JEZELLE'S P.O.V.
DAYS LATER...
TAHIMIK kaming kumain ng breakfast nina Mom at Dad kasama sina Kuya Jeremy at Kate. This is our routine everyday, kailangan kumpleto kami sa hapag tuwing breakfast and dinner dahil iyon lang ang oras na kumpleto kaming buong pamilya.
Nabasag lang ang katahimikan namin nang magtanong si Kuya Jeremy, minsan tinatawag ko siyang Kuya Kambal dahil kahit ilang minuto lang ang tanda niya sa akin, nirerespeto ko siya bilang nakakatandang kapatid.
“So, kailangan ang engagement party n'yo ng kaibigan ko, Sis?” tanong ni Kuya Jeremy na katabi ko.
“Hindi ko pa alam, Kuya. Ang Mama at Papa ni Darrell ang nag-aasikaso ng engagement party namin. Wala pa silang sinasabi kung kailan ang date at hindi rin namin minamadali ni Darrell ang preparation ng magulang niya sa Engagement Party namin.” sagot ko.
“Baka kasi ayaw ka niyang pakasalan kaya ganoon dahil hindi ka naman niya mahal,” sabi niya na ikinairap ko sa kanya dahil wala na naman siyang alam tungkol sa nagaganap sa buhay ko simula nang magkaroon siya ng girlfriend na fiancee na niya ngayon.
Si Kailaleen Carina Gabriel, ang fiancee ni Kuya Jeremy. Hindi parehas ang estado nila sa buhay dahil nasa middle-class sina Kaila kaya minsan nahihiya siya kay Kuya Jeremy o sa amin. Mahal siya ni Kuya Jeremy at tanggap siya ng buong pamilya namin kahit magkaiba sila ng estado dahil hindi naman kasi nababase ang pagmamahal sa estado ninyo sa buhay kun'di sa pagmamahalan ninyo sa isa't isa.
Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kakambal ko na umiinom ng juice. Napangisi ako ng may naisip akong kalokohan. Sinanggi ko ang braso niya na nakapatong sa lamesa kung saan hawak niya ang baso ng juice na iniinom niya. Kaya ang ending natapon sa uniform niya ang natitirang juice. Pinigilan ko ang tawa ko nang makita ko ang uniform niya na iba na kulay kaysa sa puti nitong kulay kanina at nang tignan niya ako nang masama ng abo niyang mga mata.
“Sis!” inis niyang sabi.
“Ikaw ang nauna, Kuya. Alam mo, nakakapikon ka. Wala ka na namang alam," inis kong sabi sa kanya at nakipaglaban nang sama nang tingin sa kanya. "Sino ba ang nagsabi sa ’yo na hindi ako mahal ni Darrell? Huli ka na pala sa balita. Sina Dad, Mom at Kate, alam na nila na umamin na kami ni Darrell na mahal namin ang isa’t isa at nag-propose siya ng kasal sa akin noong nakaraan,” sabi ko kay Kuya Jeremy sabay pakita ng kaliwang kamay ko na may nakasuot na engagement ring na bigay ni Darrell na ikinatitig niya rito.
“Tss, sabagay wala ka namang pakialam sa akin since noong magkaroon ka ng girlfriend, nang magkaroon kayo ng relasyon ni Kaila. Minsan mo lang naman ako pansinin. Kailangan ko pang sabihin kay Dad o kaya kay Mom na isabay mo ako tuwing pagpasok pero wala ka pa ring pinagbago, para lang akong hangin sa ’yo o ibang tao kapag kasama mo ang fiancee mo. Hindi ko sinasabi ito dahil sa ayoko kay Kaila, I like her to be my future sister in-law. Pero iyong balewalain mo ako na twin sister mo at tiisin na hindi pansinin o kausapin sa isang araw, ang sakit na. Nakakadurog ka ng puso. Mas masakit pa sa panloloko ni Ethan ang ibinigay o ipinaramdam mo sa akin. Sobrang sakit na sarili mong kakambal, baliwalain ka na parang hangin ka lang. Nasaan na iyong promise mo sa amin ni Kate na pro-protektahan mo kami at hindi mo kami hahayaang saktan? Kasi ikaw mismo na kapatid at kakambal ko ang nanakit sa damdamin at puso ko dahil sa pagbabalewala mo sa akin.” mahaba at may hinanakit na turan ko sa kakambal ko na natahimik at lumambot ang ekspresyon ng mukha nang maramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko na agad kong pinunasan.
“I’ll go ahead,” walang ganang sabi ko at tumayo na. Humalik muna ako sa pisngi nina Mom, Dad at Kate maliban sa kakambal ko bago ako tumalikod sa kanila. At sa pagtalikod ko ay ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Lumabas ako ng mansyon at agad na sumakay sa kotse ko. Pinaandar agad ang kotse ko paalis.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...