THIRD PERSON'S P.O.V.
HALOS mag-iisang oras na ang nakalipas simula nang mapag-isa ang isang babae sa medyo may kadilimang hardin ng malaking mansyon na iyon dahil na rin sa madilim na kalangitan at ang tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbi niyang ilaw habang mag-isang umiinom ng wine at pinagmamasdan ang milyong makikinang na mga bituin sa madilim na kalangitan.
Nakalahati na nga niya ang isang bote ng mamahaling wine na kinuha niya sa loob ng mansion na pagmamay-ari ng magulang ng kaibigan ng kakambal niyang lalaki kung saan nagkakasayahan ang ibang kabataan na katulad niya, maliban na lang sa kanya na mag-isang umiinom sa harding iyon dahil ayaw niyang makisaya sa loob dahil siya ang tipo ng kabataan na mas pipiliin ang tahimik na lugar kaysa sa maiingay at magulong lugar katulad ng mga party o bar.
“Bakit nandito ka mag-isa sa garden? Ayaw mo bang makisaya sa loob?” tanong ng isang lalaki na lumapit sa babaeng nakita niyang mag-isa sa labas ng mansion nila habang umiinom ng wine. Inilapag ng lalaki ang dala nitong bote ng mamahaling hardrinks at baso na may lamang alak bago umupo sa katabing upuan ng dalaga.
“Ayoko roon. Wala akong kakilala maliban kay Kuya Jeremy na alam kong nagsasaya kasama ang mga kaibigan n'yo at ang fiancé niyang si Kaila na paniguradong nawala na sa isip niya na kasama niya ang kakambal niya sa isang party na walang kakilala at maingay pa. Mas gusto kong nandito sa labas, tahimik lang,” sabi ng babae bago uminom ng wine.
“Gusto mo bang samahan kita rito?” tanong ng lalaki sa babae na ikinatingin nito sa kanya.
“Ikaw ang bahala. Happy birthday nga pala,” sabi ng babae na ikinangiti ng lalaki.
“Thanks. Anyway, I'm Callib Darrell Buenavilla, tawagin mo na lang ako sa second name ko,” nakangiting pakilala ng lalaki na nagngangalang Darrell sabay lahad ng kamay sa harap ng babae.
Callib Darrell Buenavilla, bente-kuwatro anyos at nag-iisang anak na lalaki ng business partner ng magulang ng babaeng kasama. Ang lalaking susubuking mahalin ang si Jezelle para kalimutan ang babaeng nanloko sa kanya.
“Jezelle Khaye Calliego,” pakilala ng babae na nagngangalang Jezelle at tinanggap ang kamay ni Darrell na nakalahad sa harapan niya at nakipagshake-hands sila. Biglang parang may nakaramdamang kuryente si Jezelle mula sa kamay ni Darrell papunta sa kamay niya kaya agad siyang napabitaw sa kamay ng binata.
Jezelle Khaye Calliego, bente-dos anyos at isa sa anak na babae ng mag-asawang Jerome Keann Calliego at Hazelyn Saoirse Candelaria-Calliego. Ang babaeng handang gawin ang lahat makapiling lang ang taong minamahal at handang magpatawad nang paulit-ulit para maayos ang hindi pagkakaunawa o magulong relasyon nila ng lalaking mahal niya.
“Ikaw? Bakit ka nandito? ‘Di ba, dapat ay nasa loob ka at nagsasaya dahil party mo iyon?” nakakunot ang noong tanong ni Jezelle kay Darrell.
“Napansin ko kasing wala ka sa loob kaya lumabas ako para hanapin ka, akala ko umuwi ka na pero nakita kita rito na mag-isa kaya lumapit ako sa ’yo para samahan ka,” sabi ni Darrell bago ngumiti na ikinatango ni Jezelle.
Ilang minuto ang lumipas na tahimik lang silang dalawa pero binasag ni Darrell ang nakakabinging katahimikang iyon.
“Nagkaroon ka na ba ng boyfriend? O mayroon ka na bang boyfriend?” biglang tanong ni Darrell na ikinatingin ni Jezelle na napakakunot ang noo sa tanong ng binata.
“Bakit interesado kang malaman kung may boyfriend na ako? At masyadong pribado ang tanong na iyan.” nakataas ang kilay na tanong ni Jezelle kay Darrell na ikinangiti ng lalaki.
Napatitig si Jezelle sa mukha ni Darrell, nakangiti ang perpektong sukat ng mapupulang labi ng lalaki na umabot sa mga mata nitong kulay asul, pantay ang makakapal nitong kilay, bilugan ang hugis ng mga mata at matangos ang ilong. Mahahalata sa kulay ng balat, kilos, tindig at pananamit ng lalaking kaharap na may sinisigaw o may ipagmamalaki ito sa lipunan.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomansSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...