JEZELLE'S P.O.V.
PUMUNTA kami sa locker room ng mga boys at binitawan na siya. Tumingin ako sa kanya at napangiwi nang makita na naman ang uniform niyang sobrang dumi. “Nasaan ang susi ng locker mo, at anong number?” tanong ko.
“Number 25 ang locker ko. At ito ang susi,” sabi niya sabay bigay sa akin ng susi.
Hinanap ko na ang locker niya. Parehas pa kami ng locker number kaso ang sa akin ay nasa kabilang locker room para sa mga babae. Nang mahanap ko ay agad kong binuksan. Agad kong kinuha ang isa niya pang uniform at nilock ulit. Lumapit ako sa kanya na sinisimulang tanggalin ang uniform niyang nadumihan.
“Tulungan na kitang magtanggal ng butones ng polo mo,” sabi ko. Napatingin naman siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. “Pero kung ayaw mo okay lang,” dagdag ko sabay abot ng bagong uniform niya.
“Sige, mukhang gusto mo ng gawin ang obligasyon mo bilang asawa sa akin, ha,” nakangising sabi niya sabay tawa. Napakagat ako sa ibabang labi ko bago ako lumapit sa kanya at sinimulan ang pagtatanggal ng butones ng uniform niya.
“Anong nakakatawa roon? Hindi biro ang pag-aasawa lalo na kung hindi n'yo naman mahal ang isa't isa,” pagsisingungaling ko. Kasi mahal ko siya simula ng una ko palang siyang nakita ng isama ako ni Kuya Jeremy sa mansyon nila noong birthday niya.
“Ikaw naman, masyado mo namang siniseryoso ang sinabi ko. Alam ko naman na hindi biro ang pag-aasawa, at saka sinusubukan naman nating mahalin ang isa't isa bago ang wedding, ‘di ba?” sabi niya na ikinatango ko lang.
Nang matanggal ko na ang butones ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. OMG! Six packs abs. Mukhang palaging nasa gym. Sarap siguro hawakan ng mga pandesal niya. Ano ba iyang iniisip mo, Jezelle? Napalunok ako at nag-iwas nang tingin. Bakit ba kasi naisipan ko pang ako ang magtanggal ng butones ng uniform niya? My gosh, Jezelle.
Napabalik ako sa realidad ng narinig ko ang malakas na tawa niya at ang paghawak niya sa baba ko para tumingin ako sa kanya. Sinamaan ko siya nang tingin.
“Bakit umiwas ka nang tingin? Pwede mo namang titigan nang matagal at hawakan ang katawan ko dahil...” napatigil siya sa sasabihin niya at mas nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko na ikinalunok ko nang maramdaman ang mainit na hininga niya sa balikat at leeg ko. “I'm yours, Jezelle, since the day you agreed to my parent wants to engage us,” pagpapatuloy niya at nilayo ang mukha niya sa akin.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil ramdam ko ang pang-iinit ng magkabilang pisngi ko. Sigurado akong pulang pula na ang magkabilang pisngi ko.
“M-Mag-uniform ka na nga,” utal kong sabi. Napakagat ulit ako sa ibabang labi ko.
Nabigla ako nang hawakan niya nang marahan ang pisngi ko. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin at ang alam ko na lang ngayon ay magkalapat na ang labi naming dalawa. Napapikit ako at dinama ang malambot na labi niyang nakadampi sa labi ko habang sumasabay sa malakas na pagtibok ng puso ko. Nang maghiwalay ang labi namin ay napamulat ako at napatingin sa asul niyang mga mata.
“Don't ever bite your beautiful and kissable red lips again, if you don't want me to kiss that again,” nakangising sabi niya bago lumayo sa akin at sinuot na ang bagong uniform niya. “Let's go, Hon,” sabi niya nang tapos na siyang magbutones ng uniform niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas na kami ng locker room. Nakatulala lang ako sa kanya habang marahan niyang hinihila ako hanggang sa maihatid niya ako sa classroom. Papasok na sana ako nang magsalita siya.
“See you tomorrow, Hon. Susunduin kita bukas sa mansyon n'yo para sabay tayong pumasok,” nakangiting sabi niya bago siya naglakad paalis.
Wala sa sariling naglakad ako papunta sa upuan ko habang nakahawak sa labi ko. Nang makarating ako sa upuan ko ay agad akong umupo at natulala na.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...