JEZELLE'S P.O.V.
HINDI ko alam kung anong pinag-usapan ni Darrell at nung tumawag sa kanya sa phone kahapon, pero sa tingin ko ay ang mga kumuha kay Keira ang tumawag sa kanya dahil nung bumalik siya sa hospital room ko kahapon ay bakas sa mukha niya na malaki ang problema niya.
Nakalabas na ako kahapon sa hospital at hanggang ngayon ay hindi pa kami nag-uusap dahil busy siya sa paggawa ng paraan para makuha si Keira. Palagi siyang may kausap sa phone niya. Sila Dad, Kuya Jeremy at Arvin ay tumulong na sa pagkuha ng impormasyon kung nasaan ang mastermind sa pagkuha kay Keira.
Napaiktad ako ng bigla na lang nag-ring ang cellphone ko. Buti na lang talaga ay hindi ito nabasag kahapon ng malaglag at sa carpeted floor ito bumagsak. Napakunot ang noo ko ng makitang unregistered number ang tumatawag. Hindi ako nagdalawang isip na sagutin iyon.
“Hello? Who are you?” agad kong tanong pagkalagay ko sa tenga ko ng cellphone ko matapos kong tanggapin ang tawag.
“Hello, Babe, did you miss me?” Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang boses ng lalaking kausap ko sa kabilang linya. Ang tagal na naming hindi nagkikita o maski ang marinig ang boses niya pero kilala ko pa rin ang boses nito.
“E-Ethan?”
“Yes, I am. The one and only, Babe. Buti nakilala mo pa ang boses ko.”
“A-Anong kailangan mo sa akin? P-Paano mo nakuha ang number ko?”
“I have my own resource, Babe. At ikaw. Ikaw ang kailangan ko. And one more thing... nasa akin ang anak mo.” Nabigla ako sa mga sinabi niya.
Siya ang mastermind sa pagkuha sa anak ko. Walang hiya siya!
“Ibalik mo sa akin ang anak ko. Walang hiya ka! Kung anuman ang atraso ko sa 'yo, huwag mong idamay ang anak ko.” singhal ko sa kanya sa kabilang linya.
“Ibabalik ko ang anak mo sa asawa mo kung ibigay niya sa akin ang mga gusto ko within 24 hours. Meron na lang siyang sampung oras para ibigay ang hinihingi ko sa kanya. Madali lang naman akong kausap. Kapag binigay niya sa akin ang gusto ko, ibabalik ko sa kanya ang anak n'yo ng ligtas. At kung hindi... papatayin ko ang anak niya at ibabalik ko sa inyo na malamig ng bangkay.” Dahilan nang pagbuhos ng mga luha ko nang marinig ko ang huling pangungusap na sinabi niya.
No! Hindi ko kayang mamatayan ulit ng anak, baka ikamatay ko kapag nangyari iyon.
“No, please! Huwag mong papatayin ang anak ko. Ano bang gusto mo? Ako ang magbibigay sa ’yo kung ayaw ni Darrell, basta huwag mo lang sasaktan at papatayin ang anak ko. Please! Nakikiusap ako sa 'yo, Ethan!” umiiyak kong pakiusap.
“Ibibigay mo sa akin lahat ng gusto ko?”
“Oo, ibibigay ko lahat. Huwag mo lang saktan at patayin ang anak ko. Please! Nakikiusap ako sa 'yo, ibalik mo siyang maayos ang kalagayan at ligtas,” umiiyak kong pakiusap sa lalaking kausap ko sa kabilang linya.
“Paano kung ikaw ang gusto kong kapalit ng buhay ng anak mo? Sasama ka ba sa akin?”
Ako? Ako ang kapalit para sa buhay ng anak ko? Kapag sumama ako sa kanya, kaya ko bang malayo sa pamilya ko, sa pinakamamahal kong asawa't mga anak?
“O-Oo, sasama ako sa 'yo, basta ibalik mong ligtas si Keira kay Darrell. Sasama ako sa 'yo.” seryosong sabi ko.
“Mabuti kung ganoon at madali kang kausap, Babe. Tutupad ako sa napag-usapan natin, ibabalik ko ang anak mo sa asawa mo at sasama ka sa akin na magpakalayo-layo. Dalhin mo na rin ang limangpung milyon na hinihingi ko sa asawa mo. Kapag hindi ka tumupad sa usapan natin, pasensyahan tayo dahil papatayin ko itong anak n'yo. Huwag ka rin magsasama ng pulis.”
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
Storie d'amoreSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...