Chapter 49

196 1 1
                                    

A/N: Warning! This chapter contains of many spoilers in Our Playful Destiny, kwento iyon ng magulang ni Jezelle na sila Hazel at Jerome. Sisimulan ko na rin iyong editing ng OPD soon. Be aware, guys.

*****

THIRD PERSON'S P.O.V.

WEEKS LATER...

"CLARIZZA, pwede bang matanong kita?" tanong ng ina ni Jezelle na si Hazelyn sa balae na si Clarizza na ina ni Darrell.

"Ano iyon?" nakakunot ang noong tanong ni Clarizza.

Nasa sala ang dalawang babae kasama ang dalawang apong lalaki nila na naglalaro ng umagang iyon at katatapos lang nilang kumain ng agahan. Kasama rin nila ang asawa ni Hazelyn na si Jerome.

"Gusto kong malaman kung sino iyong babaeng nakaaway ng anak ko sa kumpanya? Nang subukan kong tanungin ang mga empleyado na nakakita, hindi nila ako inimikan o sinagot," seryosong sabi ni Hazelyn at kita sa asul nitong mata ang galit sa babaeng nakaaway ng anak na si Jezelle na naging sanhi para makunan ito at magka-depression.

Alam niyang hindi na siya pwedeng makialam sa buhay ng panganay na anak niyang kambal dahil may kanya-kanyang pamilya na ang mga anak. Pero nang malaman niyang may nakaaway na babae ang anak niyang si Jezelle na sinasabing babae ni Darrell dahil nahuli ng anak niya na may kahalikang iba ang asawa at nang makauwi ang dalawa ay nalaman niya mula sa katulong ng mag-asawa na nag-away pa ang dalawa bago dinugo si Jezelle. Hindi niya kayang maulit pa ang nangyari sa anak niya na halos mawala ito sa sarili sa pagkawala ng anak nito...na kahit hindi tumatawag si Darrell para balitaan siya sa nangyari kay Jezelle at binabalitaan naman siya ni Jeremy na kakambal ni Jezelle.

"Hon, anong gagawin mo at inaalam mo pa kung sino ang nakaaway ng anak mo?" sabi ni Jerome na naibaba ang hawak na dyaryo ng marinig ang tanong ng asawa sa balae nila.

"Well, magtatanggal lang ako ng anay na sisira sa magandang pagsasama ng mag-asawa dahil ang anay na iyon ay nakakasira ng isang magandang tahanan na kahit gaano pa kalalim ang pagkakabaon sa pundasyon kung may anay na sisira, masisira pa rin," makahulugang na sabi ni Hazelyn bago napatingin sa asawa. "Hindi mo naman siguro gugustuhin na magkaroon ang mga apo mong ito ng watak na pamilya, 'di ba?"

"Aisst, hayaan mong sina Darrell at Jezelle ang lumutas diyan. Problema nila iyang mag-asawa kaya sila dapat ang gumawa ng paraan para malutas ang problema nila," sabi ni Jerome kay Hazelyn na ikinaikot ng mga mata ng babae.

"Jusme, Jerome! Gusto mo pa yatang maulit ang nangyari sa anak mo at tuluyang mapunta sa mental institution. Hindi mo ba naisip na baka buntis na iyong anak mo pag-uwi nila rito tapos hahayaan mo pa na sila ang lumutas sa pagiging makati ng babaeng kumakalantarya sa asawa ng anak mo!" naiinis na sabi ni Hazelyn sa asawa at napahawak sa noo dahil parang naramdaman niyang pumintig iyon na malamang ay dahil sa stress.

"Hindi nga malabong mangyari na may laman na ang tiyan ni Jezelle. Dalawang buwan na silang nasa isla at ang alam ko ay malamig ang klima doon tuwing sasapit na ang dilim at possibleng... you know...the husband and wife thingy para painitin nila ang katawan ng isa't isa sa malamig na klima ng isla. Paniguradong pauwi na ang dalawang iyon," nakangiting sabi ni Clarizza at nahihirapan na banggitin ang ibig niyang sabihin dahil ayaw niyang magtanong ang dalawa apo niya na paniguradong mahihirapan silang magpaliwanag.

"Tama. Buti ka pa, Balae, alam ang pinupunto ko dahil hindi ko alam kung saan napunta ang talino ng asawa ko na dating third ranking sa buong university noong kapanahunan pero ngayon ay mukhang nawalan na sa paglipas ng panahon," napairap na sabi ni Hazelyn habang nakatingin kay Jerome na napailing lang bago bumalik sa pagbabasa ng dyaryo.

"Anyway, balik tayo sa tanong ko, Balae. Sino iyong babaeng kaaway ni Jezelle?" napaseryosong sabi ni Hazelyn na ikinangisi ni Jerome ng makita ang biglang pagbago ng awra ng asawa.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon