Last Chapter

412 5 2
                                    

JEZELLE'S P.O.V.

WALA akong tigil sa pag-iyak habang inaalo ako ni Kuya Jeremy na katabi ko ritong nakaupo sa waiting area. Nasa labas kami ngayon ng operating room at nasa loob n'yon si Darrell, kasama ko rito sina Mom, Dad, Mama at Papa. Bakas sa mukha ang pag-aalala nila lalo na sina Mama at Papa na alam kong sobra-sobra ang pag-aalala sa nag-iisa na lang na anak nilang nasa loob ng operating room.

“Sis, tahan na. Tama na sa pag-iyak.” Umiling ako habang umiiyak sa balikat ng kakambal ko. Niyakap niya ako habang patuloy pa rin sa pag-aalo sa akin. “Sis, tumahan ka. Magiging okay rin ang asawa mo.”

Agad akong napatayo at napapunas sa luha ko nang makita kong lumabas ang doctor mula sa loob ng operating room. Agad akong lumapit sa doctor, naramdaman ko sina Kuya Jeremy sa likod.

“Doc, kumusta ang asawa ko?” nag-aalalang tanong ko. Bakas sa mukha ng doctor na hindi maganda ang sasabihin niya pero hindi ako naniniwala hangga't hindi nanggagaling sa bibig niya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito bago nagsalita.

“I'm sorry. Ginawa na namin ang lahat pero hindi niya talaga kinayang lumaban. I'm sorry for your loss. He's dead. Malalim ang naging tama ng bala sa kanyang puso. I'm sorry, Mrs. Buenavilla,”

Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko dahilan nang maslalong ikinabuhos ng mga luha ko. Nanghihina ang tuhod ko buti na lang ay nasa likod ko si Kuya Jeremy kaya naagapan niya ang pagbagsak. Lalo kong narinig ang paghagulgol sa iyak ni Mama.

“Doc, t-tell me you're kidding, right? B-Buhay pa ang asawa ko, 'di ba? B-Buhay pa siya, 'di ba? Nagbibiro ka lang!” naluluhang hindi naniniwalang tanong ko sa doctor habang patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko.

“I'm sorry, Mrs. Buenavilla. But I'm telling the truth. Your husband is now dead. Wala na kaming magagawa pa.”

“Hindi! Hindi pa siya patay! Hindi pa! Buhay siya! Doctor ka kaya gawin mo ang lahat para mabuhay ang asawa ko! Doctor ka kaya huwag kang magbiro nang ganyan dahil hindi nakakatuwa!” umiiyak na napalakas na sabi ko sa doctor at akmang lalapit ako rito para mas komprontahin siya nang bigla na lang akong nakaramdam ng sobrang sakit sa may bandang puson ko.

“K-Kuya! Ang sakit! Ang sakit---Ahhhhhhhhh!” Hindi ko napigilang mapasigaw ng sumidhi ang sobrang sakit sa puson ko kasabay n'yon ay may naramdaman akong likidong lumabas sa ibabang parte ng katawan ko.

“A-Anong nangyayari sa 'yo, Sis? Saan masakit?” natarantang tanong ni Kuya Jeremy sa akin habang nagpapalit-palit ang tingin nito sa mukha kong nalamukos na dahil sa sakit at sa tiyan kong hawak ko. Nataranta na rin sina Mom, Dad, Papa at si Mama na napatigil sa pag-iyak.

“OMG! Dinudugo ka, Jezelle,” sabi ni Mom at itinuro ang pagitan ng mga hita ko.

Sabay kaming napatingin doon ni Kuya Jeremy at nanlaki ang mga mata. Tama, may dugo ngang umaagos at kitang-kita iyon dahil naka-dress ako na kulay puti. Naluluhang napatingin ako kay Kuya Jeremy nang kumabog ang dibdib ko dahil sa matinding kaba. Agad akong binuhat ni Kuya Jeremy habang nakasunod sa amin sina Mom.

“Ahhhhh! Ang sakit!!” daing ko habang lumuluha, alam ko ang ibig sabihin nito.

Ngayon ko lang ring naalala na buntis pala ako. Ayokong pati ang baby ko ay mawala sa akin.

“You will be okay, Sis! Dadalin ka namin sa emergency room. Relax lang!” pagpapakalma ni Kuya Jeremy sa akin pero nakikita ko na natataranta na rin siya at alam kong alam niya rin kung anong nangyayari sa akin.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon