Chapter 39

183 6 1
                                    

JEZELLE'S P.O.V.

MONTH PASSED...

"ANAK, magpatulog naman kayo," bulong ko habang hinahaplos ang malaking tiyan ko. Kanina pa ako pabaling-baling para makatulog pero maya-maya rin ay nagigising ako dahil sa malikot na paggalaw ng babies ko at paminsan-minsang sumisipa. Masakit pa naman na ang sipa nila. Kaya napaupo na lang ako sa kama at napalingon sa asawa kong mahimbing na natutulog sa tabi ko.

"Hon." Tinapik ko ang balikat niya. "Hon, gising ka muna, please." Agad na nagising ang asawa ko nang marinig ang boses ko. Napabalikwas siya nang makita na nakaupo ako sa kama at nakangiwi.

"Bakit? Anong problema?" Napahaplos ako sa malaking tiyan ko pagkatapos ay napangiwi kaya mas lalong nag-alala ang mukha ni Darrell. "May masakit ba sa 'yo? Punta na tayo ng hospital."

"Hindi, okay lang ako, Hon. Hindi lang ako matulog kasi sobrang likot nila sa loob ko." Sumilay ang ngiti sa gwapong mukha ng asawa ko.

"Makulit?" Maski siya ay hinawakan ang tiyan ko at hinimas iyon. Agad ko namang naramdaman ang paglilikot ng mga anak ko sa loob ng tiyan ko dahil bumubukol pa iyon. Napaawang ang bibig ko nang makita na bumabakat pa ang mga paa ng mga ito sa tiyan ko. Nakasuot lang kasi ako ng croptop dahil doon ako mas komportable kaya lantad ang malaking tiyan ko.

"Susko! Para silang nagrarambulan sa loob."

"Ilang gabi na silang gan'yan, ha?"

"Ang kulit nga nila, sobra. Para silang nagbubugbugan sa loob. Ayaw nila akong patulugin," nakasimangot na sabi ko sa asawa ko na mas lalong ikinangiti nito.

"Na'ko! Mukhang makulit iyang dalawang iyan." Napangiti ako.

"Ngayon palang parang nararamdaman ko na kung sino ang pinakamakulit sa anak natin. Maghanda ka na."

"Ready-ng ready na." Natawa siya bago niya ako hinapit palapit sa kanya. "Saan banda ang masakit? Nang masaway ko na ngayon pa lang."

"Dito, oh." Napalabi ako pagkatapos ay tinuro ang kaliwang tagiliran ko na may umuumbok at sunod-sunod ang sipa.

"Dito?" Tumango ako ng tumapat ang palad niya sa itinuro ko sa tagiliran ko bago niya mahinang tinapik iyon. "Oy, awat na iyan. Kawawa naman si Mommy, nasasaktan sa kulit n'yo. Saka na kayo magrambulan kapag nakalabas na kayo." Hinaplos-halos iyon at muli akong nakaramdam ng iilang sipa sa loob. "Aba! Aba! Lumalaban, ah." Natawa ako at hinaplos ko rin ang tiyan ko. Parehas naming hinaplos ang tiyan ko. Si Darrell ay parang nakipaglaro pa sa kambal at mahinang tinapik-tapik ang mga nakaumbok na paa o siko ng dalawa.

"Hon, samahan mo ako sa baba. Iinom ako ng tubig saka nagugutom na rin ako."

"Iyon lang pala," nakangiting sabi niya bago bumaba sa kama. Pumunta siya sa gilid ko inalalayang ibaba sa kama ang namamanas kong mga paa. Saglit na yumuko ang asawa ko para makayakap sa akin at maitayo ako.

"Pati pagtayo ko, sweet pa rin. Thank you, Hon," nakangiting sabi ko pagkatayo ko na ikinangiti ng asawa ko.

"Magiging sweet ako sa 'yo hanggang magsawa ka," nakangiting sabi niya na ikinailing ko pero mas ngiti sa aking labi. Humawak siya sa bewang ko at inalalayan ako sa paglalakad.

"Hindi ako magsasawa sa 'yo, Hon."

Dahil sa laki ng tiyan ko ay hirap talaga ako sa paglalakad dahil mabigat na ang kambal at idagdag pa na minamanas ang mga paa ko dahil kabuwanan ko na rin kaya laging nakabantay ang asawa ko sa akin at dito lang sa mansyon palagi para samahan ako.

Inalalayan niya ako na bumaba ng hagdan. Agad din niya akong payakap na iniupo sa upuan na nilagyan niya pa ng cusion para hindi ako masaktan na ikinangiti ko dahil sa pagiging protective ng asawa ko sa akin.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon