JEZELLE'S P.O.V.
“JEZELLE?” nag-aalalang sambit ng asawa ko sa pangalan ko pagpasok ko sa opisina bago dali-daling lumapit sa akin.
“Muntik na akong madulas, Hon.” sabi ko sa asawa ko.
“Ano?” nagtatakang tanong ng asawa ko bago niya ako tinignan mula ulo hanggang paa.
Kanina pa hindi humuhupa ang kaba ko at parang nanlalambot pa rin ang mga binti ko at nanlalamig ang kamay ko dahil sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling natuloy ang pagdulas ko at mapaano ang mga pinagbubuntis ko.
“Muntik na akong madulas.”
“Anong nangyari? Anong muntik ka nang madulas?”
“Naglakad-lakad lang ako sa pasilyo nitong kumpanya tapos basa ang sahig tapos nadulas ako.”
“Ano? Saan ang bumagsak sa 'yo? Dadalhin kita sa hospital,” nag-aalalang sabi ng asawa ko at hinawakan ang kamay ko at akmang lalabas kami ng opisina nang pigilan ko siya. Umiling ako bago ko siya niyakap.
“Okay lang ako. Hindi ako bumagsak sa sahig, medyo kinabahan lang ako.”
“Aisst, dadalhin kita sa hospital.” Pinakatitigan ko siya bago umiling.
“Okay lang ako. Mabuti na lang may tumulong sa akin. Sinalo niya ako kaya hindi ako bumagsak.”
“Sino?” nakakunot ang noong tanong niya.
“Si Jarrett Dela Cruz. Isa raw siya sa mga new investors nitong kumpanya.” Niyakap niya ako nang mahigpit bago niya ako hinalikan sa noo.
“Akala ko nadulas ka talaga, nag-alala ako.”
“Okay lang ako,” Hinaplos ko ang mukha niya pagkahiwalay namin sa yakap. “Ikaw? Kumusta? Tapos na ang meeting n'yo?” Tumango siya pagkatapos ay inalalayan niya akong maupo sa couch dito sa loob ng opisina.
“Oo, maagang natapos. Kailangan ko lang pumayag sa gusto nila.”
“Ano naman 'yon?”
“Kailangan kong sumama sa business trip sa Canada, isang buwan rin 'yon.” Bigla akong nakaramdam nang lungkot sa sinabi niya.
“Aalis ka?” malungkot kong sabi at pakiramdam ko babalik ang anxiety disorder ko kapag umalis siya.
“Tayo,” nakangiti niyang saad na ikinakunot ng noo ko.
“Tayo?” nagtatakang tanong ko.
“Oo, kasi isasama kita, hindi pwedeng hindi dahil baka bumalik ang anxiety disorder na hindi pwede dahil makakasama sa mga anak natin na pinagbubuntis mo.” Tumango akk sa kanya bago siya niyakap.
*****
DARRELL’S P.O.V
“I WANT you to prepare everything, lahat nang kakailanganin namin. Isasama ko ang asawa ko, Ms. Frozt, hindi pwedeng hindi,” seryosong sabi ko sa secretary kong si Ms. Frozt na kausap ko sa kabilang linya.
“Don't worry, Mr. Buenavilla. Ako na ang bahala sa lahat. Okay na rin ang private plane, then nakausap ko na rin ang staff natin sa Canada, sinisigurado ko po na magiging comfortable kayo ni Mrs. Buenavilla sa tutuluyan n'yo,” sabi ni Ms. Frozt sa kabilang linya na ikinangiti ko pagkatapos ay napatingin kay Jezelle na nag-aayos ng gamit namin.
“Thank you, Ms. Frozt.”
“Anything for you, Mr. Buenavilla.”
“And also don't forget the documents for the presentation.”
“Yes, Mr. Buenavilla. Okay na ang lahat at naayos ko rin na po.” Napatango ako kahit hindi niya ako nakikita. Kahit kailan talaga ay maaasahan ko si Ms. Frozt.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...