It was nice seeing Noah again. Sana makahanap agad siya ng trabaho. Swerte ng mapapasukan niya kung sakali dahil masipag siya at responsable, magaan din siya kasama.
Umalis din kaagad ako at bumalik ng company. Sakto rin nang makarating ako ay nakaramdam ako ng hilo. Maybe because I'm just tired at medyo mainit kanina sa labas.
Nakapag-park na ako ng kotse ni Josh pero hindi muna ako bumaba. I stayed at the car for a while dahil nahihilo pa ako. Few minutes after ay kinuha ko na yung foods na dala ko at pumasok na sa building ng company kahit na nahihilo pa ako. Dahan-dahan lang din akong naglalakad.
Hindi ko nga namalayan na nakasalubong ko si Ms. Pia kung hindi niya lang ako hinigit sa braso kaya napatingin ako sakaniya. I smiled at her a little, samantalang nakatingin lang siya sa akin, parang sinusuri ako.
"Are you okay?" alala niyang tanong.
I lightly nodded my head. "Nahihilo lang." sabi ko.
"Samahan na kita, papunta sa office ni Sir Josh." sabi niya at hinawakan ako.
Nag-alangan muna ako. "Baka may ginagawa ka. Kaya ko naman." sabi ko pa.
Umiling lang siya at sinamahan na ako sa paglalakad. "It can wait." she said.
Wala naman akong nagawa kundi magpasama. Ang sakit na rin kasi ng ulo ko, pangatlong beses na ata 'to.
"Ako na nga magdadala niyan, baka matapon pa." sabi niya at inagaw sakin yung pagkain na nasa brown bag na dala ko. Ibinigay ko nalang sakaniya iyon.
Nag-elevator kami papunta sa office ni Josh. Kaming dalawa lang ang nasa elevator non at tahimik lang kami. Hindi rin kasi ako nagsasalita dahil sa sakit ng ulo ko.
Nakakapit ako sa braso ni Ms. Pia habang naglalakad kami hanggang sa makarating na kami sa office ni Josh.
Josh immediately stand up from his chair nang makita akong pumasok.
"Palapag nalang dyan sa table Ms. Pia, thank you." sabi ko, tinutukoy ko yung dala ko. Nagpaalam at umalis din kaagad siya.
Josh kissed me on my cheeks. Ako naman ay dumiretsong naupo sa couch ng office niya. I closed my eyes, I rested myself on the couch.
"Hey love, are you okay?" I heared Josh asked. "You look tired, just rest there for a while. By the way okay na ba yung pinuntahan mo?"
Hindi na ako sumagot at tumango nalang.
Nanatili akong nakapikit at nakaupo sa couch. Wala akong gana kahit magsalita man lang.
"Are you okay love?" I heared Josh asked again.
Umiling ako bago nagsalita. "N-Nahihilo ako." sabi ko sa mababang boses.
"What? Magpahinga ka nalang muna. Uminom ka na ba ng gamot?" he asked concerned.
Umiling ulit ako. "Ayoko." sabi ko.
Narinig ko pa siyang may sinabi pero hindi ko nalang siya pinansin.
Nakasandal ako sa couch at kumportable ang posisyon ko. Nakapikit ako kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Narinig ko nalang ang mahinang boses ni Josh, looks like may kausap siya sa phone.
Dahan-dahan ko nang iminulat ang mga mata ko at inayos ang posisyon ko. Napalingon naman agad si Josh sa akin tsaka agad na binaba ang phone niya.
"Sorry, how's your sleep? Did I woke you up love? How are you? Maayos na ba pakiramdam mo?" sunod-sunod niyang tanong kaya nairita ako.
Naiirita ko siyang tinignan tsaka sumagot. "Nahihilo nga ako, paulit-ulit!" inis kong sabi. I even crossed my arms in front.
Mukhang nagulat siya sa inakto ko pero hindi ko nalang siya pinansin at umiwas ng tingin. Ewan ko pero bigla nalang akong nairita. Pero ulit-ulit din kasi siyang nagtanong kaya nainis ako, sino ba namang hindi maiinis doon.
"S-Sorry." I heared him apologized pero hindi ko siya pinansin.
Hindi ako nagsalita. Ilang minuto rin kaming nabalot ng katahimikan.
I automatically crave when I saw the snacks I bought earlier at the fast food. May bawas na iyon so I guess kumain na si Josh.
Kinuha ko yung fries tsaka ako kumain. Ramdam ko na nakatitig sakin si Josh kaya tinitigan ko rin siya. I raised a brow at him and rolled my eyes. Umiwas siya ng tingin sakin and I saw the side of his lips rose up so I guess he smirked. Hindi ko nalang ulit siya pinansin tsaka ko itinuloy ang pag kain ko ng fries.
Maya-maya lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng office ni Josh pero hindi ako lumingon.
"Yow!" awtomatiko akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Justin. Siya yung dumating. I didn't expect him to be here today.
"Jah!" I said.
Lumapit na siya sakin tsaka bahagyang yumuko para mayakap ko siya. Nag-apir din sila ni Josh.
"What brings you here?" tanong ko sakaniya nang makaupo na siya sa tabi ko. Bale napapagitnaan na nila ako ni Josh.
"Pinapunta ako ni Kuya Josh, Ate. Sabi niya masama raw pakiramdam mo." sabi ni Justin kaya napatingin naman ako kay Josh. Nakatingin din siya sakin bago tumango.
"I think it's much better love if you go home for now. Magpahinga ka na muna, hindi ka pa okay." he said.
Wala naman sa sarili akong napatango.
Parang nakonsensya yata ako. Kahit na nainis at nairita ako sakaniya at nasungitan ko pa siya kanina ay ako pa rin ang inisip niya. He's really concerned about me.
Wala sa sariling niyakap ko siya ng mahigpit.
"I'm sorry love" I said.
Ramdam ko ang panunubig ng mga mata ko. Looks like I'm about to cry. At hindi ko na nga napigilan, umiiyak na ako habang nakayakap at nagso-sorry kay Josh.
"W-Wait, love, ba't ka umiiyak?"
Umiling-iling nalang ako, hindi ko rin sigurado kung bakit ako umiiyak. "I love you" I said, tsaka ako humiwalay sa yakap.
Pinunasan ko na rin yung luha ko gamit yung tissue na inabot sakin ni Jah.
"Iyakin mo naman ngayon Ate" tumatawang sabi ni Justin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Justin stayed at the office for a few minutes, mga fifteen minutes din siguro. Nag-usap lang sila ni Josh pero ako ay nakikinig nalang. Di ako makasali sakanila dahil masakit pa rin talaga ang ulo ko.
Hanggang sa ako na ang kusang nag-aya kay Justin na umuwi na muna kami. Hinatid muna kami ni Josh hanggang sa parking area ng building hanggang sa kotse ni Jah.
Alam ko naman kung bakit muna ako ni Josh ipinasundo kay Jah. Hindi pwedeng wala siya ngayon sa company dahil may ilang inaasikaso pa siya.
Habang nasa byahe kami pauwi ni Jah ay nakapikit lang ako, pero hindi ako tulog. Mas lalo lang akong mahihilo kung nakikita ko pa ang paligid habang bumabyahe kami. Mabuti at hindi masyadong traffic kaya agad kaming nakauwi.
Mama isn't surprised to see me pero bakas ang pag-aalala niya nang makita ako. Baka nasabi na rin ni Jah na susunduin niya ako at uuwi muna rito.
"Anak, what happened?" Mama asked me worriedly, agad niya rin akong pinaupo sa sofa sa sala.
"Nahihilo ako Ma. Can I go upstairs? Magpapahinga muna ako at baka pag nakatulog ako ng mas mahaba baka mawala na rin agad 'to." sabi ko kay Mama.
Agad naman na tumango si Mama kaya pumunta na 'ko sa kwarto ko sa taas. Diretso higa agad ako sa kama at pumikit. I just hope na okay na ako paggising ko.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Husband
FanfictionJosh Cullen Santos, the CEO of the biggest company in the country. He almost got everything he needs. Money, house, his company, ano pa ba? Isa lang naman ang wala pa siya e, girlfriend. His parents wants him to get married before he turns 30. Pinip...
