JEZELLE'S P.O.V.
“HINDIIIIIIIII!!!” malakas kong sigaw kasabay nang pagmulat ko ng mga mata. Ramdam ko ang pamamasa ng pisngi ko at ang pagtulo ng isang luha mula sa mata ko. Agad kong nilibot ang paningin ko, nandito pa rin ako sa kwarto namin ni Darrell.
Ibig sabihin ay panaginip lang iyon?
Napakapa ako sa tiyan ko, malaki na ito dahil limang buwang buntis na ako ngayon. Ilang buwan na lang ay makikita na namin ang kambal. Sana talaga ay isang panaginip lang iyon dahil hindi ko kakayanin kung sakali mang totoong patay na ang kambal na ipinagbubuntis ko. Baka ikabaliw ko kapag nangyari iyon.
“Hon, bakit ka sumigaw? May masakit ba sa ’yo? Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ng asawa ko na halatang nagising ko siya sa pagsigaw ko.
Umupo siya sa kama at tinulungan niya akong umupo dahil malaki na ang tiyan ko, medyo nahihirapan na rin akong magkilos-kilos mag-isa dahil mabigat na sila. Agad akong yumakap sa kanya at umiiyak sa balikat niya. Niyakap niya rin ako at himas ng marahan ang likod ko para pakalmahin ako.
“Bakit ka umiiyak? Bakit ka sumigaw? Tell me, Hon.” Nilayo niya ako sa kanya at pinunasan niya ang mga luha ko.
“Hon, hindi ko kayang mawala ang babies natin. Hindi ko kaya,” umiiyak kong sabi sa asawa ko.
“Shhh, tahan na. Hindi mawawala ang babies natin. Nandito pa nga sila, oh. Tingnan mo ang laki-laki na ng tiyan mo. At saka mamaya na natin malalaman ang gender nila,” pangungumbinsi niya sa akin habang hinihimas ang malaking tiyan ko.
“Natatakot ako na baka katulad sa panaginip ko ang mangyari mamaya,” natatakot kong sabi kay Darrell.
“Ano bang napanaginipan mo?” kuryusidad na tanong niya.
“N-Na-food poisoned daw ang babies natin sabi ni Tita Elaiza sa panaginip ko at wala na raw sila.” Tumulo na naman ang mga luha ko na agad din niyang pinunasan.
“Hon, it’s just a nightmare, okay? Hindi mangyayari iyon. Buhay pa ang babies natin. Stop crying, makakasama sa ’yo at sa babies natin iyan,” sabi niya na ikinatango ko. “Tara, sabay na tayong mag-shower,” sabi niya na ikinatingin ko sa kanya ng masama at agad siyang pinalo sa braso.
“Pervert,” inis kong sabi sa kanya na ikinatawa niya.
“Ano ka ba, Hon? Nakita ko na lahat sa ’yo. At saka wala naman tayong gagawin sa loob ng bathroom. Kiss lang, kasi kahit na malaki na ang tiyan mo, sexy mo pa rin,” nakangiting pilyong sabi niya sabay halik sa leeg ko.
“Darrell, ano ba?” inis kong sabi sa kanya sabay layo ng mukha niya sa akin.
“Sige na, sabay na tayong magshower. Nag-aalala kasi ako na baka madulas ka sa bathroom kapag naliligo ka,” sabi niya na nag-puppy eyes pa sa akin na parang bata. Ginagamitan na naman niya ako ng gan'yang strategy niya.
“Sige na nga, wala rin namang akong magagawa, eh. Matitiis ba kita? At saka kailangan mo akong tulungang magsabon sa paa at hita ko dahil nahihirapan na akong yumuko para abutin iyon,” sabi ko sa kanya na ikinangiti niya bago ako inalalayang bumaba sa kama.
*****
PAGKATAPOS mag-shower ay pumunta na kaming walk in closet. Sinuot ko ang floral maternity dress na above the knee na binili namin ni Darrell last month. Aabutin ko na sana ang zipper na nasa likod ko nang biglang may nagtaas na n'yon papunta sa batok ko.
“Bagay na bagay talaga sa ’yo itong maternity dress na binili natin. Lalo kang naging blooming ngayon dahil suot mo ito,” nakangiting sabi niya habang nakatingin sa akin gamit ang salamin. Niyakap niya ako mula likod at pinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Hinimas niya ang tiyan ko nang bigla akong may naramdaman sa tiyan ko habang marahan hinihimas iyon ng asawa ko. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ulit ang mumunting umbok at paggalaw ng tiyan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/226765969-288-k596903.jpg)
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomantizmSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...