JEZELLE'S P.O.V.
KINABUKASAN...
“HON.” Napatingin ako sa asawa ko nang tawagin niya ako. Nakatapat sa bibig ko ang kutsara niyang may bacon at rice. Nakaramdam ako nang pagbaliktad ng sikmura ko nang maamoy ko ang bacon kaya napatakip ako sa bibig ko at dali-daling tumayo. Lumapit ako sa kitchen sink at nilabas ko lahat nang kinain ko kagabi.
“Hey! Are you alright?” tarantang tanong ng asawa ko at naramdaman ko ang marahang paghagod niya sa likod ko. Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa kanya dahil patuloy pa rin ako sa pagsuka.
Nang nailabas ko na lahat ng kinain ko ay pinunasan ko ang bibig ko gamit ang table napkin. Binigyan ako ng isang basong tubig ni Darrell na agad ko ring tinanggap at ininom para makabawi ng lakas dahil parang naubos ang lakas ko sa pagsusuka ko. Napakapit rin ako sa braso ng asawa ko nang maramdaman ko na parang umiikot ang paningin ko.
“Okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Pwede namang dito ka na lang sa mansyon at magpahinga,” nag-aalalang tanong ng asawa ko pero umiling ako.
Marami akong dapat gawin sa kumpanya, hindi ko pwedeng pabayaan dahil matatambakan ako ng trabaho sa susunod na araw.
“Okay lang ako. Hindi ko lang gusto ang amoy ng bacon,” sabi ko at pilit na ngumiti sa asawa ko.
“Buntis ka ba, anak?” nakangiting tanong ni Mama na ikinanlaki ng mga mata ko tapos nagkatinginan kami ni Darrell.
“P-Po?” nanlalaki ang mga matang sabi ko sa biyenan kong babae.
“Hindi ba't bacon ang palagi mong gustong kainin tuwing umaga pero ayaw mo ngayon dahil hindi mo gusto ang amoy. Isa sa mga sintomas ng pagbubuntis ay maselan ang pang-amoy, iyon ay ayon sa kapatid kong Ob-Gyne. Iyong nilapitan n'yo ni Darrell noong engagement n'yo na si Elaiza. So, bakit hindi kayo pumunta sa kanya ngayon at magpa-check up?” nakangiting sabi ni Mama at halata sa mukha niya ang excitement.
Gusto na talaga niya magkaapo.
“Baka may nakain lang akong hindi maganda o hindi lang ako natunawan, 'Ma,” sabi ko pero hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Mama.
Buntis na nga ba ako? Magkakaanak na kaya kami ni Darrell?
“Kayong bahala kung anong paniniwalaan n'yo. Pero ako, naniniwala akong may apo na akong nabubuo r'yan sa sinapupunan ni Jezelle base palang sa mga napapansin kong kakaiba sa kanya this past few days,” nakangiting sabi ni Mama bago bumalik sa pagkain at kita ko ang malapad na ngiting nakaguhit sa mukha niya at sa magana nitong pagkain.
“Magpapacheck-up tayo mamaya kay Tita Elaiza pagkatapos ng meeting para malaman natin kung totoo ang sinasabi ni Mama. Hmmm?” masuyong bulong ni Darrell na ikinatango ko. “Gusto mo bang pagkatapos na lang ng meeting tayo kumain?” tanong niya na ikinatango ko.
“Mabuti pa nga,” sagot ko bago napatakip sa ilong ko dahil naamoy ko ulit ang hindi kaaya-ayang amoy ng bacon.
“'Ma, 'Pa, alis na po kami. Sa opisina na lang kami kakain,” paalam ng asawa ko sa magulang niya. Bumeso ako kanila Mama at Papa na nakangiti sa akin at sinabihan pa akong mag-ingat. Pagkatapos ay dali-dali akong lumabas ng kusina dahil kaunti na lang ay masusuka na naman ako sa amoy ng bacon.
*****
PAGKARATING sa kumpanya ay nakaramdam ako nang pag-ikot ng paningin habang tinatahak namin ng asawa ko ang hallway papunta sa conference room na paggaganapan ng meeting kaya napakapit ako nang mahigpit sa kamay ni Darrell dahil baka anumang oras ay matumba ako. Pagpasok sa conference room ay agad akong umupo sa upuan ko at napapikit na napahawak sa sentido ko para bahagyang hilutin iyon.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...