JOSH's POV
After I closed the door of Sam's room ay hindi ko na maiwasan na mapangiti. It's enough for me na hayaan niya akong alagaan siya. Kahit na ngayon lang, lalo na't wala dito sa bahay ang Mama niya. I will take care of her for now.
Ibinalik ko na sa sink yung palanggana na may tubig at yung towel. Pagbalik ko sa taas sa kwarto niya to check on her ay nakita kong natutulog na siya kaya hindi ko na inistorbo pa. She have to rest.
Naisipan ko na umalis muna. Babalik muna ako sa company and then I will go back here. Yes, I will be back. Hindi ko hahayaan na mag-isa lang siya rito.
Agad akong umalis sa bahay nila at nagdrive papunta sa company. When I arrived ay sa office ako dumiretso. I get my laptop and yung ibang importanteng papeles. Nang tignan ko yung naiwang trabaho ni Sam ay hindi naman iyon ganon kadami kaya nagpatawag ako ng isang empleyado para tapusin iyon.
"Yes Sir? Pinapatawag niyo raw po ako." Ms. Pia said.
Siya na ang ipinatawag ko dahil alam kong kaibigan naman niya si Sam.
"Ah, yes. Can I have a favor? Pwede bang ikaw na tumapos nung naiwang trabaho ni Samantha? Don't worry ako nang bahala sa sweldo mo, dadagdagan ko." dire-diretso kong saad.
"Sige Sir, ako na pong bahala." she said.
Nginitian ko nalang siya at nagpasalamat. Aalis rin kaagad ako, kinuha ko lang yung mga kailangan ko.
Nagdrive kaagad ako paalis ng company. Dumaan muna ako ng botika para bumili ng mga gamot, alam ko naman na meron na si Sam sa bahay nila pero bumili pa rin ako. Pasiguro nalang. And after kong dumaan sa botika ay dumaan pa ako sa isang Restaurant, ito yung kinainan namin ni Sam last time. May soup din sila sa menu kaya nagtake-out ako.
Pakatapos ay nagdrive agad ako paalis. Instead na dumiretso ako sa bahay nila Sam ay sa bahay muna ako pumunta.
"What are you doing here? You should be on your company by now." my Mom said as soon as he saw me entering our house.
Hindi nalang ako sumagot. Nakasalubong ko naman sa hagdan si Ate Yuna, nagtataka rin siya kung bakit bumalik ako. "Ginagawa mo rito?" she asked.
"Wala." I simply said.
Nilagpasan ko siya at agad na pumasok sa room ko. I changed my clothes, from formal to casual. I'm planning to stay in Sam's house. Kumuha rin ako ng extra pang damit pamalit. I put in on my bag atsaka bumaba na.
Nilagay ko muna yung bag sa sofa at dumiretso sa kitchen. I checked if there are still fruits, mabuti nalang at meron kaya kumuha ako at inilagay iyon sa plastic.
"Where are you going?" my Mom asked me. I suddenly glanced at her tsaka ko siya sinagot. "Sam." I said.
I know that she doesn't know kung anong sinabi ko. Hindi na siya umimik.
"I'm going." I said.
Akmang aalis na ako ng bigla pang magsalita si Mommy.
"By the way, I want you to meet my friend's daughter tonight. You two will be having a dinner, try to get along with her, kilalanin mo siya." Mom said.
Saglit pa akong nahinto sa paglalakad. Bumuntong-hininga ako.
Eto nanaman, reto nanaman.
"Mom, how many times do I have to tell you that I am not interested with that." I said. "But I just want you to have a partner. Look Josh, you're already 26 and you're still single. Puro company mo nalang ang inaatupag mo!" she said. "Well Mom, kung sinasabi mong gusto mo na akong magkaron ng girlfriend or partner. Well, I already find someone. I'm going to her now actually." I said and I immediately leave.
Agad akong sumakay na sa sasakyan at nagdrive paalis. I'm so sick hearing words like that from my Mom, pinagpapasensyahan ko nalang dahil magulang ko siya. I love her and I respect her. Pero sana naman itigil na niya yung mga reto-reto na yon dahil sa sinabi ko.
Napansin ko na may kotseng nakasunod sakin. It's familiar, it's Ate Yuna's car. Tsk, pinasundan ata ako sa kaniya. Hindi ko nalang iyon pinansin, I just continued driving hanggang sa nasa labas na ako ng bahay ni Sam. Nakasunod pa rin siya. Inihinto ko na ang sasakyan tsaka bumaba. Hindi muna ako pumasok sa loob, hihintayin ko lang si Ate. Nang tumigil siya sa tabi ng kotse ko ay bumaba rin siya, sabi na eh. She looked at Sam's house atsaka tumingin sakin.
"Pinasundan niya ako sayo?" tanong ko sa kapatid ko kahit alam ko naman na ang sagot.
She just nod at me, smiling. "Narinig ko rin yung pinag-usapan niyo kanina. Is this your girlfriend's house?" she asked this time.
"Yes, this is Samantha's house. But she's not yet my girlfriend. I'm just starting to court her." I answered her.
Tumingin naman siya sakin habang nakangiti. "Congratulations in advance lil bro" she said at tinapik pa ako sa balikat.
Natawa nalang ako ng mahina tsaka umiling-iling.
"Umuwi ka na." sabi ko. Nakita ko naman ang pagsalubong ng kilay niya. "Sama ako sayo sa loob. I want to see her and meet her." she said. "You will meet her soon, dadalhin ko siya sa bahay pag kami na. And isa pa, she's not feeling well today kaya nga nandito ako." sabi ko sakaniya.
"Sige na nga!" sabi niya at agad na sumakay sa kotse niya. Hinintay ko pa siyang makaalis bago ako pumasok sa loob.
I slowly opened the door of Sam's room, nag-iingat ako na wag makagawa ng ingay. I check on her and she's still asleep. Mainit pa rin siya. Inayos ko ang kumot na nakabalot sa kaniya dahil bumababa iyon. Pakatapos ay lumabas na ako ng room niya.
Okay lang naman siguro na dumito muna ako. Wala naman siyang kasama.
I stayed at their living room. Nakaupo ako sa sofa and nasa harap ko naman ang laptop ko na nakapatong sa coffee table.
I'm doing my things, I read the files and documents na hindi ko pa nababasa. And may mga papeles din akong pinirmahan. I'm too focused on what I'm doing kaya hindi ko na napansin ang oras. It's already three in the afternoon.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at nag-unat ng katawan. Pakatapos ay pinuntahan ko si Sam sa kwarto niya. She's still sleeping pero naiba na ang posisyon niya. Kanina ay nasa kabilang side siya nakaharap, patalikod kapag nandito ako sa pinto niya, ngayon naman ay nakaharap na siya.
I sat on her bed and I stared at her beautiful face. I can't believe that I already found the one whom I love. Matitigil na rin si Mom sa pagrereto niya sakin. Minsan kasi ay pumapayag ako sa mga nirereto niya but I don't take that seriously. Maganda naman sila but I just don't like them. And now, I met Sam, my secretary. I can't believe na nagustuhan ko siya, and mahal ko na nga siya ngayon. Una ko talagang nagustuhan sa kaniya ay ang ugali niya. Yung pakikitungo niya sakin and base sa naobserbahan ko sakaniya noon ay magaling talaga siyang makisama, lalo na sa trabaho. What's unexpected is that I fell for her.
And hindi sa nagyayabang ako but I feel like Sam likes me too. Feeling ko lang, pinapakiramdaman ko kasi siya minsan sa mga inaakto niya towards me. And isa pa, hindi niya ako papayagan na manligaw sakaniya kung wala siyang nararamdaman sakin.
Noong pinayagan niya akong ligawan siya, hindi man halata pero sobrang saya ko non. Kaya nga napayakap pa ako sa kaniya.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig kay Sam pero natauhan lang ako nang dahan-dahan nang dumilat ang mga mata niya.

BINABASA MO ANG
My Boss, My Husband
FanfictionJosh Cullen Santos, the CEO of the biggest company in the country. He almost got everything he needs. Money, house, his company, ano pa ba? Isa lang naman ang wala pa siya e, girlfriend. His parents wants him to get married before he turns 30. Pinip...