Chapter 44

354 7 8
                                        

DARRELL'S P.O.V.

"GOOD morning po, Mr. Buenavilla. Nasa loob po ng opisina n'yo si Ms. Malto. Kanina pa po siya sa loob," sabi ni Ms. Frozt ng matapat ako sa table niya na nakapwesto sa labas ng CEO's Office kasama ang secretary ng asawa ko na si Ms. Felix.

"Bakit daw?" tanong ko.

Hindi na ako magtataka kung bakit nandito pa rin ang babaeng iyon sa kumpanya. She's now part of this company, hindi bilang kahalili ng ama niya kun'di bilang shareholder ng Buenavilla Empire because Papa accept her to be one of the shareholder noong siya ang nagpatakbo ng kumpanya at nasa leave naman ako dahil binabantayan ko si Jezelle na kapapanganak pa lang noon sa kambal. Hindi naman kami makaangal kay Papa dahil kahit itinake-over niya sa amin ni Jezelle ang kumpanya niya ay may karapatan pa rin siyang mamili kung sino ang tatanggapin niyang bahagi ng kumpanyang ipinatayo niya.

"Ibibigay niya raw po iyong report niya," sagot ni Ms. Frozt.

"Bakit hindi niya na lang iniwan ang report niya sa table ko para hindi siya naghihintay?"

"Sinabi ko na rin po iyan sa kanya kanina pero ang sabi niya po ay may i-discuss pa raw po siya sa 'yo."

"Okay, salamat." Tumango siya bago bumalik sa trabaho.

Pagpasok ako sa CEO's Office ay nakita ko si Celine na nakaupo sa upuan ng asawa ko habang may hawak na wine glass at paminsan-minsang sumisimsim ng wine roon habang mapang-akit na nakangiti at malagkit ang pagkakatingin sa akin pero binalewala ko iyon. Pumunta ako sa table ko at umupo.

"Sinong nagsabi sa 'yo na riyan ka umupo sa upuan ng asawa ko?" madiin at matalim ang tingin kong sabi sa kanya.

"No one said. I just want to sit here and feel this moment, the position I want and wish for a long time but never happened because you didn't wait for me. I want to feel this moment that I'm with you. I'm the one who helps you to run this company," mapang-akit na sabi niya habang nakangiti.

Tumayo siya at lumapit sa kinaroroonan ko. Nang nasa tapat ko na siya ay itinungkod niya ang dalawang kamay sa lamesa at bahagyang yumuko. Hindi ko maiwasan na hindi tignan ang malulusog niyang dibdib na sumilay sa lumihis nitong damit na may mahabang neckline sa bahagyang pagyuko niya na ikinalunok ko.

"A-Anong ginagawa mo?" napalunok na sabi ko nang mas yumuko at nilapit ang mukha niya sa mukha ko na ikinaatras ko.

"Balita ko ay hindi kayo makabuo ulit ng asawa mo. Bakit hindi mo i-try sa iba baka sakaling may mabuo?" nakangising mapang-akit niyang sabi sabay haplos sa pisngi ko na ikinatayo ko sa ginawa niya at lumayo sa kanya.

"A-Akin na ang report na ibibigay mo sa akin at sabihin mo na ang gusto mong sasabihin tungkol sa trabaho pagkatapos ay umalis ka na sa opisina. H-Hindi ako pumunta rito para makipaglandian o pagtaksilan ang asawa ko, porket hindi kami makabuo ay hindi iyon magiging dahilan para magloko ako. Ayokong magkaanak sa iba lalong lalo na sa 'yo dahil si Jezelle lang ang gusto kong maging ina ng mga anak ko," madiin kong sabi sa kanya at nilagpasan siya.

"Ganoon mo kamahal ang asawa mo?" sabi ni Celine sa hindi makapaniwalang tono na ikinalingon ko sa kanya na papalapit sa akin.

"Oo, kagaya ng sinabi ko sa 'yo noon. Hindi ako gagawa ng ikakasira ko sa asawa ko, ng tiwala niya sa akin at ng relasyon o pamilya namin na magiging dahilan para iwan niya ako. At ayoko rin masaktan ang loob ng mga anak ko kung sakali mang maghiwalay kami ng Mommy nila dahil mas higit na masasaktan at maapektuhan ang mga anak kapag naghiwalay ang mga magulang nila, na ayaw kong mangyari," seryosong sabi ko kay Celine na ngumisi lang sa akin pero hindi ko pinansin iyon.

Pagkalapit niya ay buong pwersa niya akong itinulak paupo sa sofa na nasa likod ko na ikinagulat ko at lalong nanlaki ang mga mata ko sa hindi ko inaasahang ginawa niyang pag-upo sa kandungan ko at biglaang paghalik niya sa akin ng marahas at mapusok. Ang isang kamay niya ay humaplos sa leeg ko papunta sa batok at ang isa naman ay pababa.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon