JEZELLE'S P.O.V.
PAGKARATING sa harap ng pintuan ng office ay agad na binuksan ng secretary ko ang pinto. Bago ako pumasok ay kinuha ko na sa kanya ang bag at pumasok na ako sa loob.
“HAHAHA! Hindi mo ako maloloko, Darrell, hindi mo pa rin ako makukumbinsi na hindi ka matutukso sa akin? Pwede pa naman natin ayusin. Pwede pa naman tayong magkabalikan kasi gusto ko na maibalik iyong dati... Mahal pa rin kita, Darrell,” rinig kong sabi ng babaeng boses pagpasok ko. Nakita kong may kasamang babae si Darrell dito sa loob ng office at pareho silang nakaupo sa couch ng mini living room nitong office namin at magkaharap na nag-uusap.
“Darrell?” sambit ko sa pangalan ng asawa ko. Sabay silang napalingon ng babae sa gawi ko. Sino ang babaeng ito? Bakit niya sinabi na mahal niya pa rin si Darrell? Bakit niya sinabi na pwede pa silang magkabalikan para maibalik ang dati? At bakit parang pamilyar sa akin ang mukha niya? Parang nakita ko na siya, pero hindi ko alam kung saan.
“Jezelle?” Lumapit si Darrell sa akin pero tinignan ko lang siya at pilit na ngumiti.
“Ahmmm, may dala akong pagkain para sa 'yo. Iiwan ko na lang muna. Sige, una na ako,” sabi ko at akmang aalis na ako nang lumapit ang babae sa akin at kinuha ang dala-dala kong bag.
“Oh! wait, ang bait naman ng secretary mo, Darrell. Dinadalhan ka pa talaga ng pagkain dito.” Tinapik nito ang balikat ko tapos ay tinuon niya ang pansin sa pagkain na dala ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkainsulto at pag-iinit ng ulo nang sabihin niya akong 'secretary' ni Darrell. “Mukhang masarap, ha! And it smells like Caldereta. It's Darrell's favorite, alam mo ba? Thank you, ha,” nakangiting sabi ng babae.
Napatikom ako ng bibig pagkatapos ay napahimas ako sa malaking tiyan ko. Alam kong tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa. Dahil sa ginawa niyang pagtingin sa akin ay mapatikom ko ang isang palad ko na nakatago sa likod ko.
“Oh, I forgot to introduce myself. Baka kasi magtaka ka kung bakit nandito ako ngayon. My name is Celine Malto, Darrell's ex.” Lumapit pa ito sa asawa ko at kumapit sa braso nito pagkatapos ay itinanday ang ulo sa balikat ni Darrell na nakatingin sa akin. “Pero hindi mo lang ako ex, 'di ba? First love mo rin ako, 'di ba?”
Nang hindi ko na makayanan pang pigilan ang pag-iinit ng ulo ko ay agad akong lumapit sa babaeng nagngangalang Celine at sinasabing first love ng asawa ko. Agad kong hinila ng mahigpit ang buhok niya na ikinasigaw niya. Lalo kong hinigpitan ng pagkakahawak ko sa buhok niya.
“Wala akong pakialam kung ikaw ang first love ng asawa ko. Ex ka lang niya, wala ka nang karapatang lumapit sa kanya dahil asawa ko siya. Naiintindihan mo ako, ASAWA KO SIYA! At alam mo ba ang pinaka-ayaw na ayaw ko sa lahat, ang mga babaeng ahas na katulad mo na todo makakapit at lingkis nang lingkis sa asawa ko! At isa pa, hindi ako secretary ni Darrell. At lalong hindi lang ako basta asawa lang niya. I'm Jezelle Khaye Calliego-Buenavilla, kayang-kaya kong pabagsakin ang kumpanya n'yo at sa putikan na kayo pupulutin,” galit at nanggigigil kong sabi habang mas hinihigpitan ang pagkakasabunot sa kanya at hinihila pababa na mas lalong ikinasigaw niya.
“Hon, tama na!” awat ni Darrell sa akin. Pabalag kong binitawan ang buhok ng babaeng ahas na ex ng asawa ko at parang aping-api ang itsura niya at nakuha pa akong tignan nang masama na ikinataas ng isang kilay ko. Anong ako niya sa akin masisindak niya ako sa masamang pagkakatingin niya sa akin? Tibay rin ng isang ito, hindi man lang naiyak dahil sa higpit nang pagkakasabunot ko sa kanya.
“Pasalamat ka dahil buntis ako at inaalala ko ang buhay ng mga anak ko kung hindi ay baka kung ano ang magawa ko sa 'yo. Hindi lang basta sabunot ang aabutin mo sa akin kung nagkataon na hindi ako buntis at nahuli kitang kinakalantarya mo ang asawa ko! Tsk, isang lapit mo pa sa asawa ko ay siguradong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo! Tandaan mo, wala man ako rito pero maraming mata ang nakatingin sa 'yo! At palagi mong tatandaan o itatak sa makitid mong pag-iisip kung sino ang kinakalaban dahil walang sinuman ang gustong kumalaban sa akin, iba ako maging kalaban.” galit at makahulugan kong banta sa kanya.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...