DARRELL'S P.O.V.
DAYS LATER...
“HON, pinag-aalala mo naman ako,” nag-aalalang sabi ko sa asawa ko habang nasa malayo dahil hindi ako makalapit sa kanya.
“Hon, huwag ka muna lalapit, please. Naduduwal talaga ako sa amoy mo,” naluluhang pakiusap niya.
“Hon, maliligo ako ulit kahit sampung beses sa isang araw kahit hindi naman ako mabaho. Papaano kasi kita maaalagaan kung ayaw mo akong lumapit sa ’yo?” nag-aalalang sabi ko sa kanya.
Sobrang sama talaga ng pakiramdam niya. Hindi siya makatayo dahil parang umiikot daw ang paningin niya. Ayoko na rin siyang patayuin dahil ilang beses na siyang nawalan ng malay kanina. Hindi rin ako nakatabi sa kanya matulog at ilang gabi na akong sa sahig natutulog para lang mabantayan siya.
“Hon,” muli kong tawag sa kanya pagkatapos ay akmang lalapit sa kanya ng muli siyang maduwal sa trash can na nakahanda sa gilid ng kama.
“Hon, please, papahapuin ko muna. Mamaya na lang, please,” naluluhang pakiusap niya at napahawak sa mukha niya bago napahikbi. Kita ko ang paghihirap sa mukha niya. “Ito na yata ang pinakamatinding paglilihi ko. Sobrang hirap, hindi naman ako ganito noong buntis ako sa kambal,” naluluhang sabi niya.
“Kaya nga mas nag-aalala ako, lalo pa na hindi ka pa nagpapa-check-up.”
Simula kasi nang mag-pregnancy test siya at nalaman namin na nagdadalang-tao siya naging ganito na ang paglilihi niya. Kaya hindi rin kami makapunta sa clinic ni Tita Elaiza sa hospital kasi ni-hindi ako makalapit sa kanya.
“Mas lalong gusto kitang dalhin kay Tita Elaiza, Hon. Nag-aalala na talaga ako,” nag-aalalang sabi ko sa asawa ko.
“Papahupain ko muna. Sige na, please, labas ka muna. Hindi ko kaya iyong amoy mo.”
Napabagsak ako ng balikat bago lumabas ng kwarto. Ayoko talaga siyang iwan pero hindi ako makakapayag na lilipas ang araw na 'to na hindi pa rin ako nakakalapit sa asawa ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan na lang si Tita Elaiza.
“Hello, Tita Elaiza?”
“Oh, napatawag ka, Darrell?” Nahihimigan ang pagtataka sa boses ni Tita Elaiza sa kabilang linya.
“Pwede ka po bang pumunta rito sa mansyon? Buntis po kasi si Jezelle ngayon, hindi ko siya maidala sa clinic mo dahil hindi po ako makalapit sa kanya. Gusto ko kasi siyang ipa-check-up.”
“Okay, I'll be there any moment now.” Pagkababa ng tawag ay umupo muna ako rito sa sofa ng living room habang hinihintay si Tita Elaiza.
Ilang saglit lang ay dumating na si Tita Elaiza kaya agad akong lumapit sa kanya na may kasamang lalaki na may dalang malaking bag na mukhang mga gamit.
“Nasaan na si Jezelle? Kumusta na siya?” nag-aalalang tanong ni Tita Elaiza.
“Nasa kwarto po sa taas. Naglilihi po kasi siya at hindi ako makalapit.”
Pagkarating sa taas ay agad kong binuksan ang pintuan ng kwarto at nakita ang asawa ko na nakabaluktot.
“Hon?” tawag ko na ikinalingon niya. “Hon, nandito na si Tita Elaiza. Titignan ka niya para maging okay ang kalagayan n'yo ni Baby.”
Umayos ng higa si Jezelle kaya dali-dali akong lumapit sa kanya at inalalayan siyang maupo sa kama pero agad siyang sumenyas kaya inabot ko ang trash can para roon siya sumuka.
“Hon?”
“Layo muna please, Hon,” sabi niya at tinignan niya ako.
“I'm sorry.” Agad akong lumayo at tumayo lang sa isang sulok habang si Tita Elaiza ay inaayos ang mga gagamitin niya. “Tita, gan'yan siya. Hindi ako makalapit kasi nasusuka siya sa amoy ko,” sabi ko kay Tita Elaiza na napatango habang may hinahanap sa gamit na dala niya. Nang makita niya ito ay binigay niya iyon sa asawa ko at pinaamoy.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomansaSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...