CHAPTER 6

3.2K 108 72
                                    

I already sent my address to Josh last night. I also prepared my things yesterday after kong makauwi galing trabaho para wala na akong ibang gagawin ngayon. I told Mama na mawawala ako ngayon at uuwi bukas for my boss' meeting sa client niya sa Batangas.

Ngayon ay hinihintay ko nalang si Josh. He texted me earlier na paalis na siya kaya baka malapit na siya ngayon.

Maya-maya lang ay may bumusinang sasakyan sa labas so I assumed that it's Josh. Agad naman akong lumabas na ng kwarto dala ang gamit ko at bumaba na.

Nagulat nalang ako nang pagbaba ko ay kakapasok lang ni Josh sa living room.

"G-goodmorning Josh." I greeted him and he also greeted me back. "Si Mama nagpapasok sayo?" I asked.

"Oo." pakasagot niya ay sakto naman na dumating si Mama.

"Eto na pala yung boss mo Sam." Mama said at tumango lang ako.

"I'm his friend Ma'am. Boss niya lang po ako kapag nasa harap kami ng mga empleyado." Josh said.

Medyo nagulat namang napatingin si Mama kay Josh. "Talaga hijo? Ang bait mo naman kung ganon. Atsaka don't call me Ma'am, just call me Tita. Oo nga pala, I heared so many good things about you coming from Sam." Mama said.

Agad ko namang sinaway si Mama.

"Ma!"

Natawa nalang ng mahina si Josh.

"We're going Ma." I said.

I kissed Mama on her cheeks bago kami ni Josh lumabas ng bahay. Sa likod ng sasakyan ni Josh nilagay yung mga dala naming gamit.

Nang makaalis na kami ay biglang nagsalita si Josh.

"Ikaw a, kinukwento mo ako sa Mama mo." sabi niya na tunog na nang-aasar.

Sinamaan ko siya ng tingin. Baka kung anong isipin niya na kinukwento ko siya kay Mama kaya nagsalita din ako.

"Ofcourse kinukwento kita because I have to! Sinasabi ko kay Mama yung mga nangyayari sa araw ko sa trabaho. Pasalamat ka nga at hindi ako nagkukwento ng masama tungkol sayo kay mama kasi mawawalan ka ng secretary. Kasi sabi ni Mama, kapag naaagrabyado ako sa trabaho ay patitigilin niya 'ko. Tsaka sige ka, pag tumigil ako sa pagtatrabaho, ikaw din mawawalan ng maganda at sexy na secretary." I explained to him na may halong pagmamaldita.

"Haba ng explanation ah." he said and he chuckled.

"Sige, gusto mo bang mawalan ng magandang sexytary?" panghahamon ko sa kaniya.

Umiling-iling nalang siya at ngumiti. Nasa daan ang tingin niya dahil nagdadrive siya.

I checked the time and it's eight in the morning. Sa pagkakaalam ko ay dalawang oras ata ang biyahe from Manila to Batangas.

Napahikab nalang ako nang makaramdam ako ng antok. Napansin iyon ni Josh kaya nagsalita siya.

"Inaantok ka pa? Idlip ka muna jan. Two hours naman ang byahe." sabi niya.

Tumango nalang ako. Inayos ko ang upo ko at sumandal. Pinikit ko na ang mga mata ko, I just hope na makaidlip nga ako dahil maaga akong nagising kanina.

JOSH's POV

I noticed that Sam is still sleepy kaya pinaidlip ko na muna siya since two hours naman ang byahe before we arrive at the Resort sa Batangas. I focused myself on driving. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko si Sam. Gusto ko sanang mag-play ng music kaso baka magising siya kaya wag nalang.

I actually like Samantha's personality. Kung ano yung ugali niya noong first day niya magtrabaho sakin ay ganon pa rin hanggang ngayon. Mas dumaldal nga lang siya ngayon ng konti but I actually like it, may nakakausap na ako sa office ko. Organized person si Sam. Of all my former secretaries, si Sam ang nagustuhan ko. I like how organized she is at work.

And I like her for who she is. Ngayon lang ako nakaramdam ng kakaibang saya. Masipag naman akong pumasok sa company pero iba ngayong nandito na si Samatha. I'm starting to have weird feelings na hindi ko naman naranasan sa mga past flings ko. Gusto ko nga nga ata si Sam.

Habang nagdadrive ako ay biglang nag-ring ang phone ko. It's Paulo who's calling. Sinagot ko iyon.

"Hello" sagot ko sa mahinang boses, baka magising kasi si Sam.

"Josh san nga kayong Resort pupunta sa Batangas?" Paulo asked kaya kumunot ang noo ko.

Ba't naman niya tinatanong kung saan kami pupunta?

"Sa Punta Estella Beach Resort, bakit?" I asked him.

"Sige, may imemeet kasi ako jan." sabi niya kaya tumango nalang ako kahit hindi niya nakikita.

Magsasalita pa sana ako pero bigla nalang niyang pinatay yung tawag. Tsk. Baliw talaga iyon minsan.

Ibinalik ko na ang phone ko kung saan nakalagay iyon kanina at nagfocus na sa pagdrive. Mabuti at tulog pa rin si Sam.

Maya-maya lang ay may nadaanan akong drive thru kaya huminto ako doon at nag-order ng makakain namin.
I ordered fries, burger at drinks para samin ni Sam para may makain siya paggising niya, bumili na din ako ng sundae.

Habang inaantay ko yung order ko ay napansin ko ang pagtingin-tingin ng lalaking crew dito sa loob ng kotse ko. I know that she's looking at Sam beside me na natutulog. Hindi ko gusto ang tingin niya kay Sam kaya nakaramdam ako ng inis.

Nang maiiabot na niya sakin yung mga inorder ko at habang binibigay ko yung perang pambayad ay sinabihan ko siya.

"Stop staring at my girlfriend. I don't like you staring at her." I said.

Nakita ko ang paglunok niya at pag-iwas ng tingin. Agad ko namang itinaas ang bintana ng sasakyan at agad na pinaandar ulit ang sasakyan.

Ewan ko ba pero bigla ko nalang iyon nasabi kanina, mabuti na din iyon dahil naputol yung pagtitig niya kay Sam.

Maya-maya lang ay nagsalita si Sam. Gising na pala siya kaya agad ko siyang nilingon.

"Gising ka na pala." sabi ko, tumango lang siya at tumingin sa labas.

"Malapit na ba tayo?" she asked.

Tumango ako ng bahagya. "Maybe? Basta 35 minutes nalang nandun na tayo." sabi ko. "Dumaan ako sa drive thru kanina, I bought some snacks. Kuha ka nalang jan." sabi ko pa.

"Wow, thank you." she said.

I just smiled and continued driving at siya naman ay kumuha ng pagkain.

"Ikaw, kumain ka rin. Ikaw bumili e" sabi niya.

Nilingon ko siya saglit. "I'm driving" at agad na ibinalik sa daan ang tingin ko.

Hindi na siya nagsalita. Nagulat nalang ako nang may pagkain na sa tapat ko, sa may bibig ko. Nilingon ko si Sam nang naguguluhan.

"Susubuan na kita." she said and smiled.

Wala akong nagawa kundi kainin yung sinubo niyang fries sa akin. I smiled a little because of that. Para lang kaming couple.

"Para kang timang! Anong nginiti-ngiti mo jan?" she asked.

Umiling-iling nalang ako. Alangan namang sabihin ko sa kaniya na mukha kaming couple, baka mailang pa at di na ako subuan.

"Oh, here's your sundae. Say ah"

Ngumanga naman ako. Natawa pa ako ng bahagya.

"Mag-play lang akong music ha." paalam niya na tinanguan ko nalang.

Ipinagpatuloy niya ang pagsubo ng pagkain sakin. Pakatapos niyang sumubo ay ako naman ang susubuan niya, alternate lang kumbaga. Hanggang sa maubos na namin iyon.

Sakto namang pakaubos ng kinakain namin ay nakarating na kami sa destination namin. I surveyed the area. The place is beautiful, just like the lady that I'm with right now.

-----

A/N: Imbento ko lang po yung name ng Beach Resort ha.

My Boss, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon