang.” Napangiti ako pagkatapos ay binuksan ang ref, naghanap ako ng pagkain na madalas gustong kainin ng asawa ko sa umaga maliban sa bacon dahil ayaw niya pa rin ang amoy niyon. “Hinayaan ko po muna. Anong oras na rin po kasi kami nakatulog kagabi. Hindi siya mapakatulog dahil sipa nang sipa ang kambal,” nakangiting sabi ko bago isinarado ang ref matapos kunin ang pakay ko. Nakita ko ang malapad na ngiti ni Manang Elma nang mapatingin ako sa kanya dahil sa mahinang pagtawa niya.
“Na'ko! Oo, gan'yan talaga! Lalo na kapag mas lumaki ang mga sanggol sa sinapupunan ni Jezelle sa mga susunod na buwan. Na'ko! Mas lalong mapupuyat kayong dalawa sa kalikutan nila lalo pa at kambal iyan na lalaki." Napangiti ako sa sinabi ni Manang Elma.
Ilang oras din yata kami magkayakap ng asawa ko kagabi habang pareho na nakalapat ang kamay namin sa tiyan niya. Pinapakiramdaman ang mga paggalaw ng sanggol kung kailan kasi matutulog na si Jezelle ay roon sila nagpakitang gilas.
"Hay! Hindi ko akalain na ang bilis nang paglipas ng panahon. Iyong batang inaalagaan ko lang noon, magiging daddy na ngayon.” emosyonal na sabi ni Mananga na ikinatingin ko sa kanya at napangiti ako nang makita ko ang pagpatak ng luha niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya na ikinayakap niya rin sa akin.
"Manang, alam ko ilang taon pa bago ka umalis na kung tutuusin dapat pagkatapos ng kasal namin ni Jezelle ay magre-resign ka na kaso pinigilan kita kasi gusto ko makita mo ang pagbuo ko ng sarili kong pamilya dahil malaki ang naging bahagi mo sa puso at buhay ko...namin ni Callie. Itinuring ka naming pangalawang ina dahil ikaw iyong nandiyan sa tabi ko para pagsabihan ko ng problema ko na hindi ko magawa kay Mama dahil inaalagaan niya si Callie noon. Ikaw iyong nakasaksi at dumamay sa akin noong mga panahong nagluluksa ako sa pagkamatay ni Callie na hindi nagawa ng magulang ko dahil lahat kami ay apektado sa pagkawala niya na hindi ko naman sila masisisi. Tapos, noong nakaraang linggo na nagkaroon kami nang hindi pagkakaintindihan ng asawa ko, pinaintindi mo sa akin ang tunay na kahulugan ng pamilya. Kulang ang isang salamat para pasalamatan ka sa lahat nang nagawa mo sa buhay ko. Hindi matutumbasan ang pagmamahal na ibinigay mo sa akin na kahit hindi mo ako anak ay alam kong itinuring mo akong para mong sariling anak. At malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon na binigyan niya ako ng isang taong katulad mo na maalaga. Nagpapasalamat rin ako sa Kanya dahil may pagkakataon pa na makita mo ang mga anak ko," nakangiti at mahabang sabi ko kay Manang Elma na ikinaiyak niya at niyakap ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomansaSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...