A/N: Ito na talaga ang totoong ending o pagtatapos. Huwag kayong magalit sa akin. Sorry na, hahaha. Gusto ko lang malaman kung magaling ba akong magpaiyak o magaling ba akong magsulat ng nakakaiyak na scene?
Enjoy reading, guys. Be happy sa ending.
*****
THIRD PERSON’S P.O.V.
YEARS LATER...
NANGINGINIG pa ang kamay ni Jezelle habang hawak ang kamay ng bunsong anak. Mahigit dalawang taong gulang na ngayon ang bunsong anak nilang babae ni Darrell na pinangalanang Keirsten Daizelle. Ang tanging maririnig lamang sa paglalakad nila ay ang pagtunog ng lagaslas ng mga dahon sa mga puno dahil sa biglaang paglakas ng ihip ng hangin. Naririnig din sa paligid ang takong ng sandals ng mag-ina na tumatama sa marble na sahig habang naglalakad ang mga ito. Everything is at peace, kagaya na lamang ng kadalasang lugar ng isang sementeryo.
Inilapag ni Jezelle ang dalang basket ng bulaklak. Bumuntong-hininga siya para pakalmahin ang kanyang sarili dahil sa emosyong nabubuo sa dibdib niya. Hanggang ngayon ay nag-aalinlangan pa rin siya na dumalaw sa lugar na iyon. Hindi pa siya handa at kulang pa siya ng lakas ng loob. Malaking bahagi pa rin niya ang nasasaktan dahil sa nangyari nang araw na iyon.
“Mommy! Ano? Who?” nakakunot ang noong tanong ni Keirsten sa inang si Jezelle. Ang tinutukoy ng batang babae ay ang tinitignan na puntod ng ina. May pait sa labi na ngumiti si Jezelle sa anak bago bahagyang ginulo ang buhok nito. Umupo siya para makapantay ang tangkad ni Keirsten.
“Special people in our life, Baby.” Tinitignan si Jezelle ang anak. Waring nagtatanong itong nakatingin sa kanya.
Naninikip ang dibdib ni Jezelle habang pinapaliwanag ang lahat rito. Ramdam niya na hindi pa naiintindihan ni Keirsten ang kanyang pinagsasabi dahil napakabata pa nito para maintindihan ang lahat, pero kailangan niya lamang ng taong makakausap para kahit papaano ay mailabas niya ang sakit na nararamdaman niya kahit ilang taon na ang nakalipas ng maganap ang araw na iyon. Wala si Darrell para gawin iyon.
“Don't cry, Mommy. Not a baby anymore.” inosenteng sabi ni Keirsten. Iginalaw-galaw pa ng batang babae ang hintuturo na tila ba pinagbabantaan ang ina. Nakangiting tumango-tango si Jezelle bago niyakap ang anak. Sa ngayon, ito lang ang karamay niya dahil nasa eskwelahan ang kambal at si Keira.
“I know. Mommy's just feeling so emotional now. Ang tagal ko ng hindi nakakadalaw rito.” wika ni Jezelle saka tinignan muli ang mga puntod. Nagdasal siya. Naninikip pa rin ang kanyang dibdib habang ginagawa iyon. Ganoon pa man, iyon ang alam niyang nararapat na gawin. Nang matapos magdasal ay sandaling nanatili pa sila ni Keirsten.
“Sorry kung ngayon lang ako... kami nakadalaw sa 'yo. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang biglaang pagkawala mo sa amin. But always remember this, nawala ka man sa amin at hindi ka man namin makakasama pa ng matagal ay mananatili ka rito sa puso namin magpakailan man. Habambuhay kitang mamahalin at pasasalamatan. Naging ganito ako dahil sa 'yo. Naging matatag ako dahil sa 'yo. Hinding-hindi kita makakalimutin at mananatili ka sa puso't-isip ko hanggang sa huling hininga ng buhay ko. Alam kong masaya ka na ngayon kung nasaan ka man. Rest in peace, my love.” Pinunasan ni Jezelle ang luhang tumulo sa mga mata niya.
"Anak, mahal na mahal ka ni Mommy," ang bulong ni Jezelle sa kawalan habang nakapikit at dinama ang biglang paglakas ng hangin.
Napagdesisiyunan ni Jezelle na umalis dahil may kailangan pa silang puntahan.
“Daddy?” wika ni Keirsten nang i-seatbelt ni Jezelle ang kinauupuan nito na babyseater na nasa backseat. Bawal kasi ang bata sa frontseat.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is well-known throughout the country as the CEO and daughter of an affluent an...
![BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/226765969-64-k596903.jpg)