JEZELLE'S P.O.V.
YEARS AFTER...
BUNGISNGIS ng tatlong bata ang maririnig sa pool area kung saan nag-enjoy ang mga ito sa paglangoy. Si Jezrell at Jezren ay pabalik-balik ng lumalangoy na tila nag-uunahan pa papunta sa daddy nila. Marunong lumangoy ang kambal kahit wala silang suot na lifevest. Baby pa lang kasi silang dalawa ay nakitaan na naming mag-asawa na mahilig mag-swimming ang dalawa kaya tinuruan ni Darrell ang kambal.
“Tito Daddy, I'm scared.” Yumakap si Zhavia sa tiyuhin niya na ngayon ay hawak-hawak siya. Tinuturuan ni Darrell si Zhavia na lumangoy habang ang kambal ay nag-cheer sa pinsan nila.
Yes, nandito sa mansyon si Zhavia. Siya muna kasi ang baby girl namin ni Darrell dahil wala pa akong balak na sundan ang kambal. Madali na lang namin siya nakukuha o nahihiram kay Kuya Jeremy dahil nagpagawa si Kuya Jeremy ng bagong bahay or mansyon sa tabi nitong sa amin na pinagawa ni Darrell. Ang sabi ni Kuya Jeremy, mas gusto niya raw na malapit lang sa amin ang mansyon nila para madali na lang daw niyang mahihiram ang kambal. Last year lang sila lumapit sa pinagawang mansyon ni Kuya Jeremy, Anniversary gift niya iyon kay Kaila. And nasa hospital sina Kuya Jeremy at Kaila ngayon dahil sumakit kanina ang tiyan ni Kaila. Kapapanganak lang ni Kaila kanina sa second born nila ni Kuya Jeremy. Baby boy ang gender ng pamangkin ko at kamukhang-kamukha nga ni Kuya Jeremy ang baby nila na parang carbon-copy niya noong baby pa kami. Nag-send sa akin si Kuya Jeremy kanina ng picture ng baby boy nila ni Kaila dahil mamaya pa kami nakakapunta sa hospital.
“You can do it, Baby.” nakangiting sabi ng asawa ko bago hinalikan ang kamay ni Zhavia.
“Come on, Ate Zhavia! You can do it!”
“Yes! Ate Zhavia! You can do it!”
“Come here.” Inalalayan ng asawako si Zhavia na nay suot na floaters kaya hindi ito lulubog. Natatakot kasi siya na bitawan siya ng tito niya. Kaya nang nagkaroon siya ng lakas ng loob na subukan na bumitaw sa Tito Daddy niya ay lumapad ang ngiti ko habang pinagmamasadan ang mag-aama ko at pamangkin ko.
“Yes! That's my pretty niece!” nakangiting sigaw ni Darrell nang mag-umpisang lumangoy si Zhavia at pumunta sa dalawang pinsan na nag-aabang sa kanya sa kabilang dulo ng pool.
“Yey! Good girl!” masiglang sabi ni Darrell bago niyakap si Zhavia nang makalapit siya sa batang babae.
“Again, Tito Daddy! Again! This is so fun!” magiliw na sabi ni Zhavia kaya muling pumwesto ang kambal sa kabilang dulo ng pool para abangan ang pinsan nila na lumangoy papunta uli sa kanila. Pagkatapos ay pinagkukumpulan nilang tatlo si Darrell na parang walang kahirap-hirap niya namang kinarga niya ang tatlong bata habang sa kanya lang nakakapit ang mga ito.
“Babies! Huwag masyadong pagkumpulan si Daddy baka malunod si Daddy niyan!” sigaw ko bago inilapag ang binake kong cookies para sa kanila.
“Sorry, Daddy,” sabay na sabi ng kambal.
“It's okay. Kayang-kaya kayo ni Daddy... Sus! Ako pa.” Nagkatitigan kami at kapwa napangiti. “Isali niya pa si Mommy!” pagyayabang niya pa kaya sinigkitan ko siya nang tingin.
“Mommy, sali ka sa amin!” masiglang sabi ni Jezrell na minsan lang kung ngumiti dahil nakuha niya ang pagiging seryoso lagi sa Dadilo niya na si Dad.
“Na'ko! Malamig ang tubig saka hindi nakapang-swimming attire si Mommy--” Natigilan ako nang umahon si Darrell sa poll habang hindi inaalis ang tingin sa akin at may pilyong ngiti sa kanyang labi. “Hon?! Teka, isa--” Nagsimula akong tumakbo at hinabol ako ni Darrell paikot sa pool habang tumatawa ang mga bata.
“Sali ka na kasi, Mommy.”
“Ayaw mong magpahuli, ah?” nakangising sabi ni Darrell pagkatapos ay para kaming nagpapatentero sa paligid ng pool.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...