CHAPTER 62

3K 79 14
                                        

It's a new day and this will be the day where we will announce to our family about my pregnancy. For now, puro excitement lang ang nararamdaman ko. Alam kong ganun din si Josh.

Parang napipicture ko na sa utak ko yung magiging reaction ng families namin mamaya.

"Ang saya mo naman ngayon love ah" rinig kong sabi ni Josh, tumawa pa siya ng mahina.

I just smiled at him. Alam naman niya na sobrang excited na ako para rito.

"Maya-maya nandito na rin sila." sabi pa niya bago niya ako yakapin mula sa likod. He rest his chin on my shoulder then his hand went on my tummy then he caressed it. "Baby, good mood si Mommy ngayon." sabi niya na ikinatawa ko ng mahina.

"B-Baby, what baby?"

Parehas kaming nagulat ni Josh nang may narinig kaming nagsalita. Kumalas sa pagkakayakap si Josh bago kami napatingin sa direksiyon kung saan namin narinig ang boses.

We're both shocked to see our families there. They all have a clueless and shocked expression except for Justin.

"You're pregnant Sam?" si Ate Yuna na ang nagtanong.

I have no choice but to nod.

"Magkaka-apo na tayo!" sabi ni Mom tsaka bumaling kay Mama.

Last time that we had a talk Josh's Mom said na tawagin ko na rin siyang Mom/Mommy kaya 'yun na ang tinatawag ko sakaniya. Pati na rin sa Dad ni Josh, Dad na rin ang tawag ko.

I pouted. Narinig na nila. Dapat mauuna naming sabihin iyon ni Josh eh, but they all heared it first.

"Ang daldal kasi Josh!" baling ko kay Josh tsaka ko siya inirapan.

Josh looked at me with his brows furrowed. "Ako?" nagtataka niyang tanong. Tinuro pa niya ang sarili niya.

"Oo, ang lakas kasi ng boses mo!" inis kong sabi sakaniya bago lumapit kila Mama para salubungin sila.

"W-Well, sorry. Hindi ko naman alam na nandito na pala sila." pagdedepensa niya sa sarili niya pero hindi ko nalang siya pinansin.

"Stop that, baka mag-away pa kayo." sita samin ni Mom.

Napayuko nalang ako ng bahagya.

Mama touched my tummy then she stared at it, parehas nilang tinitigan ni Mom ng mariin yung tiyan ko.

"Ilang buwan na Anak?" tanong ni Mama.

"Three months Ma." simple kong sagot.

Josh's Mom looked at me. "Ba't ngayon niyo lang balak sabihin samin?" tanong niya rin.

"Kailan ko lang din po nalaman na buntis ako." sagot ko.

They just nodded their head while looking at my tummy.

"And by the way, Sam just got her check up from her OB yesterday. Our baby is fine so there's nothing to worry about." Josh said to them.

Napatango lang ulit sila.

"Congrats to the both of you." yung Dad ni Josh.

We smiled and thank him.

"Ikaw Jah, ba't parang hindi ka na nagulat? Alam mo na ba?" maya-maya'y tanong ni Mama kay Justin.

Nginitian ko nalang siya.

"Nasabi na po sa akin Ma ni Ate last time." Justin said kaya napatango nalang si Mama.

Inaya nalang namin sila na kumain. Dumiretso kami sa dining at doon kumain.

"So Samantha's pregnancy is the reason kung bakit niyo kami pinapunta rito?" sabi ng Dad ni Josh sa kalagitnaan ng pag-uusap namin habang kumakain.

I just nodded but Josh said something na ipinagtaka ko.

"Not just that Dad." Josh said.

I looked at him with a confused look. Because as far as I know ay ito talaga ang dahilan. "What do you mean?" I asked him cluless.

He only smiled at me before reaching my hand. Nakangiti siyang nakatingin samin habang ako nagtataka lang na nakatingin sakaniya.

"Ahm, napag-isipan ko lang na magpakasal na kami ni Sam." it's like I stopped when I heared what he said. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. "Since she's already pregnant and we're having a baby soon. Bakit hindi pa namin asikasuhin ang para sa kasal namin." he said. "Love, I know you already said yes to me, pumayag ka na na pakasalan ako but I just want our wedding to happen sooner. Is that okay with you?"

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at tumango nalang ako.

I bit my lip, preventing myself to smile widely. I'm just very happy because he wants to marry me sooner. Ayaw na niyang patagalin pa.

"Really? Then great!" masigla niyang saad. I can see that he's very happy.

Bumaling ako kila Mama at natigil din sila sa pag kain at  nakatingin sa amin. Mas lalo rin na lumawak ang mga ngiti nila. Si Ate Yuna, ang laki rin ng ngiti niya habang nakatingin sa amin.

"That's what I like about you Son. Hindi mo na pinapatagal pa ang mga bagay-bagay." Dad said to Josh.

"Thanks Dad" yun na lang ang nasabi niya.

"Anak, you're still working as Josh's secretary diba? Nakapag-usap na ba kayo tungkol dyan? Lalo na't buntis ka na and ikakasal na kayo." si Mama.

Josh was the one who answered. "Yes po Ma, we already talked about that. Actually pinatitigil ko na nga po si Sam na magtrabaho eh, para iwas stress and para hindi po siya mapagod."

Pakatapos magsalita ni Josh ay ako naman agad ang sumunod. "Before the wedding." una kong sinabi. Lahat sila ay nakatingin sakin, naghihintay ng susunod kong sasabihin. "Two weeks or maybe a week before the wedding, magreresign na po ako sa trabaho." buo kong pagkakasabi dahil buo na rin ang desisyon ko. Nakapag-isip na ako kagabi pa.

Nakita ko na napangiti naman si Josh sakin bago tumango.

"Then you'll be needing a new secretary Bro." pagsingit ni Ate Yuna sa usapan.

"Your sister is right. Dapat makahanap na agad ng magiging bagong secretary mo." sabi ni Mom.

"We already found one. Hihintayin nalang niya ang araw ng pag-start ng trabaho niya." Josh said

"Parang planado niyo na ah." si Justin.

"That's fast. Then who will be your secretary?" Mom asked.

"My friend from college Mom. But y'all don't need to worry about him. Pinakilala ko na po siya kay Josh and si Josh na rin po mismo ang nag-alok sa kaniya ng trabaho dahil nangangailan din po kasi talaga yung kaibigan ko ng trabaho. I assure you that his qualifications are good." I explained.

I know them that as Josh's parents, concerned pa rin sila sa company that's why I clearly understand them. Ayaw lang nila na kung sino lang ang nakakapasok sa kompanya. Nag-iingat lang din kami at alam ko iyon.

"Lalaki ang magiging bagong secretary mo? Ayos lang sainyong dalawa iyon?"

Si Josh na ang sumagot sa Dad niya. "Yes Dad. Hindi naman purong lalaki iyon." mahinang sabi ni Josh at tumawa ng mahina to lift up the atmosphere.

Wala na silang ibang nasabi tungkol doon.

Ibinalik nalang namin ang topic sa magiging kasal namin ni Josh. Looks like we are all excited for the wedding. At mukhang mapapabilis ang proseso ng pagpaplano dahil bukod sa maraming connections si Josh ay mas eager din sa pagpaplano ang parents namin. They really want us to be married soonest.

My Boss, My HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon