DARRELL'S P.O.V.
"T*NG*NA!" Mabilis akong napatakbo palabas ng mansyon. Umaasa na maabutan ko pa siya. "Jezelle," tawag ko nagbabakasakali na maririnig niya ako...na baka sakaling mapapansin pa ako ng asawa ko at mapigilan ko pa siya.
Please, Hon, huwag mong gawin 'to. Huwag mo kaming iwan ng mga anak mo. Please, parang awa mo na. Huwag, Jezelle. Hindi ko na kakayanin kung aalis ka. Parang awa mo na. Maaayos natin 'to. Hindi mo kailangan lumayo.
Paulit-ulit kong sabi sa isipan ko pagkatapos ay lumabas ng gate. Pero iyon na lamang ang pagkalaglag ng puso ko ng makita ko ang asawa ko na nakayuko sa labas ng gate, umiiyak habang nasa gilid nito ang maleta niya. Napabuntong-hininga ako pagkatapos ay dahan-dahan na nilapitan siya.
"Hon." Nag-angat siya nang tingin sa akin at humikbi. "Talagang iiwan mo ako?" nasasaktang sabi ko at pinakatitigan ang asawa ko. "Iiwan mo kami ng mga bata?"
"H-Hindi." Napahagulgol siya pagkatapos ay tumayo at hinapit ako ng yakap. "Hindi ko kaya. I'm sorry," umiiyak na sabi niya sabay dinampian ng halik ang labi ko. "I'm sorry, hindi ko na alam ang ginagawa ko."
"I'm sorry. I'm so sorry," paulit-ulit niyang binigkas iyan habang mahigpit ang yakap sa akin. "Hindi ko pala kaya. Mas masakit pala ito. Mas masakit ngayon na parang mamamatay ako. I'm so sorry."
Hinapit ko siya ng yakap. Hindi ko alam kung gaano katagal iyon basta isa lang ang alam ko ayokong bitawan namin ang isa't isa. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko pero mabilis ko iyong pinahid bago hinarap uli ang asawa ko. Patuloy siyang humihikbi kaya sinapo ko ang mukha niya pagkatapos ay pinahid ang mga luha niya.
"Huwag mo na itong gagawin ulit. Akala ko umalis ka talaga. Akala ko iniwan mo na kami." Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak kaya hinawakan ko ang mukha niya at itinapat sa akin para titigan niya ako sa mata. "Ipangako mo na hindi mo na iyon gagawin, hindi ka na aalis. Jezelle, ipangako mo." Tumango siya.
"P-Pangako," Muli ko siyang hinapit ng yakap pagkatapos ay dinampian ng halik sa ulo.
"Huwag mo na ako ulit tatakutin ng ganoon, Hon."
"I'm sorry." Niyakap ko siya para maibsan ang panginginig niya dahil sa labis na pag-iyak.
"Tara na, pumasok na tayo sa loob." Hinawakan ko ng mabuti ang kamay niya habang ang isang kamay ay hinawak ko sa maleta niya at hinila papasok sa mansyon.
*****
JEZELLE'S P.O.V
DAYS LATER...
"GOOD morning!" Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan ng mansyon at napangiti ako ng makita sina Mom at Dad.
"Mamila! Dadilo!" masiglang sabi ng kambal at tumakbo palapit sa kanila.
"Oh! How do I miss my twin grandsons?" sabi ni Mom nang yumakap ang kambal sa kanya.
"We miss you too, Mamila," nakangiting sabi ni Jezren.
"Hi, Mom, Dad," bati ko paglapit namin ni Darrell sa kanila at niyakap nila ako.
"Hello, Khaye. Kumusta ka na? Sorry kung wala kami ng Dad n'yo sa panahon na nagluluksa kayo sa pagkawala ng anak n'yo?" sabi ni Mom pagkatapos nila akong yakapin ni Dad bago napangiti sa kanila. Ngiting hindi peke o pilit kun'di isang totoong ngiti.
"It's okay, Mom. I understand. Nandiyan naman sina Kuya Jeremy, Kate, ang mga pamangkin ko, ang mga anak ko at lalong-lalo na ang asawa ko sa tabi ko para intindihin, damayan at tulungan akong umahon sa pagluluksa ko kay Keisha. I know na masaya na ngayon ang baby girl ko kung nasaan man siya kasi kahit hindi ako nabigyan nang pagkakataon na makasama o mahawakan siya, alam ko na mahal niya ako at mahal ko siya. Masaya siya, kasi nagkaayos na kami ng Daddy niya at nakaahon na ako sa depression na nararamdaman ko dulot ng pagkawala niya. Nagparamdam siya sa akin, Mom." nakangiti at masayang sabi ko.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...