JEZELLE'S P.O.V.
PINAGMASDAN ako ng asawa ko habang naghihilamos ako ng mukha, hindi pa rin maalis ang pag-aalaga sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
“Hon, gusto mo bang dalhin kita sa hospital?” nag-aalalang tanong ng asawa ko na ikinailing ko bago ngumiti ng pilit sa kanya.
“Hindi na. Maayos lang ang pakiramdam ko, Hon. Normal lang daw ang paglilihi at pagduduwal sa umaga, sabi na rin ni Tita Elaiza sa text niya sa akin,” pangungumbinsi ko sa asawa kong napakunot ang noo habang nakatingin sa akin.
“Bakit parang mas matindi yata ngayon ang pagsusuka mo?” nakakunot ang noong tanong niya na ikinakibit-balikat ko.
“Hindi ko alam baka dahil kambal ang pinagbubuntis ko. Huwag ka nang mag-alala, Hon.” Napangiti siya bago lumapit sa akin para muling alalayan hanggang sa makarating uli kami sa kama dahil nahihilo pa rin ako.
“Sige na, mahiga ka muna.”
“Hindi na, anong oras na ba? Hindi pa ako nakakapag-luto ng agahan natin.”
“Hon, huwag mo ng isipin iyon.”
“Hon, baka ma-late ka. Hindi ako papasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko at para makapagpahinga ako. Sige na, baba na ako para makapagluto, mag-ayos ka na r'yan.” Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang kinikilos niya ngayon.
“Hindi na rin ako papasok ngayon, sasamahan kita rito sa mansyon,” seryosong sabi ng asawa ko na ikinailing ko.
“Hindi pwede, Hon. Paano ang mga meeting mo sa mga major investors? Hindi mo pwedeng hindi iyon puntahan dahil babagsak ang kumpanya lahat sila ay nag pull-out ng investment nila. Okay lang ako, parte ng pagbubuntis ko iyong ganito sa umaga,” pangungumbinsi ko sa kanya na nakatitig sa akin.
“Hindi rin ako mapapakali kapag pumasok ako ngayon tapos alam ko na gan'yan ang kalagayan mo. Sabi ni Tita Elaiza, mahihirapan ka sa unang trimester kaya ako nag-aalala, Hon,” mahabang sabi niya na ikinatingin ko sa asawa ko nang marinig ko ang huling sinabi niya.
“Nag-aalala ka talaga sa akin?” parang batang tanong ko sa asawa ko.
“Oo, bakit naman hindi? Lalo pa ngayon na magkakaanak na tayo. Hindi ako mapapakali kapag gan'yan iyong nararamdaman mo,” paliwanag ng asawa ko na ikinangiti ko at hindi ko mapigilan na yakapin siya.
“Alam ko nag-aalala ka sa akin pero okay lang ako, Hon. Baka nagpapansin lang sa ’yo ang babies natin,” nakangiting sabi ko habang nakayakap at nakatingin sa kanya na lumapad ang ngiti bago niya marahang hinaplos ang maliit na umbok kong tiyan.
“Tingin mo?” nakangiting tanong niya na ikinatango ko.
“Oo, pero okay lang ako. Nitong nakaraan nakakaramdam naman din ako ng ganito. Hindi naman nagtatagal at saka tuwing umaga lang sumusumpong.”
“Sigurado ka ba?” paniniguradong tanong ng asawa ko na ikinangiti ko bago tumango.
“Sigurado, kaya pumasok ka na sa opisina. Ipaghahanda kita ng almusal mo,” nakangiting sabi ko sa kanya. Ilang saglit akong pinatitigan ni Darrell bago siya tumango.
“Sige, ihahatid na kita sa baba,” sabi niya na ikinangiti ko.
“Sige.” Dahan-dahan niya akong inalalayan hanggang sa makarating kami sa kusina. “Anong gusto mong breakfast?” tanong ko.
“Pwede bang ikaw?” biro ng asawa ko kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.
“Darrell! Huwag mong idadahilan na gagawa tayo ng baby dahil mayroon na,” sabi ko sa kanya bago masama ang mga tingin na ipinukaw ko sa kanya na ikinatawa niya bago ako hinalikan sa noo.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...